Kinabukasan ay maaga ulit akong gumising, nang lingonin ko si Zia ay maya't-maya na ang subo nito ng chocolate. Umayos ako ng upo saka nag-unat bago s'ya muling nilingon. Panay parin ang subo n'ya ng chocolate na hindi ko alam kung saan n'ya nakuha.
"Morning." bati n'ya habang puno ang bibig.
"Napakasiba mo." ngumiwi ako, "Galing dito ang Mommy mo?" tanong ko.
"Hindi, bakit?" tanong n'ya na panay parin ang subo.
Sa sagot n'ya ay napatingin ako sa chocolates na halos magkasya sa isang karton ang dami, hindi ko inasahang may manliligaw pala ang gagang 'to. Halos mapuno ng tsokate ang paligid ng bibig n'ya sa dami n'ya sumubo, akala mo ay may aagaw.
"Kanino galing 'yan?" nagtatakang tanong ko.
Natigil s'ya sa pagnguya, "Kay Renz." tugon n'ya saka nilunok ang nasa bibig, "Sabi n'ya ibigay ko daw sayo paggising mo tapos sabi ko magagalit ka. Tapos hindi s'ya nagsalita tapos umalis na s'ya kase daw may klase pa. Tapos nung binuksan ko yung paper bag ayon puno ng chocolate edi inisip ko magagalit ka rin naman kapag nalaman mong sa kan'ya galing edi kinain ko nalang kase masasayang lang alam ko itatapon mo 'yon kase galit ka sa kan'ya sayang naman kung—"
"Galing s'ya dito?" pagputol ko sa paliwanag n'ya.
"Oo, kakaalis n'ya nga lang eh." tugon n'ya saka muling kumain.
Ibig sabihin ay talaga palang nagpunta s'ya dito, hindi ko alam kung makakaramdam ako ng inis o hindi ko nalang iyon iisipin. Nilingon ko ang chocolates na nasa side table ni Zia, nagiwas nalang ako ng tingin doon saka sumandal sa headboard ng kama. Bumuntong hininga ako, tama naman si Zia dahil kung nagkataong gising ako kanina ay tatanggihan ko rin ang mga ibinigay n'ya. Muli kong nilingon si Zia, hindi parin s'ya tapos kumain.
Gan'yan talaga s'ya katakaw.
"Akala ko ba ay babangasan mo 'yon? Bakit parang kalmado ka d'yan?" tanong ko.
"Pagpapatawad ang daan para sa kapayapaan ng mundo." saad n'ya na tila nangangaral pa.
Ngumiwi ako saka s'ya inirapan, "Nasuholan ka lang, eh."
Hindi s'ya sumagot at ngumuso nalang. Mabilis mapa-amo si Zia sa pagkain, kaya sa tuwing magkakagalit kami ay alam ko na agad ang paraan para makipagayos. Bigyan mo lang ng kahit anong pwede n'yang manguya at mailaman sa tiyan ay ikatutuwa n'ya na.
Kalaunan ay naalala ko si Vrel, at ang mga napagusapan namin kahapon. Pagkatapos ng umagang iyon ay hindi ko na s'ya nakita pa ulit dahil bumalik na ako rito upang kumain at magpahinga. Naalala ko ang nalaman ko tungkol sa kan'ya, hanggang ngayon ay nagdudulot parin sa akin ng gulat ang mga 'yon. Pakiramdam ko ay pinaglalaroan ako ng panahon, lalo pa't hindi ako naniniwala sa mga multo.
Ngayon ay nakatagpo ako ng isang multo.
"Naniniwala ka ba sa multo?" kalaunan ay tanong ko kay Zia.
Natigilan s'ya sa tanong ko, "Wala ka na ba talagang ma topic?"
"Seryoso ako, naniniwala ka ba sa multo?" muli kong tanong.
Ibinaba n'ya ang hawak na ferrero rocher saka ako nilingon, kunwari pa muna s'yang nagisip. Gusto kong matawa sa hitsura n'ya, punong-puno ng tsokate ang bibig. Napakarungis n'yang kumain, akala mo ay bata.
BINABASA MO ANG
OH MY GHOST [ONGOING]
Dla nastolatkówSi Samara ay isang masiyahin at positibong tao, lahat halos ng nakakasalamuha n'ya ay napapagaan niya ang loob. Hindi natatakot sa multo, bata pa man ay hindi na s'ya naniniwala sa iba't-ibang kuwento patungkol sa mga kaluluwa. At sa hindi inaasahan...