Tuloyan na akong lumapit sa kan'ya, seryoso lang s'yang nakatingin sa akin. Ako naman ay eto at parang tangang nakangiti habang nasa kan'ya ang tingin.
"Nandito ka na naman, mas lamang pa ang kakagala mo kesa pahinga." salubong kong saad.
"Coming from you." seryoso n'yang sambit.
Napanguso lang ako saka ginaya ang pwesto n'ya, sumandal rin ako sa harang ng roof top habang magka-krus ang braso. Hanggang gitnang likod ko naman ang harang kaya pwede ko itong masandalan. Matapos masiguro na maayos na ang pagkakasandal ko ay matapang ko s'yang lumingon.
"Food poison lang naman ang akin." sambit ko, "Ikaw ay may pingpong ball sa ulo." pagtukoy ko sa tumor n'ya.
Nakita kong mangunot ang noo n'ya saka ako matalim na tiningnan. Napakurap ako sa tingin n'yang 'yon, parang manlalamon. Pakiramdam ko ay pagpapawisan ako. Saka ko lang rin napagtanto na hindi maganda ang biro ko. Hindi si Zia ang kaharap ko kaya hindi ako pwedeng magbiro ng ganon.
Hindi ko nga pala 'to kaibigan, jokes is not allowed.
"What?" marahan s'yang lumapit.
Seryosong-seryoso ang mukha n'ya. Ang agwat namin ay paiksi ng paiksi, kaunti na lamang ay magkakadikit na kaming dalawa. Nilingon ko ang paligid sa kaba, wala nang tao dito dahil hapon na. Muli kong inilipat ang tingin kay Vrel.
"J-Joke lang." kabado kong sambit.
"Pingpong ball, hmm." aniya na seryoso parin ang tingin sa akin.
Halos magtayuan ang balahibo ko nang sobrang lapit n'ya na sa akin, bagaman hindi pa nagdidikit. Isang dipa nalang ang layo ng mukha n'ya sa mukha ko, sobra ang kaba na nararamdaman ko. Mariin akong pumikit upang maibsan ang kaba na nararamdaman, pakiramdam ko ay basag na ang ribs ko sa sobrang lakas ng tibok ng puso ko.
Vrel lumayo ka, ngayon din.
"Open your eyes." mahina n'yang sabi.
Ang boses n'ya ay nagdudulot ng kakaibang pakiramdam. Tila may nagliliparan sa bituka ko, hindi ko maintindihan.
"Lumayo ka muna." nakapikit ko paring sambit.
"Why?"
"Basta, lumayo ka."
"Kung hindi?"
"S-Sisigaw ako!" utal kong banta.
"And then?" parang nangaasar pa ang boses n'ya.
"Vrel, lumayo ka nalang please." nagmamakaawa kong saad.
"Okay." tipid n'yang tugon.
Pinakiramdaman ko ang paligid, mukhang wala na nga s'ya sa malapit. Nakahinga akong maluwag, ngunit nanatiling nakapikit. Nahawakan ko ang dibdib dahil sa sobrang lakas ng dagundong roon, dala ng sobrang kaba ay halos mapigtas ang mga ugat ko.
"Open your eyes." muling sambit ni Vrel.
Ang boses n'ya ay nasa gilid ko na, kaya marahan kong iminulat ang mata. Mga halaman at ang entrance ng garden ang una kong nakita dahil doon ako nakaharap.
"Turn around." sambit n'yang muli.
Agad ko itong sinunod, at nang makalingon ay hindi ako nagsisi. Ang kalangitan ay nababalot ng napakagandang kulay, ang hangin ay kay sarap langhapin habang dumadampi ang lamig nito sa balat ko. Tila nalula ako sa ganda non, hindi ko maiwasan ang mapangiti. Tila pinaghalo-halo ang kulay ng kalangitan, ngunit nangingibabaw ang kulay kahel at rosas nitong kulay.
BINABASA MO ANG
OH MY GHOST [ONGOING]
Teen FictionSi Samara ay isang masiyahin at positibong tao, lahat halos ng nakakasalamuha n'ya ay napapagaan niya ang loob. Hindi natatakot sa multo, bata pa man ay hindi na s'ya naniniwala sa iba't-ibang kuwento patungkol sa mga kaluluwa. At sa hindi inaasahan...