Hindi na ako gaanong umimik sa loob ng klase, pakiramdam ko kase ay bubuka ang sugat ko sa tuwing magsasalita ako. Puro discussion lang rin ang nangyari, kadalasan ay bibig ni Andy at Zia ang naririnig ko imbis na ang boses ng Dr. sa harapan. Mahilig talaga silang magdaldalang dalawa, kung hindi tungkol sa mga alien ay mga sirena ang pinaguusapan nila.
Ilang minuto ang lumipas ay tumunog na ang bell, hudyat na ng lunch. Agad kaming tumayo upang magpunta sa dining hall. Ilang minuto pa ay nakarating na kami doon, nakakapanibago ang dami ng estudyante sa loob. May mga junior high students sa loob, mukhang hindi pagkain ang sadya nila. Nang makapasok kami ng tuloyan ay saka ko nalaman na si Brynn pala ang pakay nila, nakaupo ito habang maya't-maya ang pag-pirma sa notebooks ng ilan.
"Fan signing event?" nakangiwing tanong ni Andy.
"Nako, panigurado nag-feeling na 'yan pagkatapos tanghaling Juliet of the night sa party," nauumay na saad ni Zia.
Nilingon kong muli ang mga nakapilang bata doon, tila sabik na sabik. Hindi ko na lamang pinansi, sinundan ko sila Zia at Andy saka kami naupo sa bakanteng table doon. Hindi ko maiwasang pagmasdan ang mga estudyanteng dumadaan sa gilid namin upang pumila kay Brynn.
Umorder muna kami ng pagkain. Ako na ang nag-presintang umorder, umangal man ay wala na silang nagawa. Kagaya nang dati ay ang paboritong meal pa rin ang inorder ko. Kapag kase ganitong gutom ako ay hindi ko na gustong mamili pa ng pagkain.
"Ay nako, kailangan pa naming magluto ulit," kalaunan ay sabi sa akin ng cashier, "Makakapaghintay ba kayo? Ilang minuto lang naman. Kami na rin ang bahalang mag-serve."
"Okay lang po, hindi pa naman kami masyadong gutom," pagsisinungaling ko.
"Ang drinks muna ninyo ang dalhin mo, isusunod ko agad ang pagkain," nakangiti nitong inabot sa akin ang tray saka umalis upang kumuha ng inomin.
"Look, it's Juliet," dinig kong nakakalokong boses ni Loceanne sa likuran ko.
Nilingon ko ang paligid kung may nakapansin ba sa boses n'ya, ngunit ang lahat ay abala sa kinakain at pagkukuwentohan. Muli kong inilipat ang tingin kay Loceanne kasama ang mga kuto nito.
Ano na namang trip nila?
"The self-proclaimed Juliet," naaawa pa kunwaring boses ni Loceanne, "Anong pakiramdam ng kapalan ang mukha mo para lang maisayaw ka ni Vrel pero hindi ka pa rin naging Juliet of the night?" nagtawanan sila.
Nangunot ang noo ko sa sinabi n'ya, "Kapalan ang mukha?"
"Yeah," mabilis nitong sagot, "Ano bang tawag sa ginawa mong pag-agaw ng spot light? You really acted like you don't know what's happening, ang totoo ay gusto mo lang magpasikat sa anak ng Dean."
"Saan ko ba nakukuha 'yang mga sinasabi mo?" kunot noo kong tanong.
"Sa mga kilos mo," tumaas ang kilay n'ya, "You really think magmumukha kang bida?"
"Sino bang nagsabing gusto kong maging bida?—"
"Hindi mo sinasabi, but you are acting that like you're the main character," pagputol n'ya sa sinasabi ko, "At talagang gumawa ka pa ng eksena dahil hindi ka nanalo, do you think maaawa ang Dean sa'yo dahil sa kaartehan mo?"
"Eto na ang drinks, pakihintay nalang ang food sa table ninyo," bago pa man ako makapagsalita ay dumating ang cashier.
Pinilit ko na lamang na kumalma saka kinuha ang tray. Wala ring mangyayari kung paatulan ko sila. Hindi na ako lumingon pa kila Loceanne, diretso akong bumalik sa table namin. Pinilit kong itago ang inis, hindi ko na gustong ikuwento pa kila Zia at Andy ang mga sinabi ni Loceanne sa akin. Baka magkagulo lang kung sakali.
BINABASA MO ANG
OH MY GHOST [ONGOING]
Roman pour AdolescentsSi Samara ay isang masiyahin at positibong tao, lahat halos ng nakakasalamuha n'ya ay napapagaan niya ang loob. Hindi natatakot sa multo, bata pa man ay hindi na s'ya naniniwala sa iba't-ibang kuwento patungkol sa mga kaluluwa. At sa hindi inaasahan...