Pinilit kong ayosin ang sarili, nang makabalik ako galing sa office ng Dean ay nakatingin ang lahat sa akin. Hindi ko alam kung paano sasalubongin ang nasasabik nilang tingin, mukhang salungat ang inaasahan nila sa dala kong balita.
Nang lingonin ko si Zia ay nasasabik na rin itong lumapit sa akin, tiningnan n'ya ang kabuoan ko. Pilit akong ngumiti sa kan'ya maging sa mga kaklase ko.
"Anong balita?" agad na tanong ni Zia, "Bakit ka ipinatawag?"
"T-Tungkol sa result ng Math55." humugot ako ng malalim na hininga matapos sabihin 'yon.
Nakita ko ang pananabik sa mga mata ni Zia habang nakatingin sa akin, wala pa man ay nangingiti na s'ya. Kung sumang-ayon lang sana sa amin ang panahon, baka sakaling ikatutuwa nila ang madadala kong balita. Ngunit gaya nga ng inaasahan, ay wala ni isa sa mga inaasahan namin ang matutupad.
"Anong sabi?" tanong ni Zia habang hindi maitago ang tuwa.
"Ano, Sam? panalo ba?"
"Hala panalo ba tayo?"
"Omg! Omg!"
Kabilaan ang tanongan nila, ako naman ay halos mapayuko. Sinikap kong ayosin ang sarili, kailangan kong sabihin ang na hindi ako nanalo. Mabigat man sa loob, ay mas pipiliin kong itago ang totoo kesa magkagulo. Bumuntong hininga ako saka sila tinignan.
"H-Hindi." nahihiya kong sagot saka tuloyang napayuko.
Hindi ko sila magawang tingnan, nawala ang kaninang ingay na bumabalot sa paligid. Alam kong nadismaya ko sila, at kasalanan ko rin dahil hindi ko magawang ilaban ang sarili ko. Napakasakit isipin, ngunit wala na akong magagawa dahil maging ako ay tinanggap ang hindi makatuwirang desisyon ng Dean.
Kaya kong ipaglaban ang iba, pero hindi ang sarili ko.
Nanatili akong walang kibo, pakiramdam ko ay pangingiliran ako ng luha. Ngunit pagtataka ang namayani sa akin nang bigla ay tumili si Zia, nang lingonin ko s'ya ay nakatingin na s'ya sa akin.
"You did your best betch!" nakangiti n'yang sigaw sa akin, "I'm prod of yah!" maarte n'ya pa akong itinuro.
Narinig ko rin ang palakpakan ng nga kaklase ko, ang kaninang lungkot at bigat sa pakiramdam ko ay napalitan ng tuwa at pasasalamat. Sa isang iglap ay pinangiliran nga ako ng luha, hindi ko maipaliwanag ang tuwa habang nakikita silang hindi nadismaya sa resulta.
"Oo nga, Sam. The best ka na sa part na inilaban mo ang mga nursing students kahit wala kang tiwala sa sarili mo." sambit ng isa sa mga kaklse ko.
"I told you, Samara." sambit rin ni Haelin, "You still did a great job." ngumiti s'ya.
Napangiti rin ako sa sinabi n'ya, naiyuko ko ang ulo sa kanilang lahat. Sobra ang pasasalamat ko sa suporta na ibinibigay nila sa akin, kahit pa hindi magandang balita ang dala ko. Kahit pa ang totoo ay panalo ako ngunit naging duwag lang para ipaglaban ang sarili ko. Gusto kong sisihin ang sarili bagaman hindi ko nadismaya ang mga kaklase ko, mas masarap sa pakiramdam kung ang palakpakan na naririnig ko ay dulot ng pagkapanalo ko.
Paano kaya kung naipagtanggol ko ang tama kanina? Anong klaseng saya kaya ang maidudulot ko sa kanila?
Kalaunan ay nagpunta na rin ako sa higaan ko upang ipahinga ang sarili, may tuwa sa puso ko dahil ganoon pa rin kainit ang pagtanggap nila sa resulta bagaman hindi iyon ang inaasahan ng lahat. Kahit papaano ay unti-unti ko nalang ring tinatanggap ang nangyari. Hindi ko na maibabalik ang oras kahit pa magkaroon na ako ng paninindigan ngayon. Bumuntong hininga ako saka pumikit.
BINABASA MO ANG
OH MY GHOST [ONGOING]
Подростковая литератураSi Samara ay isang masiyahin at positibong tao, lahat halos ng nakakasalamuha n'ya ay napapagaan niya ang loob. Hindi natatakot sa multo, bata pa man ay hindi na s'ya naniniwala sa iba't-ibang kuwento patungkol sa mga kaluluwa. At sa hindi inaasahan...