Chapter 55

6.1K 412 262
                                    

Lumipas ang ilang mga araw ay nagpatuloy kami sa pagaaral ni Renz, ngunit lahat na yata ng pagtatangka naming magsanay ay tinututulan ng lahat.

Parati kaseng hindi natutuloy ang paguusap o pagsasanay sa akin ni Renz, kung hindi susulpot si Brynn ay tatawag naman ito. Sa mahigit dalawang linggong nakalipas ay wala kaming pagsasanay na umabot ng isang oras o mahigit, lahat ay nagtatagal lang ng lima o sampong minuto.

Napakaraming oras na nasasayang, kung pwede lang ay ako mag-isa ang magaaral para do'n. Ngunit hindi ako ganoon kagaling sa pagse-self study, lalo pa't marami rin akong iniisip sa ngayon. Totoong kailangan ko ng tulong, ngunit paano ako magsasanay kung palaging ganoon ang nangyayari.

Wala ako masyadong natutunan, hays.

Ipinagpatuloy ko na lamang ang pagmamaneho hanggang sa marating ko ang bahay. Ipinarada ko ang sasakyan sa harapan saka ako agad na bumaba upang pumasok, nang makapasok ako sa loob ng bahay ay tahimik ang loob. Paniguradong wala si Mama at inaasikaso ang negosyong iniwan sa amin ni Papa, dumiretso na ako sa kusina upang tingnan kung ano ang nandoon. Nang makita kong may ulam ay ininit ko ito sa microwave upan makain kaagad.

"Oh Samara, maaga ka yata?" dinig kong boses ni Aling Dalia.

Nang lingonin ko s'ya ay bitbit n'ya ang basket na puno ng mga pabada. Ngumiti ako saka inubos muna ang nginunguya.

"Ah, maaga po kaseng nag-dismiss ang Prof namin," tugon ko.

"Ganoon ba? Aba'y mabuti at nang makapagpahinga ka ng mahaba-haba," aniya saka ibinaba ang dala at dumiretso sa akin, "Kayo nga namang mga estudyante sa panahon ngayon, hindi na marunong magpahinga."

Napangiti nalang ako saka s'ya hinintay na makaupo sa harapan ko. Matagal na sa amin si Aling Dalia, sa totoo lang ay dati s'yang katulong nila Mama noong dalaga pa ito. Tinuring na s'yang ikalawang Ina ni Mama kaya hanggang ngayon ay pinili ni Mama na ipagkatiwala ang lahat kay Aling Dalia. Mabait si Aling Dalia at maalaga, talagang anak ang turing n'ya sa lahat.

"Kung sabagay, para ka ring si Alessia noong kabataan n'ya," natawa s'ya, "Pudpod sa pagaaral, palibhasa'y matalino."

Napangiti ako, "Iyan nga rin po ang sabi n'ya sa akin, namana ko daw ang sipag n'ya sa pagaaral."

"S'ya nga," sang ayon ni Aling Dalia, "Kamukhang-kamukha mo rin noon."

Mas napangiti ako sa sinabi n'yang 'yon, "Marami nga pong nagsasabi, kamukhang-kamukha ko daw si Mama noong dalaga pa s'ya."

"Totoo, sa tindig at postura, pati sa estilo ng pananamit," natutuwang sambit ni Aling Dalia, "Nagkaiba lang kayo sa buhok, dahil namana mo sa Papa mo ang buhok mo."

Natutuwa akong ngumiti dahil talaga ngang kilalang-kilala n'ya na kami, alam n'ya kung ano ang mga namana ko kay Mama at kay Papa. Ipinagpapasalamat ko talagang palagi kong naaabutan rito si Aling Dalia sa tuwing uuwi ako, may nakakausap ako kahit papaano. Madalas kase ay wala si Mama rito at gabi na umuuwi dahil sa negosyo.

"Kamusta naman ang eskwela?" tanong n'ya kalaunan.

"Ayon po, maayos naman. Medyo masakit lang talaga sa ulo ang mga gawain," tugon ko, "Tambak po kase kami ng mga gawain dahil sa dalawang linggo naming pag-stay sa hospital."

"Mabuti na lamang at maayos na ang kalagayan ninyo, hindi biro ang nangyari sa inyo," ani Aling Dalia, "Talagang magaling ang mga Doctor sa hospital na iyon."

Napangiti ako, "Opo, naasikaso nila kami ng mabuti. Tinulongan rin kami ng Dean sa bills namin."

Nakita kong saglit na matigilan si Aling Dalia, kalaunan ay napangiti habang nasa akin ang tingin. Hindi ko makuha ang dahilan ng mga naging aksyon n'yang iyon, kung ano man ang dahilan ay interesado akong malaman. Nakita ko s'yang humugot ng malalim na hininga.

OH MY GHOST [ONGOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon