Chapter 101

7.6K 331 282
                                    

(Note: the chapter 100, may "weeks ago" talaga dapat sa unahan 'yon, pero hindi ko nalagyan, nag-fast forward na ako ganorn).

VREL'S POV.

"What?" kunot ang noo kong tanong.

Baka mali lang ang pagkakarinig ko. I am dating the daughter of my father's mistress, alam ko ang ibig sabihin ngunit ayaw kong intindihin. Hindi iyon agad mai-proseso ng utak ko, pakiramdam ko ay inilutang nalang bigla sa hangin ang isip ko.

Samara's mom is my father's mistress? ganoon ba?

"Alam kong narinig mo," nakangisi pang sambit ni Reika, "Kaya kita inilalayo sa kan'ya, dapat nga ay magpasalamat ka pa sa akin."

Nananatili lang na kunot ang noo ko habang nakay Reika ang paningin, pinipilit kong hindi paniwalaan ang mga sinasabi n'ya. Ngunit nang lingonin ko si Dad ay may takot na sa mga mata n'ya, ganoon rin si Renz na dismayadong nakatingin sa kawalan. Kung ganoon ay totoo.

Ilang beses akong nagtanong tungkol doon noon, and all dad is saying ay hindi iyon totoo. If that was not true then who is woman that Reika is talking about? Nagsinungaling na naman sila sa akin. Nagkita sila ng babae na dahilan kung bakit nawala sa akin ang nagiisang kakampi ko sa buhay. I don't know what to feel, punong-puno ako ng galit ngayon.

"What.." hindi ko agad naituloy ang sinasabi, "What is she talking about?" nilingon ko si Dad.

"Son," iyon lang ang nasabi n'ya, "We will talk about it later—"

"We can talk about it now!" hindi ko na napigilan ang damdamin.

"Vrel," tawag ni Renz sa pangalan ko, "Calm down."

"We are talking about my Dad's mistress, Renz," nilingon ko s'ya, "The reason why I lost my Mom, and you want me to calm down?"

"I know," malumanay n'yang sabi, "I undestand what you feel, but please calm down."

Napailing ako saka muling nilingon si Dad, ganoon pa rin ang reaskyon n'ya. Tila hindi makapagsalita, walang lumalabas sa bibig n'ya bagaman bahagya itong nakabuka. Pinipilit kong hindi tumulo ang luha ko, pinipilit kong huwag masyadong lamonin ng iniisip. Huminga ako ng malalim saka pinilit ring ikalma ang sarili.

"Akala ko ba hindi totoong nambabae ka?" tanong ko.

Walang sumagot, lahat ay tumahimik. Hindi ko alam kung ano ang iniisip nilang lahat, ang tanging alam ko lang ay unti-unti na akong nilalamon ng bigat ng pakiramdam. Inaalala ang paghihirap ni Mommy dahil sa depression na dulot ng pamba-babae ni Dad. Napakasakit isipin no'n, mahabang panahon na ang lumipas ngunit ganoon pa rin kasakit.

"She is not my mistress, anak," sa wakas ay nakapagsalita si Dad.

"Eh ano?" tanong ko, "Stop lying, Dad. Gasgas na gasgas na 'yang linya mong 'yan," hindi ko napigilang maluha, "Since I was a kid, lagi kong tinatanong sa'yo kung totoo ba, lagi mong sinasabi na hindi!" dagdag ko, "If that's not true, bakit nawala si Mommy?"

Hindi s'ya nakapagsalita, hindi ko na napigilan ang luha ko sa pagtulo. Kung totoong hindi s'ya nambabae, bakit kailangang maghirap ni Mommy ng ganoon. Hindi ko maintindihan, hindi na ako bata pero bakit itinatanggi n'ya pa rin?

Nanatiling nakababa ang tingin ni Dad, walang masabi. Si Reika ay kalmado na ulit habang patuloy na sinisimsim ang alak hawak n'yang baso. Nahilamos ko na lamang ang mukha.

"That was my biggest trauma, Dad," muli kong sambit, "Nung nawala si Mom, para na ring nawala sa akin lahat!" dagdag ko, "Palibhasa hindi ka nawalan noon eh, kase kahit mawala si Mom, marami kang pwedeng ipalit," peke akong natawa, "Nawalan ako ng kakampi, I lost my Mom, and no one can ever... ever replace her."

OH MY GHOST [ONGOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon