Chapter 57

6.7K 394 302
                                    

Lumipas pa ang mga araw ay normal naman ang pangyayari, walang pinagbago. Tuloy-tuloy ang talakayan, hindi na iyon kasing bigat noong unang balik namin sa klase.

Nakikinig lang ang lahat sa Doctor, ako naman ay nasa notebook lang ang paningin habang ginuguhitan iyon ng kung ano-ano. Ganito ako magpalipas ng oras kapag madali lang ang tinatalakay o napagaralan ko na bago pa man talakayin.

Bumuntong hininga na lamang ako saka hinintay na bumilis ang oras. Mamaya ay muli kaming magkikita ni Renz upang pagaralan ang topic na dalawang linggo na n'yang hindi maituro sa akin ng maayos. Sa mga nagdaang araw kase ay patuloy pa rin si Brynn sa pagsulpot, hindi ko makuha ang dahilan n'ya. Madalas kase ay hindi na importante ang dahilan n'ya ng pagkuha sa atensyon at oras ni Renz.

Sayang sa oras.

"Ms. Abanarez?"

Naalala ko tuloy noong turoan ako ni Vrel, ilang minuto lamang ang itinagal no'n, ngunit halos lahat ng alam n'ya sa calculus ay naipasa n'ya sa akin. Napakagaling n'ya, wala akong masabi sa husay n'yang magpaintindi ng mga iyon. Kung pwede lang ay s'ya nalang ulit ang magturo sa akin, magkakaroon pa siguro ako ng lakas ng loob na maipanalo ang contest na iyon.

"Ms. Abanarez?"

Naputol ang paglalayag ng isip ko nang marinig ko ang boses na iyon ng Doctor sa harapan, napalingon ako sa paligid at lahat sila ay nakatingin na sa akin.

"D-Doc," agad akong napatayo.

"Are you listening?" tanong nito sa akin.

Kinakabahan akong napalunok, "Y-Yes, D-Doc."

"CPR is the acronym for?" tanong nito.

Nagsimulang dumagundong ang kaba sa dibdib ko, sinabayan pa ng nanlilisik na tingin sa akin si Doc. Sa kaba ay napalingon ako kay Andy, nanlaki pa ang mga mata n'ya nang mapansin ang tingin ko.

"'Di ko rin alam sagot teh," bulong n'ya.

Iniwas ko na lamang ang tingin sa kan'ya saka muling tiningnan ang Doctor, magkakrus na ang mga braso nito habang nasa akin pa rin ang paningin.

"C-Cardiopulmonary resuscitation, Doc," tugon ko kalaunan.

Suminghap muna s'ya ng hangin saka marahang naglakad patungo sa kabilang gilid ng teacher's desk. Ang mga daliri n'ya ay marahang inihahampas-hampas sa braso n'ya, sa ganoong galaw ni Doc ay paniguradong hindi pa s'ya tapos.

"What is cardiopulmonary resuscitation?" tanong nito.

Humugot ako ng malalim na hininga sa tanong na iyon, lalo pa akong kinabahan nang lingonin ko ang kabilang dulo ng mga upoan. May mga naka-sit in na alam kong mula sa ibang course, nakaramdam ako ng hiya.

"When someone is in cardiac arrest, cardiopulmonary resuscitation or also known as CPR is used to keep their brain functioning normally until additional measures can be taken to restore spontaneous blood flow and breathing, Doc," tugon ko na puno pa rin ng kaba.

Napatango pa s'ya bago humarap sa akin, "Ikaw ang nanalo sa calculus competition, tama?"

"Yes, Doc," tugon ko.

"No wonder, you're smart. Sit down," aniya saka humarap sa klase at muling nagtalakay.

Daig ko pa ang nabunotan ng tinik, nakahinga ako ng maluwag dahil doon. Nang lingonin ko si Zia ay bilib na s'yang nakatingin sa akin, natawa nalang ako saka muling tumingin sa harapan. Ilang saglit pa ang lumipas ay hindi na natapos ang discussion ng Doctor, tinawag kase s'ya ng isa sa mga teachers para sa meeting nila.

OH MY GHOST [ONGOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon