Chapter 29

6.5K 445 304
                                        

Ilang minuto na ay nakasunod pa rin ako sa Professor na nangunguna sa akin ngayon. Tama nga ang sinabi ni Zia, para itong itik kung maglakad. Kasing bilis rin ito ng itik, hindi naman iyon sa pang-iinsulto ngunit iyon talaga ang totoo.

Maya-maya lang ay huminto s'ya sa tapat ng malaking pinto, nang tingnan ko iyon ay may name plate na naka kabit rito.

"Dito nalang ako, ikaw na magisa ang papasok sa loob." sambit ng Prof.

Patuloy kong pinagmasdan ang ganda ng pintong 'yon, kakatwang sa simpleng bagay na ito ay nabibilib na ako.

Vinicio Isaias Terrico, Hospital CEO...

Napatango ako sa pangalan n'yang 'yon saka ko muling nilingon ang Professor sa harapan ko. Nakatingin na rin s'ya sa akin na tila naghihintay ng sasabihin ko, napakurap ako saka naibuka ang bibig.

"A-Ahm, opo." tugon ko bagaman hindi ko na matandaan ang huli n'yang sinabi.

Sandali pa n'ya akong tiningnan, "Go inside, I have to go."

Wala pa man ay agad na s'yang naglakad paalis, sa bilis n'yang maglakad ay hindi ko na s'ya mahahabol upang itanong kung para saan ang biglaang pagpapatawag sa akin ng Dean. Huminga ako ng malalim saka pumikit at bumuga ng hininga, nakakaramdam na ako ng kaba.

'Wag kang kabahan, Sam.

Banggit ko sa isip saka nagdilat at umaktong kakatok sa pinto, ngunit hindi ko iyon magawa. Nanlulumo akong napapadyak sa kaba, hindi ko alam kung paano papasok, babati o kung paano ko kakausapin ang Dean sa oras na makapasok ako. Tahimik akong muling huminga ng malalim saka itinaas ang kamao upang subokan muling kumatok, ngunit ayon na naman ang kaba dahilan para muli kong mahilamos ang mukha.

"Ano ka ba, Sam." iwinasiwas ko ang mga daliri sa kaba, "Kumatok ka na, punyeta." inis kong pangungumbinsi sa sarili.

Sa ikatlong pagkakataon ay huminga ako ng malalim, inangat ko ang kamao upang kumatok. Sa pagkakataong ito ay mariin akong pumikit nang maramdaman ko ang kamao na paulit-ulit nang pinupukpok ang pinto.

Wala nang atrasan 'to.

Pagkatapos no'n ay nagdilat ako ng mata, para akong tangang nakatayo pa rin sa harap ng pinto. Kalaunan ay pinihit ko na ang doorknob saka ko iyon itinulak upang mabuksan. Nang mabuksan iyon ay agad kong sinilip ang loob, saka ko natanaw ang bahagi ng silis kung saan naroon ang nakatalikod na upoan ng Dean. Mukhang ito sa malaking bintana roon, hindi ko matanaw ang katawan n'ya dahil sa mataas at malapad na sandalan ng upoan n'ya.

Anong susunod na gagawin pagkatapos pumasok? Hays, paano ba 'to.

Pumasok ako saka isinara ang pinto, saglit pa akong tumayo roon. Hinintay ko na baka maramdaman ng Dean ang presensya ko, ngunit ilang saglit na ang lumipas ay hindi pa rin s'ya humaharap sa gawi ko. Hindi na ako nagtagal pa sa pagtayo lang, nameke ako ng ubo saka huminga ng malalim.

"D-Dean." utal na sambit ko.

Hindi ako agad nakagalaw nang sa ilang saglitpa ay pumihit paharap sa akin ang upoan. Saka ko nakita ang Dean hawak ang isang papel habang nasa akin na ang paningin. Pinilit kong alisin ang kaba sa loob ko ngunit mas tumindi pa iyon nang tumikhim ang Dean at umayos sa pagkaka-upo.

"Sit down." buo ang boses nito nang sabihin iyon.

Agad akong naglakad sa upoan na nasa harapan n'ya, nang makaupo ay pinilit kong alisin ang kaunting panginginig ng kamay. Grabe ang kaba sa pakiramdam ko na halos manghina ang tuhod ko dahil doon, palihim akong humugot ng malalim na hininga saka tiningnan ang Dean. Ang mga mata n'ya ay nasa kaninang hawak na papel na ngayon ay nakalapag na sa mesa.

OH MY GHOST [ONGOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon