Chapter 13

8.6K 536 181
                                    

Nakatingin parin ako sa kan'ya, hindi ko maalis ang pagtataka dahil sinabi n'ya. Hindi ko batid kung ano ang magiging rason para saktan n'ya ako kung papayag s'yang maging magkaibigan kami.

I just don't want to hurt you.

Bumunton hininga ako nang umugong muli ang sinabi n'ya.

Bakit?

"You're curious, aren't you?" tanong n'ya.

Marahan akong tumango nang lingonin n'ya ako. Ngumiti s'ya saka bumuntong hininga, nag iwas s'ya ng tingin saka pinagmasdan ang tanawin. Hinihintay ko lamang s'yang magsalita, hindi ako umimik.

"Honestly, I don't know how are you able talk to me." seryosong aniya.

Maging iyon ay ipinagtaka ko, "Wala bang nakikipagusap sayo?" tanong ko.

"For more than a week, ikaw palang." tugon n'ya.

Mahigit isang linggo nang walang kumakausap sa kan'ya maliban sa akin?

Gusto kong itanong kung may pamilya ba s'ya, o kung may dumadalaw ba sa kan'ya rito sa hospital. Ngunit nilalamon ako ng hiya dahil hindi naman kami magkaibigan, at wala akong karapatang ungkatin ang buhay n'ya. Hindi parin maalis ang tingin ko kay Vrel, ramdam ko ang bigat ng mga salitang binibitawan n'ya ngayon.

"Bakit?" ayon lang itinanong ko.

Hindi s'ya sumagot, tiningnan n'ya lang ang langit. Napapansin kong panay ang tingala n'ya doon, tila ba bilib na bilib sa ganda nito. Ngunit kung ano ang ikina-aliwalas ng pagtingin n'ya sa tanawin ay kabaliktaran ng akin. Sa tuwing titingnan ko s'ya sa oras na ito ay may dulot itong bigat sa pakiramdam ko.

Katabi ko s'ya, pero parang hindi ko s'ya kasama.

"I grew up in a broken family." saad n'ya.

Nagulat ako sa narinig, nananatili akong nakikinig habang nasa kan'ya ang paningin.

"It started when my Dad cheated on my Mom with a Nurse he met in this Hospital." bumuntong hininga s'ya, "My Mom suffered from depression, and she committed suicide. The reason why I lost her."

Nakaramdam ako ng awa at lungkot para sa kan'ya, hindi ko inaasahan na ganito ang kwento n'ya. Kaya pala hindi s'ya ganoon kaganda makitungo sa tao, dahil hindi s'ya masaya. Hindi ako nakapagsalita, hindi ko alam ang sasabihin. Hindi ko alam kung anong isasagot, kung paano ko sasabihing nalulungkot ako sa nangyari.

"I hate Dad and that girl, they killed my Mom." mapait s'yang ngumiti, "And now, my Dad is dating a woman who wants nothing but his money."

Kung ako ang nasa posisyon n'ya, ay paniguradong magiging mabigat ang lahat para sa akin. Hindi ko alam kung paano n'ya kinakaya, lalo pa't may sakit s'ya. Kung ganitong may cancer s'ya, ay dapat suporta ng pamilya ang inaasahan n'ya. Pero parang mas ibinabaon pa s'ya ng mga ito sa lungkot.

"Life has fucked me in every way possible." muli n'yang sambit.

"I'm sorry." iyon ang nasabi ko.

"What are you being sorry for?" tanong n'ya.

"Hindi ko alam kung paano ko mapapagaan ang loob mo. Pero nandito lang ako." nakangiti kong sambit, "P-Pero, naiintindihan kong ayaw mo ng kaibigan."

Nilingon n'ya ako matapos kong sabihin 'yon.

Bahagya s'yang ngumiti sa akin, "Thankyou."

Ngumiti rin ako, ngunit kalaunan ay napanguso. Hindi ko talaga alam kung bakit ako masasaktan sa oras na kaibiganin ko s'ya. Kung ganito ka miserable ang buhay n'ya ay talagang kailangan n'ya ng kaibigan.

"Alam mo, sabi sa akin ng Papa ko, ayos lang daw ang mahirapan ka sa mga problema at pagsubok na ibinibigay sayo. Kase kung nahihirapan ka, ibig sabihin no'n ay ginagawa mo ang lahat para malagpasan 'yon. Ibig sabihin ay hindi ikaw ang tipo ng tao na mabilis sumuko." saad ko saka s'ya nilingon at ngumiti.

"You appear to have a nice family." aniya sa akin.

"Masaya, ang problema nga lang ay nasa ibang bansa ang Papa ko, isang beses sa maraming taon ko lang s'ya nakakasama." tugon ko saka bumuntong hininga, "Lahat naman siguro ng pamilya nagkaka-problema."

Hindi s'ya sumagot, malalim rin ang hininga na binitawan n'ya bago inilipat ang tingin sa tanawin. Hindi ko alam kung gaano na kami katagal na nandito, pero ang tirik ng araw na dumadampi sa balat ko ay hindi ko maramdaman. Malakas ang malamig na simoy ng hangin, kung pwede lang ay uupo ako dito buong araw.

"Hoy, Sam!" dinig kong humihingal na sigaw ni Zia.

Agad ko s'yang nilingon, nawala sa isip ko na s'ya ang dahilan kung bakit ako lumabas ng room namin kanina. Hinihingal s'yang naglakad papunta sa amin, mukhang pagod na pagod.

"Nandito ka lang pala." hinihingal n'yang sambit, "Inikot ko halos ang buong hospital..." huminga s'ya ng malalim dahil sa hingal, "Kulang nalang ay magtanong ako sa Nurse kung may Samara Clementhine Abanarez bang idiniretso sa morge kanina."

"Hinahanap rin kita kanina." nakangiwi kong sambit.

"Tumatae lang ako." tugon n'ya.

Napanganga nalang ako sa sariling katangahan, s'ya naman ay ayon at binabawi parin ang hininga dahil sa hingal. Saka ko naalala na ipakilala si Vrel kay Zia, tutal ay narito narin ang bruha.

"Oo nga pala, Vrel—" nang lingonin ko ang pwesto ni Vrel ay wala na s'ya doon.

Inilibot ko ang paningin sa buong paligid, wala na nga talaga s'ya rito. Napapa-kurap akong napatitig sa inuupoan n'ya kanina, hindi ko ulit naramdaman ang pag-alis n'ya. Mukhang hindi s'ya sanay na mayroong ibang tao, hindi ko alam na may pagka-mahiyain s'ya.

Hindi n'ya ba talaga ugali ang magpaalam?

"Sinong kausap mo d'yan?" tanong ni Zia.

"W-Wala." tugon ko.

"Eh bakit ka nga pala nandito?" nagtataka n'yang tanong.

Nilingon ko s'ya saka napapahiyang napakamot. Nag-unat nalang ako ng katawan saka huminga ng malalim.

"Wala, nagpapa-araw lang pampatibay ng buto." tugon ko saka ikinalso ang kamay ko sa braso n'ya at hinila s'ya upang maglakad paalis.

"Tanghaling tapat pampatibay ng buto? Aning ka ba?" ngiwi n'ya, "Ikaw may tinatago ka talaga sa'kin, eh."

"Wala, ah!" tugon ko saka nagiwas ng tingin.

"Nako, Samara. Siguradohin mo lang, isusumbong talaga kita kay Tita." banta n'ya pa.

Inirapan ko nalang s'ya saka kami nagpatuloy sa paglalakad. Muli kong nilingon ang pwesto kung saan kami umupo kanina ni Vrel, natutuwa akong nalaman ko ang kaunting detalye tungkol sa buhay n'ya. Ngunit may lungkot dahil hindi n'ya ako kayang ituring bilang kaibigan.

Bumuntong hininga ako saka inalis doon ang paningin. Muli ko na lamang itinuon ang atensyon sa paglalakad.

_____________
next chapter...

OH MY GHOST [ONGOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon