Chapter 35

6.7K 498 556
                                        

WARNING: wala lang.

_______________________

Tumikhim ang Dean saka ako nilingon kalaunan, hindi na nagdudulot ng kaba ang mg tingin n'ya sa akin sa oras na 'to. Tila ba lahat ng kaba at takot ay nabura.

"P-Pero, aaminin ko pong hindi ko iyon gustong isuko," huminga ako ng malalim matapos sabihin 'yon.

Nakakabigla na sa isang iglap ay tumalim ang kaninang magaan n'yang tingin sa akin. Alam kong hindi n'ya nagustohan ang sinabi ko, nasisiguro ko 'yon. Ngunit ang kaba na noon ay sobra, ngayon ay hindi na ako gaanong nilamon. Nagawa kong labanan ang mga tingin n'yang 'yon bagaman pinanghihina pa rin nito ang loob ko.

"There's no way you can change my decision," aniya.

Halos malanghap ko ang lahat ng hangin sa mundo dahil sa sobrang pagpipigil ng kaba, hindi ko na alam ang isasagot sa sinabi n'yang 'yon. Tila hindi ko na maibuka ang bibig upang sumagot.

Kaya mo 'to, Sam.

"P-Pero may karapatan pa rin naman po akong—"

"Are you arguing with me?" pinutol n'ya ang sinasabi ko.

Ito na naman ang pakiramdam na tila nawalan ako ng karapatang magsalita.

"Ang nasabi ko ay nasabi ko na," muling aniya, "Ikaw palang ang tila nagtatangkang kontrahin ang desisyon ko."

Napalunok ako saka napayuko, hindi ko inaakalang ang kaninang magaan n'yang pakikitungo ay muling nag-iba. Nakita ko s'yang tumayo, may takot mang nararamdaman ay tiningnan ko pa rin s'ya.

"You should be resting," malalim ang boses na aniya, "Go back to your room."

Iyon lang at hindi na n'ya hinintay pang makapagsalita ako. Napapakurap ako habang nakatingin sa daan na tinahak n'ya paalis, hindi ko inasahan ang sandaling ito. Hindi man ganoon kahaba ang paguusap namin ay pinaramdam niyon sa akin ang sari-saring emosyon. Naisip ko tuloy si Vrel, kung paano ko s'ya matutulongan. Hindi ko na inisip ang paguusap naming 'yon ng Dean, bumuntong hininga ako saka pilit na ngumiti.

Agad kong nilingon ang paligid, nakakapagtakang hanggang ngayon ay wala pa rin si Vrel. Hindi gaya noong mga nakaraan na saglit lang hinihintay ko bago s'ya sumulpot.

"Vrel?" kalaunan ay tawag ko sa pangalan n'ya, "Nand'yan ka ba?"

Ilang segundo ang lumipas ngunit walang Vrel na sumulpot sa paligid, bumuntong hininga na lamang ako saka nanatili sa pwesto. Wala rin naman akong magagawasa room namin kung doon ako maglalagi, dagdagan pa ng ingay ni Zia. Napangiti ako nang pumasok rin sa isip ko ang babaeng 'yon, kahit wala ako ay nakukuha n'ya pa ring makisalamuha sa mga kaklase namin at magpaka-loka. Normal na kay Zia ang ganoong ugali, hindi talaga s'ya nawawalan ng kalokohan. Kahit ang mga taong hindi n'ya kilala ay nagiging kaibigan n'ya sa ilang minuto lang.

Humugot ako ng malalim na hininga, hindi nawala ang pagiging presko ng hangin. Hindi ko maiwasang mapangiti sa ganda ng mga nagsasayawang bulaklak, sinabayan pa ng matitingkad nitong kulay. Ngunit halos malaglag ako sa kinauupoan nang lingonin ko ang tabi ko. Naroon na si Vrel na ngayon ay seryosong nakatingin sa akin. Ang gulat ay unti-unting napalitan ng tuwa dahil sa wakas ay nasa tabi ko na ang multo na kanina ko pa hinahagilap.

"Vrel," natutuwa kong sabi, "Sabi na eh, nasa paligid ka lang."

Nang asahan kong ngingiti s'ya ay nabigo ako, nanatiling seryoso ang tingin n'ya sa akin. Hindi nagtagal ay unti-unting nangunot ang noo n'ya, tila ba may hindi s'ya nagustohan na hindi ko batid kung ano.

OH MY GHOST [ONGOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon