Chapter 42

7.5K 455 163
                                    

Natitigilan pa rin ako habang halos hindi agad makatayo, si Zia pa ang nag angat sa akin na ngayon ay tuwang-tuwa na rin. Hindi ako agad makapagsalita, hindi ko maipakita ang dapat na maging emosyon ko.

Anong dapat na maramdaman ko?

Agad akong naglakad patungo sa stage at saka umakyat doon, sa napakaraming estudyante rito, ay ang mga kaklase ko lang ang naghihiyawan. Ang iba bagaman pumapalakpak, ay kakikitaan ng panghihinayang at pagtataka sa mga mata. Kagaya nila ay nagtataka rin ako, dahil ang alam ko ay hindi ko maipapanalo ito. Ang alam ko ay hindi papayag ang Dean na manalo ako.

"Congratulations, Ms. Abanarez," natutuwa akong niyakap ng Professor namin saka ako sinabitan ng malaking gintong medalya.

Ilang saglit pa ay napangiti rin ako nang makita ang mga kaklase kong tumatakbo paakyat ng stage. Sa laki ng stage ay hindi na ako nangangamba na baka hindi kami magkasya, lahat sila ay tuwang-tuwa habang papunta sa akin. Hindi ko na rin naalis ang sumisibol na tuwa sa pakiramdam ko, si Zia ay agad na tumabi sa akin habang patuloy pa rin sa pagtili. Ang mga kaklase ko naman ay pinagtulongan na kargahin ang malaking tropeyo na sa mahigit limang taon ay ngayon nalang muli namin matatanggap.

Limang taon...

Malalim akong huminga saka hinawakan ang medalya na tanda ng pagtatagumpay ko. Nakangiti akong humarap sa mga camera na nandoon, napakaraming kulay asul at lila na confetti ang bumagsak mula sa itaas. Mas nakaramdam ako ng tuwa, saya, at paghanga sa sarili. Nakikita ko ang tuwa sa mga kaklase ko, labis ang pagmamalaki na makikita ko sa mga mata nila.

"Sandali, teka," ani Zia saka kunwari pang inayos ang sarili, "Once in a lifetime 'to, mag wacky kayo dali!"

Lahat naman ay natawa, agad nalang rin na nag-wacky habang nasa camera ang tingin. Ang mga estudyante na mula sa lower year levels ang nagsigawan para sa amin nang makita kung gaano karaming confetti ang nalalaglag mula sa itaas, ngunit hindi ako sigurado kung naghihiyawan ba ang mga ito dahil sa pagkapanalo namin o dahil sa confetti.

"The long... long... wait, is over," anunsyo ng Professor, "Finally, after five years, muling nakakuha ng tropeyo ang ating nursing students!"

Umugong ang hindi man kalakasan, ngunit natutuwang sigawan ng lahat. Mas itinaas ko pa ang gintong medalya na hawak ko. Wala sa sarili akong tumingala, iniisip si Vrel na naging dahilan ng pagkapanalo kong ito. Tuloy, ay napalitan na naman ng lungkot ang kalahati sa pakiramdam ko.

"Mr. Vrel Rehan Terrico, is now defeated," anunsyo ng Professor, "From the avrage of 99.4%, to the average of 99.7%. Sillimanians are truely intelligent and amazing."

Lahat ay nagpalakpakan bagaman kakikitaan ng panghihinayang sa mga nata, mukhang lahat sila ay kilala si Vrel. Dahil kakikitaan ko ang iba ng inis at pagkadismaya, mukhang hindi nila gusto na mayroong nakalamang sa average na nakuha noon ni Vrel.

Kay Vrel pa rin naman ang average na 'to. Napangiwi nalang ako.

"Ang galing-galing mo!" sigaw sa akin ni Zia nang lingonin ko s'ya.

"Ang ganda naman ng surprise mo sa'min, Sam," napangiti si Haelin, "Akala talaga namin ay talo ka," kunwari n'ya pang nagtatampong sabi.

Natawa nalang ako bagaman hindi ko rin alam ang magiging emosyon sa sinabi n'yang 'yon, hindi ko rin naman talaga alam na mananalo pala ako dahil hindi ito ang pinagusapan namin ng Dean.

"SA-MA-RA!" sigaw ng mga kaklase ko, "SA-MA-RA! SA-MA-RA! SA-MA-RA!"

Lahat sila ay paulit-ulit itong isinigaw, dahilan para ang karamihan sa mga narito ay makisigaw na rin. Nakaramdam akong muli ng tuwa habang pinipigil ang emosyon, nakakatuwa silang pagmasdan. Si Zia ay inihahampas pa ang ulo sa ere habang inaaya ang lahat na mas lakasan pa ang boses.

OH MY GHOST [ONGOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon