KALIA'S POV.
I am so happy! It's a girl!
And I am also happy because of someone na sa wakas ay nakaharap ko na, si Samara.
Hindi ko inakala na ang babaeng nakita ko sa office ng Dean noon ay ang Sam pala na tinutukoy ni Vrel. I am so shocked and happy at the same time, sa wakas ay nakita ko na rin s'ya. I don't how to explain, but I really love her personality dahil sa mga kuwento sa akin ni Vrel tungkol sa kan'ya.
Kakatapos lang naming i-celebrate ang gender reveal party, pero hindi ko pa rin maalis ang paningin ko kay Samara at kay Vrel na magkalayo man ay batid kong ramdam ang isa't-isa.
Honestly speaking? I am a fan of them, I love their story.
Noon pa man ay nakilala ko na si Reika at ang Dean, kilala sila ng Mom and Dad ko. At dahil sa kanula ay nakilala ko rin si Vrel. At first, he's masungit. Yeah, he really is. Kaunting sagi, mainit ang ulo. But I understand dahil nameet ko s'ya isang linggo palang ang nakakalipas pagkatapos n'yang magising mula sa pagka-coma. Ako na rin ang naging assistant n'ya dahil kinailangan ko ng trabaho to sustain my needs and feed myself.
Yes, I worked for them as an assistant. Everything miserable happened to me started when my parents got involved in a car accident 5 months ago at pareho silang kinuha sa akin. Wala akong ibang malapitan noong mangyari iyon sa kanila, kahit mga kamag anak ko ay hindi ko masandalan. My Mom and Dad's relatives hated them, because they are both successful. They hate them because of their success, kaya noong mawala si Mom and Dad ay sila ang kumamkam ng lahat. Pinalabas pa nila na kasama ako sa mga naaksidente.
I am their only child, ang lahat ng ari-arian ng parents ko ay hindi sa akin napunta. I have no idea on how to run a business, kaya ang kompanyang naiwan ni Dad ay sa mga uncle ko naiwan. They are evils, kinuha nila ang mga bagay na dapat sa akin. Kaya kahit na mahirap, kinaya ko pa ring tiisin ang pagod sa pagta-trabaho para sa Dean at sa pagkairita kay Vrel para magka-pera.
Who the heck would love to take care of an unappreaciative man? No one.
"Kalia," lumapit sa akin ang kaibigan kong si Nathalie, "Congratulations!"
Nathalie is one of my closest friend here in Philippines, s'ya ang naging karamay ko noon pa man . Nathalie was the only one who offered me anything she can give to help me, pero hindi ko gustong abusohin s'ya kaya pinilit kong magtrabaho.
"Thanks, Nath," pasasalamat ko, "I am so happy na nakarating ka, I thought my flight ka out of country, malulungkot na sana ako."
Natawa s'ya, "A-absent ba naman ako sa party na 'to? I am always here to support my bestfriend 'no."
I am touched, matamis ko s'yang nginitian, "You're the best," sambit ko, "I don't deserve you," pag-iinarte ko.
Inirapan n'ya lang ako saka kami parehong natawa, natutuwa n'yang tiningnan ang tiyan ko saka ako tiningnan.
"So, what's the name?" tanong n'ya.
Hinwakan ko rin ang tiyan ko saka nakangiting tiningnan si Nathalie, "Kung ako ang magde-desisyon ay Antheia Elise, pero hindi ako sigurado."
Napatango s'ya, "Antheia Elise Terrico, pwede na."
Nakangiti akong sumang ayon sa sinabi n'ya. Dati ko pa talaga iniisip na iyon ang ipapangalan ko sa magiging anak ko, dahil bukod sa maganda itong pakinggan ay talagang kakaiba ito sa pandinig. The name is also meaningful.
![](https://img.wattpad.com/cover/286704645-288-k877845.jpg)
BINABASA MO ANG
OH MY GHOST [ONGOING]
Подростковая литератураSi Samara ay isang masiyahin at positibong tao, lahat halos ng nakakasalamuha n'ya ay napapagaan niya ang loob. Hindi natatakot sa multo, bata pa man ay hindi na s'ya naniniwala sa iba't-ibang kuwento patungkol sa mga kaluluwa. At sa hindi inaasahan...