Halos hindi ko magawang gumalaw, ang mga tingin sa akin ni Renz ay unti-unting nabahiran ng pagtataka. Galit, inis, at gulat ang naghalo-halo sa pakiramdam ko ngayon. Gusto kong magalit sa sarili, gusto kong sumigaw. Gusto kong gawin ang lahat ng pwede kong gawin para masaktan ko si Renz, gusto kong ibuhos ang lahat para mabawasan ang bigat sa pakiramdam.
Lahat ng sumira sa buhay ni Vrel ay konektado sa akin.
Hindi ko maintindihan, kung anong klaseng laro ang napasukan ko. Kung bakit sa laro na ito ay tila ako ang taya, napakasakit sa pakiramdam. Kung narito lang si Vrel ay magiging panatag ako.
"Are you okay?" kalaunan ay tanong ni Renz.
Napansin kong lumuluha na pala ako, pinunasan ko iyon habang ang paningin ko ay inaalis na sa kan'ya.
Bakit parang wala s'yang takot?
Nilingon ko si Zia, maging ang paningin nito ay kaswal lang. Ipinagtataka ko iyon ng sobra, bakit tila hindi n'ya nakuha ang sinabi ni Renz kanina. Maya-maya lang ay inilipat ni Zia sa akin ang paningin, kaswal pa rin ang tingin n'yang 'yon. Kalaunan ay nagugulat s'yang tumingin sa mga mata ko.
"Sam, bakit ka umiiyak?" gulat n'yang tanong, "Akala ko ba naka move on ka na kay Renz?" kalaunan ay bulong n'ya.
Hindi pa rin napalitan ang galit at gulat sa pakiramdam ko, parang may kung anong nagapabagal sa bawat galaw ko. Gusto kong sigawan si Renz, gusto ko s'yang itulak paalis, ngunit wala akong lakas upang gawin ang alin man sa mga iyon. Nanatiling blanko ang isip ko, ang halo-halong pakiramdam ko ay hinayaan kong lamunin ako.
"Iwan mo na kami," sambit ko kay Renz nang hindi s'ya tinitingnan.
"Is there a problem?" muli n'yang tanong.
Hindi ako agad nakasagot, gusto ko s'yang sampalin at isigaw mismo sa mukha n'ya na s'ya ang problema ko. Ngunit sa dami ng maaaring makarinig ay hindi ko na pipiliing gawin 'yon.
"Umalis ka na, magpapahinga ako," muling sabi ko.
"But, I need to—"
"Renz," si Zia ang nagsalita, "Salamat sa pagkain, siguro next time ka nalang ulit bumisita. Medyo hindi kase maganda ang pakiramdam ngayon ni Sam," saad ni Zia.
Narinig magbitaw ng malalim na hininga si Renz, ramdam ko ang paggalaw n'ya bagaman wala sa kan'ya ang paningin ko.
"Yeah, I understand," aniya kalaunan, "Just call me if you need something."
"Sige, salamat," tugon ni Zia.
"As always," tugon ni Renz saka sandaling natahimik ang paligid, "Get well, Samara."
Hindi ko iyon sinagot, kalaunan ay nakarinig ako ng mga yapak palabas ng room. Napapikit ako saka nagmulat ng mata, malalim pa sa malalim ang buntong hininga na binitawan ko. Nakita kong lingonin ako ni Zia nang masigurong wala na si Renz.
"Ano bang nangyari sayo?" nagaalalang tanong ni Zia.
Nagtataka ko s'yang tiningnan, "Hindi mo a nakuha ang mga sinabi n'ya?"
"Alin?" maging s'ya ay nagtaka.
"Kaibigan s'ya ni Vrel, kaibigan s'ya ng anak ng Dean," pagpapaintindi ko.
"Oo nga, narinig ko," inosente n'yang sagot, "Tapos?"
"Ang rason kung bakit nandito si Vrel ay dahil sa kaibigan n'ya," mas nagpapaintindi kong tugon.
Sandali s'yang natigilan, "Hindi lang naman siguro isa ang kaibigan ni Vrel 'no, sure akong marami—"
"Isa lang ang kaibigan ni Vrel," pagputol ko sa sinasabi n'ya.
BINABASA MO ANG
OH MY GHOST [ONGOING]
Teen FictionSi Samara ay isang masiyahin at positibong tao, lahat halos ng nakakasalamuha n'ya ay napapagaan niya ang loob. Hindi natatakot sa multo, bata pa man ay hindi na s'ya naniniwala sa iba't-ibang kuwento patungkol sa mga kaluluwa. At sa hindi inaasahan...