Chapter 15

7.8K 481 193
                                    

Narito ako sa hallway upang gawin ang tipikal kong pampalipas oras, ang paglalakad. Niyaya kong sumama si Zia kanina ngunit abala s'ya sa pagkalikot ng phone n'ya.

Habang naglalakad ay muli kong nakita ang elevator, naisipan kong muling magpunta sa garden dahil masarap ang hangin doon. Agad akong sumakay sa elevator at hinayaan itong dalhin ako sa pinakatuktok. Nang makarating ako doon ay natutuwa kong pinagmasdan ang tanawin, may mga tao doon ngunit sa lawak ng garden na 'to ay halos hindi ko marinig ang ingay nila.

Payapa kong inilibot ang tingin sa buong tanawin, mataas ang gusali ng hospital kaya napakagandang tingnan ng karagatan sa 'di kalayuan maging ang mga gusali at mga sasakyan mula sa malayo. Sa bahaging ito ng hospital ay tila abot ko ang mga ulap, malamig rin ang simoy ng hangin kaya hindi ko na ramdam ang init ng sikat ng araw.

"What are you doing here?" dinig kong boses ng kung sino sa tabi ko.

Nang lingonin ko kung sino ito ay nagulat ako nang malaman na si Doc Stephen iyon. Bahagya kong iniyuko ang ulo upang galangin ang presensya n'ya saka ako ngumiti.

"Nagpapahangin po." tugon ko.

"Wala ka bang Nurse na kasama?" tanong n'ya saka nilingon ang paligid.

"Ah, wala po. Ayos naman ang pakiramdam ko." tugon ko.

Napapatango s'yang ngumiti saka ipinatong ang dalawang siko sa bakal na nagsisilbing proteksyon ng salamin na harang nitong roof top.

"Kayo ang na food poison, right?" tanong n'ya sa akin.

Agad akong tumango.

"I see, balita ko ay hindi pa kayo pinapahintulotang umuwi ng Dean." saad ni Doc, "I'm not aware of what happened but I am familiar with your situation, and I don't think it is necessary for all of you to be here for such a long period of time." dagdag n'ya.

Bumuntong hininga ako, maging ako ay inisip rin 'yon. Ngunit wala akong magagawa kundi ang sumunod sa kung ano mang gusto nilang mangyari.

"Malala daw po ang pagkakalason namin." sambit ko saka nilingon si Doc.

"Really?" nagtataka n'yang tanong.

"Opo daw." tugon ko.

Tumango lang si Doc saka muling tumingin sa tanawin. Matagal nang Doctor si Doc Stephen dito sa hospital na'to, at estudyante rin s'ya ng SIU. Nakilala namin s'ya dahil madalas ay s'ya ang nagde-demo sa amin, mabait rin s'ya at approachable na Doctor. Bonus na ang pagiging magandang lalaki n'ya at matinding talino.

"Bakit nga rin po pala kayo nandito sa garden?" tanong ko.

"I want fresh air, medyo magulo ang case na hawak ko. Hindi magkasundo ang Dean at ang asawa n'ya about their son." aniya saka bumuntong hininga.

"Anak po ng Dean?" tanong ko, "Nandito po ang anak n'ya?"

"Yes." tugon ni Doc Stephen, "He's currently undergoing treatment in the intensive care unit, his condition is critical. He's still unconcious." saad ni Doc.

Nagulat ako nang malaman na nandito pala ang anak ng Dean. At ngayon ko lang rin nalaman na lalaki pala ito, kung ganoon ay talaga ngang masalimuot ang inabot ng anak n'ya. Kaya siguro ganito nalang ang galit ng Dean.

"Kawawa naman po pala talaga." sambit ko, "Bakit nama po hindi nagkakasundo ang Dean at ang asawa n'ya?" saad ko.

"They need to decide about their son's situation, whether they will let—"

"Doc."

Naputol ang sinasabi ng Dean nang tawagin s'ya ng isang Nurse. Agad n'ya itong nilingon, maging ako ay napalingon doon.

"Hinahanap po kayo ni Doc Hans, importante daw po." wika nito.

"Oh okay." tugon ni Doc Stephen rito saka ako nilingon, "I'm sorry I have to go." paumanhin n'ya.

"It's okay, Doc." tugon ko saka ngumiti.

"Take a rest after mo d'yan, I need to go." ngumiti s'ya bago tuloyang naglakad palayo.

Nakatanaw parin ako sa daan na tinahak ni Doc Stephen paalis. Sinakop na naman ng mga sinabi n'ya kanina ang isip ko. Hindi ko inasahan na narito pala ang anak ng Dean, at talagang kritikal ang lagay. Ang naaalala kong kwento sa akin ni Zia ay napurohan daw ito dahil sa hazing, siguro ay naapektuhan talaga ang katawan nito dahil doon. Ngunit ang alam ko ay ilang taon na ang lumipas nang mangyari iyon.

Ibig sabihin ay limang taon nang gan'yan ang anak n'ya?

Napakurap nalang ako sa tanong na 'yon, nagpunta ako sa simentong upoan saka doon naupo. Hindi ako makapaniwalang makakasalamuha ako ng mga tao na iba't-ibang mabibigat na pinagdadaanan sa buhay. Kung ilalagay ko man ang sarili ko sa katayuan nila ngayon, paniguradong una palang ay pinanghinaan na ako ng loob. Hindi ko siguro kakayanin ang ganoon kahirap na sitwasyon.

Ilang minuto ko pang hinayaan ang sarili na lumanghap ng sariwang hangin, napakaganda parin ng mga bulaklak rito na tila hindi natutuyo sa mainit na sinag ng araw. Ngunit nawala ang kapayapaan ng isip ko nang maalala ko si Vrel. Nilingon ko ang buong paligid.

Nakapagtatakang hindi ko s'ya nakita ngayon, bumuntong hininga na lamang ako. Naalala ko ulit ang mga kwento n'ya sa akin kanina tungkol sa buhay n'ya, pakiramdam ko tuloy ay ikatatampo ko kung sa susunod ay hindi s'ya magkukwento ulit tungkol doon. Gusto kong malaman ang buong kwento n'ya, ayon lang kase ang pinakamagandang paraan para maibsan ang bigat na nararamdaman n'ya. Kailangan n'yang ilabas ang lahat ng 'yon.

Nakapikit kong Iginilid-gilid ang ulo nang maramdaman ko ang ngawit sa bandang likuran ng leeg ko. Nang magmulat ay nahagip ng paningin ko si Vrel sa 'di kalayuan, nakatayo ito habang nakasandal sa pasimano na nasa dulo ng garden. Tahimik n'yang pinanunuod ang tanawin.

"Vrel!" sigaw ko sa kan'ya.

Ngunit hindi n'ya ako narinig, napapakamot ako habang inilalagay ang dalawang kamay sa gilid ng bibig.

"Hoy, Vrel!" muli kong sigaw.

Doon ay nilingon n'ya ako, nakangiti akong kumaway sa kan'ya. Seryoso na naman ang tingin n'ya sa akin. Ngunit nang lingonin ko ang paligid ay may mga tao na kakaiba ang tingin sa akin, ang mga mata nila ay puno ng pagtataka. Siguro ay hindi sila makapaniwala na nagagawa akong pansinin ng gwapong lalaki na 'to.

Nang hindi s'ya gumalaw sa pwesto ay ako na ang naglakad palapit. Seryoso n'ya lang akong pinapanuod habang naglalakad patungo sa direksyon n'ya, ngunit ang mga tingin n'ya ay nagdudulot ng kakaibang pakiramdam sa akin. Tila bumabagal ang takbo ng oras, nawala sa mga mata ko ang ibang bagay sa paligid. Pakiramdam ko ay kaming dalawa lang ang narito.

Weird.

____________
next chapter...

OH MY GHOST [ONGOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon