Chapter 10

8K 566 565
                                    

Kinabukasan ay inis agad ang naramdaman ko nang magising ako.

Ito na 'yon.

Pinilit kong pumikit dahil baka sakaling makatulog ulit ako, ngunit dahil binalot na ako ng kaba ay hindi ko na magawang mahimbing ulit. Nakakarinig na ako ng ingay sa paligid kaya paniguradong gising narin ang karamihan.

"Hoy betch, bangon. Lilitisin ka na." ramdam ko ang pag uga sa akin ni Zia.

"Gusto ko nalang mamatay." sambit ko.

"'Wag, bukas nalang. May contest ngayon." aniya saka ako binangon.

Talagang nilamon ako ng kaba, pakiramdam ko ay nanghihina ang tuhod ko. Ngunit kabado man ay naupo ako at huminga ng malalim. Hindi ako pwedeng panghinaan ng loob, lalo na't kailangan kong gawin ang makakaya ko para dito. Binabad ko ang sarili ko sa pagre-review kagabi, kaya paniguradong may maisasagot ako.

"Mamaya lang ay dadating na ang Prof na magbibigay ng sasagotan mo." sambit ni Zia, "Kaya mo 'yon, basta isipin mo lang hindi nakakamatay ang pagkatalo." aniya.

Hindi ko alam kung biro ba 'yon, ngunit tila malalim ang dulot non sa'kin. Napatango ako saka huminga ulit ng malalim. Walang mawawala kung susubokan kong manalo, at hindi ko rin ikakamatay kung matatalo ako.

Tama.

Ilang minuto ang lumipas ay dumating na nga ang Professor. Dala nito ang mga papel na kasong kapal ng isang daang pahina ng libro. Napalunok ako saka nagiwas ng tingin doon. Ayaw kong isipin na ganoon karami ang sasagotan ko dahil mas lalo lang akong panghihinaan ng loob.

"Ms. Abanarez." anunsyo nito.

Agad akong tumayo, nang lingonin ako nito ay agad akong ngumiti.

"Follow me." sambit nito.

Ayon na naman ang kaba na binalot ang buong sistema ko. Nilingon ko si Zia, nakangiti s'ya sa akin habang kunwarig sumusuntok sa ere.

"Kaya mo 'yan!" sigaw n'ya.

Nilingon ko ang mga kaklase ko nang isigaw rin nila ang pangalan ko. Ang kaba ay saglit na napalitan ng tuwa dahil sa suporta nila, nakangiti ako hanggang sa makalabas doon. Sumunod lang ako hanggang sa marating namin ang isang private room, may lamesa na doon. Mayroon na ring kagamitan gaya ng lapis, ballpen, pantasa, at pambura. May snacks rin kaya hindi na problema ang kakainin sa tuwing kikirot ang sentido ko sa mga tanong.

Naupo na ako sa upoan saka na inilapag ang mga papel. Nakahinga ako ng maluwag nang hindi iyon kasing kapal ng libro, ngunit kahit ganoon ay makapal parin itong tingnan.

"Strictly no cheating." paunang paalala ng Professor, "No phones allowed." dagdag n'ya.

Wala akong dalang phone kaya tumango. Pinaalala n'ya ang iba pang mechanics, dalawang oras lang daw ang pinakamahabang oras ng pagsasagot, pagkatapos non ay kukunin na ang papers ko. Lumabas na ang professor pagkatapos sabihin 'yon.

Malawak ang room na 'to, at malayo ang lamesa ko sa pinto. Nagsimula akong buklatin ang mga papel, sa pinaka unang numero palang ay nanlumo na ako. Ngunit hindi na ako gaanong kinabahan dahil alam ko kung paano sagotan ang naunang mga tanong.

Kaya mo 'to, Samara.

Nagpatuloy ako sa pagsagot, pinilit kong pigain ang utak ko. Ngunit nasa ika-limang pahina pa lamag ako ay gusto ko nang sumuko, napakahirap na ng mga tanong.

OH MY GHOST [ONGOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon