Chapter 86

6.6K 480 470
                                    

SAM'S POV.

'Na may babalikan pa ako pagkatapos nito"

Hindi pa rin maalis sa isip ko ang mga sinabing iyon ni Vrel habang naglalakad ako pabalik sa table namin. May kaba sa akin ang mga sinabi n'yang iyon, may hinala na ako noon pa mang bisitahin ako ni Renz sa hospital ngunit hindi ko mapangalanan ang pagdududang iyon sa pakiramdam ko. May kaba sa akin dahil alam kong hindi ako handa sa ano mang puwedeng malaman ko.
_______________________________
= FLASHBACK =

Inilapag ni Renz ang dalang pagkain para sa akin saka ako tiningnan. May kirot pa rin sa tagiliran ko dahil inulit ang pagtahi nito. Hindi ko magawang isandal mag-isa ang sarili sa headboard ng kama ko kaya tinulongan ako ni Renz.

"Anong ginagawa mo dito?" tanong ko habang makatingin sa suot n'ya, "May klase ka."

Ngumiti s'ya sa akin, "Don't mind me," aniya, "Kamusta ka?"

Huminga ako ng malalim saka ngumiti rin sa kan'ya. Kahit papaano ay nagugustohan ko na ang pag-alala sa akin ni Renz paminsan-minsan. Hindi gaya dati, masyadong marespeto at mabait ang Renz ngayon.

"Ayos na, salamat sa'yo," pasasalamat ko, "Ikaw pala ang nagdala sa akin dito."

"Yeah," may hiya pa sa sagot n'yang iyon, "With Zia and Andy, tinulongan nila akong isugod ka dito."

Nakangiti akong tumango dahil do'n. Ilang sandali pa ay mukhang abala s'ya sa pagiisip ng kung ano. Sumusulyap s'ya sa akin kaya tiningnan ko s'ya, mukhang may gusto s'yang sabihin.

"Uhm, if you don't mind me asking..." aniya, "Why are you crying the day na makita kitang basa ng ulan?"

Nag-iba ang pakiramdam ko sa narinig, agad kong naiwas ang tingin dahil do'n. Ayon na naman ang bigat ng pakiramdam, pinilit kong ayosin ang sarili upang hindi maipahalata kay Renz ang bigat mg pakiramdam ko.

"N-Nagkausap lang kami ni Vrel," pinilit kong ngumiti.

"About what?" tanong n'ya.

Humugot ako ng malalim na hininga, "Sa ikalawang pagkakataon kase, itinanggi na naman n'ya na s'ya ang nagligtas sa akin noong gabi ng event."

Hindi agad nakapagsalita si Renz dahil sa sinabi ko, hindi ko na rin pinansin iyon dahil patuloy na sa pagbigat ang dibdib ko. Hangga't maaari ay gusto kong mailabas ko ang hinanakit ko upang gumaan ng kaunti ang pakiramdam ko.

"Pati na rin 'yung pagkawala ng ala-ala n'ya," pinangiliran na ako ng luha.

"I don't know how would you feel once you found out," saad ni Renz kaya nilingon s'ya.

Hindi agad ako nagsalita, tiningnan ko lang s'ya sa mga mata na ngayon ay nakatingin na rin sa akin.

"Ang alin?" tanong ko.

"I am not in the position to say," aniya saka bumuntong hininga, "But I hope he will tell you the truth."

=END OF FLASHBACK=
_____________________________

Nanunuri na ang mga tingin nila Andy at Zia, nailang lang ako nang makita rin ang kakaibang tingin ni Kalia. Silang tatlo ay pare-pareho lang ng tingin sa akin. Si Renz lang ang medyo seryoso, wala pa man akong sinasabi ay grabe na s'ya kung makatingin sa akin.

Hindi ko na inilipat pa ang paningin kay Vrel na ngayon ay nakaupo na at sumisimsim ng alak. Pinilit ko na lamang maging normal saka naupo sa upoan ko.

"Saan ka galing teh?" usisa agad ni Andy sa akin.

Hindi ko intensyon ang ipakita kung gaano ako kailang sa nangyari kanina, ngunit paniguradong mahahalata nila iyon sa akin.

OH MY GHOST [ONGOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon