Chapter 69

5.5K 402 262
                                    

Mag-isa akong naglalakad paakyat ng hagdan, papunta na ako sa office ng Dean. May elevator ang building na 'to, pero hindi ko gustong gamitin iyon dahil kailangan ko ng mahabang oras para ihanda ang sarili.

Hanggang sa makarating ako sa floor ng office ng Dean ay tulala pa rin ako. Hindi ako nakaramdam ng pagod hanggang sa marating ko mismo ang pinto ng office n'ya. Hindi ako agad kumatok, ayon na ang kaba na tila dumadaloy sa mga ugat ko.

Kalma, Sam. Tatanongin ka lang ng Dean, pagkatapos ay pwede ka nang umalis.

Pilit kong inalis ang takot sa pakiramdam ko, pumikit muna ako at huminga ng malalim saka iyon ibinuga gamit ang bibig. Paulit-ulit kong ginawa iyon upan ikalma ang sarili. Saka ako dumilat at muling tinitigan ang pinto.

"Pumasok ka na, kumatok ka," pamimilit ko sa sarili.

Ngunit hindi ko pa rin magawang kumatok, nabawasan man ang kaba at takot ay hindi pa rin iyon sapat upang lumakas ang loob ko ngayon. Pakiramdam ko ay gusto ko na lang bumalik sa room at magpahinga. Nararamdaman ko pa rin ang kaunting kirot ng sugat ko.

"Inhale, exhale," bulong ko sa sarili habang nakapikit.

Tinakpan ko ang tenga saka ako yumuko upang mas lalong maikalma ang isip, sa ganoong posisyon ay inangat ko ang isa kong kamay saka ako kumatok sa pinto.

Natigilan ako nang hindi matigas na bagay ang naramdaman ko sa pagkatok kong iyon, hindi rin nakagawa ng ingay. Nananatili akong nakapikit at nakayuko, tila matigas na tela ang nadampian ng kamao ko.

Nang maimulat ko ang mata ay nakita ko ang pares ng sapatos na suot ng kung sino ngayon sa harapan ko! Nanlaki ang mga mata ko saka marahang nag-angat ng tingin sa harapan ko.

Halos manigas ang katawan ko nang makita si Vrel, seryoso at blanko ang tingin n'ya sa akin. Hindi ko maiwasang pagmasdan s'ya ng ilang sandali.

Ngayon ko nalang ulit s'ya natitigan ng ganito kalapit. Ang kulay ng balat n'ya ay mas tumingkad kumpara noon. Ang buhok n'ya ay bagay na bagay sa kan'ya.

"What?" seryoso n'yang tanong.

Natigilan ako sa tanong n'yang 'yon saka ako umayos ng tayo. Nakaramdam ako ng hiya nang mapansin ang kamay ko na nakatapat sa dibdib n'ya.

Dibdib n'ya ang nakatok ko!!?

Agad kong ibinaba ang kamay ko saka mas mariin na napapikit sa kahihiyan. Hindi ko na maiangat ang tingin sa kan'ya.

"S-Sorry," paumanhin ko.

Hindi s'ya umimik, hindi ko pa rin s'ya magawang tingnan.

"Why are you here?" kalaunan ay tanong n'ya.

"Kakausapin daw ako ng D-Daddy mo," saka ako nagkaroon ng lakas ng loob na tingnan s'ya sa mata.

Seryoso pa rin s'yang nakatingin sa akin, nanlalamon, tila pinapasok ang isip ko. Bago pa man ako matunaw sa mga tingin n'yang iyon ay agad akong napalingon sa pinto nang makita ang isang babae na naglalakad palapit sa amin.

S'ya ang nakita kong babae sa stage sa welcome party namin.

"Vrel?" sambit nito saka ako nahagip ng tingin, "Oh, hello," aniya sa akin.

Hindi agad ako nakapagsalita, saglit kong inilipat kay Vrel ang paningin upang makita ang reaksyon n'ya. Ngunit kalmado lang s'yang nakatayo sa harapan ko, nasa babae na ang paningin n'ya.

Humugot ako ng hininga, "H-Hello."

"You're Samara, if I guessed it right?" nakangiti n'yang tanong.

OH MY GHOST [ONGOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon