Chapter 91

8.4K 494 446
                                    

ZIA'S POV.

Makabagbag damdamin.

Yakap ko si Kalia at Andy habang sabay-sabay naming pinanunuod ang paghaharap ni Sam at Vrel. Labis ang gulat ko nang malaman na hindi pala totoo ang amnesia ni Vrel. Pakiramdam ko ay agad nilubayan ng alak ang kaluluwa ko. Gusto kong maiyak dahil sa mga ibinatong salita ni Samara kay Vrel, gusto ko ring mainis kay Vrel dahil hindi ko nga naman talaga maintindihan kung sa paanong paraan n'ya naprotektahan si Sam.

"I'm sorry," kalaunan ay sambit ulit ni Vrel.

Hindi nagsalita si Samara, nakatingin lang s'ya kay Vrel. Si Vrel ay halatang pinipigilan lang ang damdamin, si Samara ay patuloy pa rin sa pag-iyak. Tuloy ay para kaming nanunuod ng live drama. Parang ramdam ko rin tuloy ang mga batuhan nila ng linya.

"May tissue ka ba teh?" umiiyak na tanong ni Andy.

"Wala," naiiyak ulit na sagot ko.

"You can use my dress, it's long," malat rin ang boses ni Kalia.

Agad namang kinuha ni Kalia ang laylayan ng mahaba n'yang dress saka iyon inabot kay Andy. Agad namang kinuha iyon ni Andy saka ipinunas sa mga mata, saka itinapat sa ilong at suminga. Inabot ko rin ang kabilang side ng palda ni Kalia saka pinunasan ang luha ko. Nangati rin ang ilong ko kaya agad ko nalang rin itong isininga.

"This is so sad," umiiyak na ani Kalia habang nakatingin kay Vrel at Sam.

Muli kong ibinalik ang tingin kay Vrel at Sam, nananatili pa rin ang tingin nila sa isa't-isa. Kami namang tatlo ay nagpatuloy lang sa pagyayakapan.

Ilang saglit lang ay nakita naming humakbang palapit si Vrel papunta kay Sam. Tuloy ay nakusot ko ang suot na polo ni Andy, agad naman n'ya iyong inireklamo. Ngunit ang paningin ko ay nakatingin lang kay Vrel na ngayon ay papalapit na ng papalapit kay Sam.

"Omg," natakpan ni Andy ang bibig.

Tila umurong ang mga luha namin.

"He's going to hug Samara," natakpan rin ni Kalia ang bibig.

"Agad-agad ka naman teh," nilingon s'ya ni Andy, "Malay mo hahalikan n'ya muna."

Ako naman ay nagpipigil lang ng kilig, parang gusto kong tumili nang makita ko kung gaano na kalapit si Vrel kay Sam. Nananatili silang tahimik, walang kahit anong ingay ang namayani sa paligid maliban sa mga hininga naming tatlo na hindi magkanda-ugaga sa nakikita.

"I miss you," mahina man ay dinig ko pa rin ang sinabing iyon ni Vrel.

"Omg!!" labis ang pagpipigil kong tumili.

"Ha? Anong sabi?" agad na lumingon sa akin si Kalia at Andy.

Mukhang pareho nilang hindi narinig ang sinabing iyon ni Vrel.

"Omg talaga!!" kinikilig ko pa ring sabi.

"Bakit? Anong sabi?" nasasabik na usisa ni Andy at Kalia.

"Omg— Aray!" sinabunutan ako ni Andy.

"Mapapa-omg ka talaga kapag sinapok kita," aniya sa akin.

"Ano ba kase 'yon??" inayos ko ang buhok ko saka muling kinikilig na tumingin kina Vrel at Sam.

"Bakit ka tumili? Anong sabi?" tanong ulit nila.

"Sabi ni Vrel, I... miss... you... AHHH!!!!" sabay-sabay kaming tumili pagkatapos kong sabihin iyon.

Agad kaming nilingon ni Sam at Vrel, si Vrel ay tila nagulat pa nang makita kami. Si Samara naman ay tila binalot ng hiya.

OH MY GHOST [ONGOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon