Halos hindi ko kayanin ang bigat ng katawan ko, marahan akong sumandal sa dingding. Hindi ko alam kung paano ipoproseso sa utak ang narinig, kung ano ba ang dapat kong isipin. Malaki ang parte sa puso ko na nagsasabing buhay si Vrel at wala akong dapat ipag-alala. Ngunit ang sinabi ng Nurse tungkol sa pag-iyak ng Dean kanina ay nagdudulot sa akin ng kakaibang kaba.
"B-Buhay ka," pinilit kong palakasin ang loob, "Alam kong buhay ka."
Sa panghihina ay hindi ko na napigilan ang maupo sa sahig, umiiyak kong niyakap ang tuhod. Labis ang pagsusumamo ko sa itaas, na sana ay tinupad nito ang hiling ko. Ngayon ay nabubuhay ako sa pag-asa na walang kasiguradohan, hinihiling ang bagay na hindi tiyak kung posible ba o hindi. Kung dinaramdam ko pa lamang ang bigat ng pakiramdam noong mga nakaraan, ngayon ay tuloyan na akong bumigay.
"H-Hindi ka pwedeng mamatay," humahagulgol kong sambit, "Hindi pwede, Vrel."
Mas niyakap ko pa ang tuhod saka ko ibinuhos ang lahat ng luha, labis ang kawalan ko ng pag-asa sa mga oras na ito. Wala akong kahit na anong ideya kung ano ang nangyari, kung bakit wala na akong naabutan na Vrel sa kwartong 'to.
Hindi nagtagal ay naalala ko si Doc Stephen, baka sakaling malaman ko ang nangyari kung pupuntahan ko s'ya. Agad kong napunasan ang luha saka lakad-takbong tinahak ang daan patungo sa office n'ya. Hindi ko alintana ang mga Nurse at ibang mga tao na nadaraanan ko at nakatingin sa akin, wala akong oras upang bigyan sila ng atensyon.
Nang makarating ako sa office ni Doc Stephen ay walang tao doon. Ang mga gamit, bagaman naroon pa rin ay pawang nakaligpit rin.
"Miss?" lumapit sa akin ang isang Nurse, "May kailangan po ba kayo?"
Natitigan ko lang ang Nurse dahil sa sobrang paglipad ng isip, napakaraming tanong sa isip ko. Hindi ko alam kung saan pa ako tutungo upang makahanap ng sagot, hindi ko rin alam maski kung sino ang makakasagot ng lahat ng 'yon.
"Miss?" dinig kong sabi ng Nurse.
Kalaunan ay bumalik ako sa reylidad, "S-Si Doc Stephen?" tanong ko saka sinulayapan ang office nito bago nagbalik ng tingin sa Nurse, "Nasaan s'ya?"
Sinulyapan rin ng Nurse ang loob ng office saka ako nilingon, "Umalis po s'ya kanina kasabay ng Dean."
Nagtataka akong napatingin sa kan'ya, "Ang anak po ng Dean?" agad kong tanog, "A-Ano pong nangyari sa anak ng Dean?"
Sandaling napatingin sa akin ang Nurse, "Ang gwapong binata po ba sa ICU?"
"O-Opo," agad kong sagot.
"Naabutan ko nalang na bakante ang room n'ya kanina," sagot nito.
Nawawalan ng pag-asa akong nagiwas ng tingin, hindi ko na alam kung paano pa masasagot ang mga tanong ko sa isip. Nahilamos ng mga kamay ko ang mukha ko saka ako nanlulumong napasandal sa pader. Kung pwede lang akong mawalan ng malay dahil sa sobrang gulo ng isip ko ay baka nangyari na.
Hindi na ako muling nagsalita, marahan akong naglakad paalis, nanghihina. Hindi ko na namalayan ang sarili na umakyat sa garden, wala sa sarili akong naupo doon saka umiyak. Ibinuhos kong muli sa pag-iyak ang kirot at sakit na nararamdaman, sinubokan kong ibsan ang bigat ng pakiramdam. Ngunit kahit anong pagluha ko ay hindi gumagaan ang pakiramdam ko, mas nadadagdagan pa ang bigat no'n sa tuwing iniisip ko si Vrel. Tuwing pumapasok sa isip ko kung ano nga ba ang sinapit n'ya.
BINABASA MO ANG
OH MY GHOST [ONGOING]
Ficção AdolescenteSi Samara ay isang masiyahin at positibong tao, lahat halos ng nakakasalamuha n'ya ay napapagaan niya ang loob. Hindi natatakot sa multo, bata pa man ay hindi na s'ya naniniwala sa iba't-ibang kuwento patungkol sa mga kaluluwa. At sa hindi inaasahan...