Chapter 20

7.5K 535 983
                                    

Ilang minuto pa ang itinagal ng paguusap namin ni Vrel, kung saan-saan iyon umabot. Tila nakalimutan ko ang kaninang nagpapa-usbong ng galit ko, katatwang sa isang iglap ay napagaan ni Vrel ang loob ko.

"Eh eto, ano naman ang tawag sa paniki na mababa ang lipad?" mayabang kong tanong.

"Batman?" inosente n'yang tanong.

"Hinde!"

"What?"

"Edi, lowbat!" parang timang akong tumawa mag-isa.

Nang mahimasmasan sa kakatawa ay muli kong nilingon si Vrel, nagtataka na s'yang nakatingin sa akin. Kahit kailan talaga ay hindi na mawawala ang pagiging seryoso at malungkot ng buhay n'ya sa itsura n'ya. Sana man lang ay ngumiti s'ya kahit kaunti para hindi masyadong nakakahiya. Napangiwi nalang ako.

"Eto pa." muli kong sambit, "Anong year itinayo ang eiffel tower ng london?" tanong ko.

Nilingon n'ya ako, alam kong nagiisip s'ya ng sagot bagaman hindi halata. Kalaunan ay nangunot ang noo n'ya saka nagiwas ng tingin.

"Eiffel tower is in Paris." seryoso n'yang sambit.

Napanganga nalang ako, kalaunan ay napa-irap sa kawalan. Lahat nalang ng jokes ko ay walang epekto sa kan'ya, ang hirap naman palang maging kaibigan nito pagdating sa katarantaduhan. Baka imbis na sabayan ako ay pangaralan pa ako ng kung ano-ano.

"Ang hirap magbiro sa matatalino." bumuntong hininga ako.

"Why should math teachers never call their students average?" kalaunan ay tanong n'ya.

Nilingon ko s'ya ng may pagtataka, seryoso parin ang mukha n'ya habang nililingon ako.

Magjo-joke rin ba s'ya?

Napangiti ako nang tuloyan n'ya akong lingonin. Akalain mong marunong rin palang mag-joke 'to, akala ko ay puro kaseryosohan lang sa buhay ang alam nito.

"Bakit?" tanong ko.

"Because it's a mean thing to say."

Hindi ko alam kung ano ang magiging reaksyon, wala akong naintindihan sa sinabi n'ya. Kung joke ba 'yon o sadyang nagtatanong lang s'ya sa akin para alamin kung alam ko ang sagot.

Anong joke 'yon?

"Ha- Haha— ha... ha." parang timang kong pinipilit ang sarili na tumawa, "Ayos rin pala yung mga joke ninyong matatalino 'no? Pang matalino lang talaga." kunwaring natatawa ko pa ring saad.

Nakita ko s'yang magiwas ng tingin saka bahagyang natawa, sa pagkakataong ito ay tuwa na ang nararamdaman ko sa tuwing nakikita ko s'yang tumatawa. Noong una ko kase s'yang nakita na ngumiti ay kaba ang naramdaman ko na halos magdulot sa akin ng pagkabaliw.

"Kwits lang pala tayo." natawa ako, "Tayo lang rin ang natawa sa sarili nating jokes."

Sa pagkakataon na 'to ay matunog na s'yang tumawa bagaman hindi iyon ganoon kalakas at kahaba. Nilingon ko s'ya dahil doon, natawa nalang rin ako. Natahimik ang paligid, pareho kaming nakatingin sa tanawin. Unti-unti nang tumitindi ang sikat ng araw, ngunit hindi ko ramdam ang init non dahil sa malamig at preskong hangin rito. Bumuntong hininga ako sa nilingon si Vrel na ngayon ay tahimik lang rin habang pinagmamasdan ang mga bulaklak at ang paligid.

"Kamusta ang pakiramdam mo?" tanong ko sa kan'ya.

"What do you mean?" tanong n'ya rin sa akin.

"Yung utak mo, kamusta?" muli kong tanong.

Hindi s'ya agad sumagot, sandali pa n'yang iginugol ang oras sa pagtanaw sa malayo. Kalaunan ay humugot s'ya ng malalim na hininga.

OH MY GHOST [ONGOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon