Chapter 100

5.6K 331 305
                                    

VREL'S POV.

Ilang linggo ang lumipas ay normal pa rin para sa akin ang nangyayari, ngunit may ilan sa mga pangyayaring iyon ang malungkot at masaya. Napangiti na lang ako habang inaalala ang araw na napasagot ko si Samara. Iyon ang isa sa mga pinakamasayang araw sa mga linggong nagdaan, naguumapaw. Masyadong mabilis, ngunit sa tuwing magkasama kami, parang lahat ay bumabagal.

Hindi ko minadali, mukhang tadhana na ang nagkusa.

Hindi nga talaga siguro mapipigilan ang kung ano mang naka-takda.

"Where have you been?" ang tanong na iyon agad ni Reika ang bumungad sa akin pag-uwi.

Malamig ko s'yang tinitigan, hindi ko alam kung ano ang intensyon n'ya sa tanong n'yang iyon. Ang paulit-ulit na panghihimasok n'ya sa bawat desisyon na gagawin ko ang nagpabago ng pakikitungo ko sa kan'ya. Sinabayan pa ng sobrang pagod dahil sa mga pinagawa sa akin ni Dad kanina.

She's not my Mom, why is she acting na para bang s'ya ang nagluwal sa akin?

"None of your business," tugon ko saka s'ya tinalikuran.

I sighed and walked up stairs upang magpahinga, ngunit sadyang hindi n'ya ako balak tantanan. Dinig ko ang tunog ng mataas n'yang takong na mahinhing humahakbang palapit sa akin. Mukhang wala dito si Dad, walang ibang tao maliban kay Reika at sa mga katulong na inaayos ang ano mang dapat ayosin sa kitchen.

"May problema ka ba?" she asked.

Napilitan akong ihinto ang pag-akyat saka s'ya nilingon, sa agwat namin ay nakita ko pa rin kung paanong nagtaasan ang mga kilay n'ya. Hawak n'ya ng wine glass habang sinisimsim ng paunti-unti ang laman no'n. Walang gana akong nag-iwas ng tingin, naghihintay kung ano ang susunod na sasabihin n'ya. I'm not in the damn mood to talk, I want to rest.

Nagbaba ako ng tingin sa wrist watch ko, it is already 8:49 in the evening, I planned to call Samara at exact 9 PM.

"Hinatid mo na naman ba ang babaeng 'yon?" she asked again.

That sounds so disrespecting.

"She has a name," nagsalubong ang mga kilay ko.

Iwinasiwas n'ya pa ang kamay na tila natatawa sa sinabi ko. Muli n'yang ininom ang laman ng wine glass saka muli itong nilagyan sa bar kung saan nakapatong ang iniinom na alak.

Alcoholic.

"Mm," tumango pa s'ya na tila doon lang nai-proseso sa utak ang sinabi ko, "Hinatid mo na naman ba si Samara?" inartehan n'ya pa ang pagkakabigkas.

Saglit ko s'yang tiningnan, mukhang lasing na s'ya.

"Yeah," tipid kong sagot, "What's the big deal?"

Ang manipis n'yang mga kilay naman ang nagsalubong, "Oh come on, Rehan. Sinabihan ka na namin kanina—"

"And then?" pinutol ko ang sinasabi n'ya, "Gusto n'yong tumigil ang mundo ko just because of that?"

"You don't understand," natatawa s'yang umiling, "I care for you—"

Natigil s'ya sa pagsasalita, marahil ay nakita n'ya akong matawa, ang tawa na kalmado, kalmado dahil alam kong wala sa mga ipinapakita at sinasabi n'ya ngayon ay totoo.

OH MY GHOST [ONGOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon