Chapter 102

5.1K 208 66
                                    

SAM'S POV.

Ngayon ay naghihintay nalang ako kay Vrel sa pinagkasundoan naming lugar. Dito n'ya ako susundoin upang dalhin sa sinasabi n'yang sikretong lugar. Wala akong kahit anong ideya patungkol sa lugar na iyon kaya talagang nasasabik ako.

Matapos ang ilang minuto pang paghihintay ay dinig ko na ang magkasunod na busina ng sasakyan, saka ko nilingon ang papalapit na sasakyan n'ya. Nakangiti ko agad na tiningnan ang bintana ng driver's seat hindi pa man iyon nagbubukas. Hanggang sa tuloyan ko s'yang nakita, hindi ko maiwasang mapangiti. Ang gwapo n'ya sa ayos ng buhok n'ya, lalo pa sa suot n'yang polo. Kupas na asul, may puting butones ang polo na iyon.

"Good morning, beautiful," ngumiti s'ya sa akin.

Nakangiti naman akong tumugon, "Good morning, pogi."

Nang maihinto n'ya ang sasakyan ay bumaba na s'ya upang ipagbukas ako ng pinto. Agad rin naman akong sumakay, pinanuod ko s'yang maglakad at buksan ang pinto papasok ng sasakyan. Hindi ko maalis sa mukha n'ya ang tingin, hindi ko pa rin talaga maiwasang humanga sa itsura n'ya.

"I'm melting," aniya kalaunan.

Natawa naman ako dahil alam kong tinutukoy n'ya ang napakatagal kong pagtitig sa mukha n'ya.

"Napaka-gwapo naman kase," napairap nalang ako.

Natawa nalang s'ya saka ako hinalikan sa noo, ayon na naman ang mga paro-paro sa sikmura ko, nagwawala, hindi mapakali. Para akong kinikiliti, sobrang sarap sa pakiramdam no'n.

Nakangiti kong inabot ang kamay ko sa seatbelt upang isuot 'yon ngunit naunahan n'ya na ako. Muli ay natitigan ko na naman ng malapitan ang mukha n'ya, bakit ba kailangan n'ya akong pakiligin ng ganito. Para na akong maninigas, hindi pa rin ako nasanay sa ganitong karisma n'ya. Hindi pa rin ako nasanay sa mga ginagawa n'ya para sa akin, pakiramdam ko ay unang beses n'yang ginawa ang mga iyon kahit ang totoo ay ilang ulit n'ya nang ginagawa.

Ganito talaga yata kapag inlove.

Huminga ako ng malalim.

O ganito lang talaga yata kapag may pogi kang boyfriend.

Agad nang pinaandat ni Vrel ang sasakyan pagkatapos ikabit ang seatbelt ko at ngumiti. Sa byahe ay makailang beses s'yang nagpatugtog ng iba't-ibang kanta, lahat ng iyon ay nagustohan ng tenga ko. Bukod kase sa masarap iyon sa tenga ay maganda rin ang mensahe ng kanta.

Naroon pa ngang iginagalaw ko ng bahagya ang katawan upang sumabay sa tugtogin, si Vrel naman ay natutuwa habang maya't-maya akong tinatapunan ng tingin. Kalaunan ay tumigil rin ako dahil halos panoorin nalang ako ni Vrel buong byahe, wala na ang focus n'ya sa daan. Natawa nalang ako saka s'ya pinilit na mag-focus sa pagmamaneho.

"Saan ba tayo papunta?" tanong ko hindi katagalan.

Tahimik s'yang natawa, "It's a secret place."

Naningkit ang mga mata ko, kanina n'ya pa ako pinagiisip sa secret place na tinutukoy n'ya.

Wala talaga akong kahit anong ideya, kung papunta ba kami sa mall? sa beach? sa isang mamahaling restaurant? o sa airport dahil balak n'ya akong itanan at dalhin sa states.

"We're here," nakangiti n'ya akong nilingon.

Ang nakikita lang ng mga mata ko ay isang matayog na puno sa likod ng mataas na pader, hindi ko alam kung ano ang nasa likod ng pader na iyon. Ang puno na iyon ay nakakalula sa laki, makakapal ang kulay brown at orange nitong mga dahon. Puno rin ng tuyong dahon ang sahig. Malaking kahoy na gate ang nasa hindi kalayuan, hindi ko alam kung ano ang madadatnan ko sa oras na makapasok doon.

OH MY GHOST [ONGOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon