Napasandal ako sa likod ng pinto nang makapasok ako sa bahay. Hindi ako makapaniwalang sinabi n'ya iyon, na gusto n'ya akong ligawan. Para akong kinukuryente dahil do'n, mabilis pa sa takbo ng kabayo ang tibok ng puso ko.
"Lasing lang s'ya," nakapikit kong pinakalma ang sarili.
Buntong hininga kong iminulat ang mata, napahawaka ko sa dibdib. Hindi ko pa rin maalis sa sistema ko ang kaba, ayaw ko mang aminin ngunit nakakaramdam ako ng tuwa. Masama pa ang loob ko sa kan'ya, masyado s'yang mabilis. Ayaw kong bumigay agad, hindi ko gustong ipain na naman ang sarili ko sa sitwasyon na hindi ako sigurado. Ayaw kong masaktan na naman, napapagod na akong masaktan.
"Lasing lang s'ya, Sam," muli kong sambit sa sarili, "Hindi n'ya alam ang sinasabi n'ya."
"Sino?" dinig kong boses ni Aling Dalia.
Gulat kong naimulat ang mata saka s'ya tiningnan, hawak n'ya ang dalawang baso laman ang gatas at kape. Hindi ko alam kung paano babati, anong oras na at hindi ko inaasahan na gising pa si Aling Dalia. Iniabot n'ya sa akin ang hawak na baso ng gatas nang hindi pa rin inaalis ang nagtatakang tingin sa akin.
"W-Wala po," nag iwas ako ng tingin.
Hindi s'ya nagsalita, kinuha ko ang inabot n'yang baso ng gatas saka ako uminom. Hindi naman ako lasing ngunit pinagpapawisan ako. Kapag si Aling Dalia kase ang nagtanong, kahit magsinungaling ako ay wala akong lusot.
"Kamusta naman?" tanong n'ya.
Ako naman ang hindi agad nakasagot, humugot pa ako ng malalim na hininga saka pinilit ngumiti kay Aling Dalia. Sa sobrang kaba ko kanina ay ngayon ko lang naramdaman na mainit pala ang hawak kong baso. Hindi ko iyon agad naramdaman.
"A-Ayos naman po," tugon ko.
Marahan s'yang napatango, pero hindi ko sigurado kung kumbinsido s'ya sa sinabi ko. Muli akong uminom ng gatas saka palihim na sinusulyapan si Aling Dalia na batid kong nasa akin pa rin ang paningin. Nakakailang ang haba ng katahimikan sa pagitan ng bawat salita namin.
Ilang saglit pa akong tinitigan ni Aling Dalia saka s'ya napatingin sa mata ko.
"Bakit mugto ang mata mo?" tanong n'ya.
Natigilan ako dahil sa tanong na iyon ni Aling Dalia, hindi ko alam kung paano ito sasagotin. Pasimple kong hinawakan ang mga mata ko, hindi pa rin pala nawawala ang pamumugto no'n simula kanina.
"N-Nakainom lang po ako."
"Ganoon ba, parang hindi ka naman amoy alak."
Napalunok ako, hindi ako maga-amoy alak dahil hindi naman talaga ako uminom. Sa pagkakataon na 'to, alam kong wala na akong lusot. Alam kong hinihintay n'ya nalang akong mag-kuwento, hindi ako makaka-akyat hangga't hindi humahaba ang usapan namin.
"K-Kilala po ba ninyo ang anak ng Dean?" tanong ko sa kan'ya.
Ayon na naman ang hindi n'ya agad pagsagot, saka s'ya bahagyang ngumiti.
"Bakit naman hindi?" nakangiti n'yang tanong, "Minsan ko nang nakita sa hospital ang batang iyon, kaawa-awa ang kalagayan."
Nabuhayan ako dahil sa sinabing iyon ni Aling Dalia, bata palang ay kilala na pala n'ya si Vrel. Tuloy ay gusto ko s'yang yayaing maupo sa sofa upang ikuwento sa akin kung paano n'ya ito nakilala, ngunit ayaw kong ipahalata sa kan'ya ang pagkakaroon ko ng interes sa kahit anong tungkol kay Vrel.
"Bakit mo natanong?" tanong n'ya.
Bahagya akong umiling, "Magaling na po kase s'ya."
BINABASA MO ANG
OH MY GHOST [ONGOING]
Teen FictionSi Samara ay isang masiyahin at positibong tao, lahat halos ng nakakasalamuha n'ya ay napapagaan niya ang loob. Hindi natatakot sa multo, bata pa man ay hindi na s'ya naniniwala sa iba't-ibang kuwento patungkol sa mga kaluluwa. At sa hindi inaasahan...