Chapter 85

7.3K 485 444
                                    

May nagtatanong kung saang part ako sa visayas, I am in Cebu Province. Galing rin akong Santa Fe Bantayan Island noong isang araw kase maayos ang kuryente doon, sanaol. Sinong taga banatayan dito? Paki-kuha nga 'yung tali ko sa buhok, naiwan sa 5 pearl's hotel, char.
_____________________________

SAM'S POV.

Nagulat ako nang marinig ang pagkabasag na iyon ng baso ni Kalia, ngunit hindi pa rin maalis sa akin ang kaba dahil sa lapit ng mukha sa akin ni Renz kanina. Dumadagundong pa rin ang dibdib ko, para akong pinagpapawisan. Mas lumala pa nang makita ko kung gaano kasama ang tingin ni Vrel kay Renz.

Nang mailipat sa akin ni Vrel ang tingin ay agad kong iniwas ang tingin sa kan'ya. Ayaw ko mang aminin, ngunit nanunumbalik na naman ang dating pakiramdam. Ang kaba sa tuwing titingnan n'ya ako ng gano'n, nakakapanghina ng tuhod.

"Let the janitor clean it, baka masugatan ka," saad ni Renz kay Kalia.

Si Kalia naman ay agad ring sumunod, muli na lamang s'yang kumuha ng baso saka iyon ginamit. Lumapit sa kan'ya ang isang waiter saka nilagyan ng juice ang baso n'ya. Nang lingonin ko si Vrel ay nakay Kalia na ang paningin n'ya.

"Careful, baka mabitawan mo ulit 'yan," sambit ni Vrel sa kan'ya.

Muli na naman tuloy akong pinanghinaan ng loob, buntong hininga nalang ang nagtaboy ng kaunting bigat sa pakiramdam ko. Hindi nagtagal ay nalinis na rin ang mga basag na baso sa harapan ni Kalia. Ang ibang bisita ay abala lang sa pakikipag-daldalan at pagsasaya. Habang ako ay binabalot ng tensyon, parang gusto ko tuloy tumakas at umuwi nalang.

"Are you okay?" dinig kong tanong ni Renz.

Nang lingonin ko s'ya ay nasa akin na ang paningin n'ya. Saglit akong natigilan saka napakurap at tumango.

"A-Ayos lang," tugon ko.

Tinitigan n'ya pa ako matapos kong sabihin iyon, para bang hindi s'ya kumbinsido na iyon nga talaga ang nararamdaman ko. Ilang sandaling nagtagal ang mga tingin n'yang iyon.

"You look pale," aniya na nakatingin sa iba't-ibang parte mg mukha ko.

Kung hindi mo ako tinitigan ng gano'n ay hindi aapoy ang mata ni Vrel, edi sana hindi ako namumutla!

Agad kong naiwas ang paningin bago pa ako tuloyang mailang. Napakamot pa ako sa batok dahil sa kawalan ng salita. Hindi ko alam kung anong idadahilan ko, hindi ko rin naman alam na namumutla pala ako. Saglit kong sinulyapan si Vrel, ayon na naman ang gulat at kaba nang makita kong nasa akin ang paningin n'ya habang tinutungga ang laman ng hawak na baso.

"Are you sick?" aniya saka akmang kakapain ang temperatura ko sa leeg.

Agad ko namang pinigil ang kamay n'ya saka nahihiyang ngumiti, mabuti nalang at mukhang hindi naman iyon dinamdam ni Renz. Nang sulyapan ko ulit si Vrel ay hindi na ako nataka nang makita na nananatili pa rin sa akin ang paningin n'ya.

Bakit ka ba tingin ng tingin?

Halos makagat ko ang labi sa inis. Hindi ko maintindihan ang pakiramdam, gusto kong gumawa ng paraan upang alisin n'ya ang paningin sa akin ngunit may parte sa akin ang natutuwa dahil sa akin napako ang mga mata n'ya.

"W-Wala akong lagnat," sambit ko kay Renz.

Saglit s'yang tumitig sa akin saka napatango nalang, ngumiti nalang rin ako bilang tugon. Ilang saglit pa ay naramdaman ko ang pagsagi ni Andy sa gilid ko, nang tingnan ko s'ya ay asa akin na rin ang paningin n'ya.

"Kapag ako nilingkisan ng dalawang lalaki, lalagnatin rin ako sa nerbyos," bulong n'ya.

Sinamaan ko s'ya ng tingin ngunit natawa lang s'ya. Hindi pa s'ya lasing sa lagay na 'yan, paano pa kaya kung talagang nakainom na silang dalawa ni Zia.

OH MY GHOST [ONGOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon