Chapter 94

9.2K 498 446
                                    

SAM'S POV.

Dumiretso agad ako sa School pagkatapos asikasuhin ang sarili. Pakiramdam ko ay panibagong buhay ko ang araw na ito. Mas lalo pang nabawasan ang bigat na nararamdaman ko noon dahil sa nalaman ko tungkol kay Mama. Tuloy ay mukha akong tanga na nakangiti habang pababa ng sasakyan.

Hanggang sa makarating ko ng room ay dala ko ang magandang mood na 'yon. Agad naman akong sinalubong ng mga tingin ni Zia at Andy na hindi ko alam kung ano ang nais iparating. Nagtataka ko lang silang tiningnan saka ako naupo sa upoan ko.

"Parang good mood tayo ha?" tanong ni Zia.

Bahagya lang akong ngumiti saka inayos ang mga gamit ko, "Bakit naman hindi."

Napansin ko pa silang mag tinginan saka muling inilipat sa akin ang paningin. Hindi ko na itinuon sa kanila ang atensyon, gusto kong panatilihin ang ganito kagandang mood ko. Inilabas ko ang notebook ko saka nagbasa ng kung ano-anong isinulat ko doon.

"Kamusta ang paghatid ni Vrel sa'yo kagabi?" tanong naman ni Andy.

Doon ay natigilan ako, naalala ko ang mga sinabi ni Vrel kagabi. Ang pag amin n'ya, at ang pagtawag n'ya sa phone ko. Lahat ng 'yon ay aaminin kong pinagdududahan ko, pakiramdam ko ay panaginip. Ngunit higit pa ako sa sigurado na dulot lang ng alak kaya n'ya nasabi lahat ng 'yon.

"A-Ayos naman," nag iwas ako ng tingin.

"Paanong ayos?" usisa ni Andy, "Ayos na ayos? o ayos na ayos na ayos?"

Napangiwi nalang ako, "Basta maayos."

Si Zia naman ay marahang inilapit sa akin ang ulo, "Anong mga pinagusapan ninyo?"

Nailipat ko sa kan'ya ang tingin saka ko muling iniwas ang tingin sa kan'ya. Kung sasabihin ko sa kanila ang totoong pinagusapan namin ay paniguradong aasarin nila ako, magtitilian sila at sa ingay nila ay malalaman na ng buog mundo ang tungkol doon.

"Wala," sambit ko, "Bakit ba napaka chismosa ninyo?"

"Natural!" dipensa ni Zia, "Ang tunay na magkakaibigan ay madalas nagshe-share ng most memorable life events."

Napanguso ako sa sinabi n'ya, saan na naman kaya n'ya nakuha ang bagay na 'yon. Napailing nalang ako saka muling nagbasa sa notebook na hawak ko.

"Napaka damot mo teh," inis pang sambit ni Andy, "Malalaman at malalaman rin naman namin 'yan, kaya sabihin mo na."

Nangunot ang noo ko sa pangungulit nila, "Ang alin ba?"

"Ang nangyari sa inyo ni Vrel—"

"Walang nangyari sa'min 'no!" agad kong tanggi sa sinabi ni Andy.

Nakita ko pa s'yang mapahawak sa dibdib dahil sa gulat, napansin ko rin na medyo napalakas ang sigaw ko kaya natigilan rin ako kalaunan.

"Ang ibig kong sabihin, mga nangyari sa inyo, napag-usapan, kasundoan, chikahan," paglilinaw pa ni Andy, "Hindi jugjugan."

Napapahiya nalang akong tumingin sa kan'ya. Hindi ko naman alam na iyon pala ang ibig n'yang sabihin, nadala lang ako ng emosyon. Kung ganoon ba naman ang maririnig mo ay sinong hindi agad tatanggi.

"Malay ko ba," tugon ko nalang.

"Ikaw ha," itinuro pa ako ni Zia, "Namutla ka nung sinabing jugjugan."

"Hindi ah!" mas gulat kong sagot, "Hoy kayong dalawa ang bastos ninyo ha, walang nangyari sa mga iniisip n'yo."

Ginawaran lang nila ako ng nangaasar na tingin, inirapan ko naman silang dalawa. Ang hirap talaga kapag may mga kaibigan kang tamang hinala at sira ulo, imbis na good mood ka ay bubulabogin pa nila ang araw mo. Gusto ko na tuloy ibenta ang mga 'to.

OH MY GHOST [ONGOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon