Chapter 82

8.4K 488 458
                                        

SAM'S

Hindi ko ito gusto, ngunit ito lang ang tanging paraan para mailigtas ko naman ang sarili ko.

Kailanman ay hindi ako naging bato, maski ang magtaray ay hindi ko magawa. Ngunit dahil binuksan ni Aling Dalia ang isip ko mula sa reyalidad, nalaman kong mali ang hayaan ko silang tapak-tapakan ako.

Naaapektuhan ako, oo, ngunit kailangan kong itago. Hindi nalang sakit at bigat ang nararamdaman ko, kundi pati galit. Iyon ang dahilan kung bakit kinakaya kong maging ganito, kung bakit sa kabila ng pagiging malambot ko ay nakukuha kong maging matigas sa harap ng ibang tao.

"Hoy Sam! Nakabihis ka na ba??" sigaw sa akin ni Zia mula sa labas ng kwarto ko.

Ilang araw ang lumipas, ito na ang okasyon na hindi ko naman ginusto ngunit nadamay ako. Kung hindi lang mapilit si Andy at Zia ay paniguradong natutulog ako sa araw na 'to. Talagang sinundo nila ako at dinalhan ng susuotin, lavender daw kase ang paboritong kulay ni Kalia kaya ito ang theme ng party.

Paulit-ulit kong pinitik ang masikip na dress na suot ko. Fit iyon at hanggang binti, maiksi. Hindi rin ako matigil sa paghila no'n pababa dahil pakiramdam ko ay nakikita na ang hindi dapat makita sa akin. At sa tuwing hihilain ko ito pababa ay halos lumuwa naman ang dibdib ko.

Liteal na no choice.

"Ang tagal punyeta," binuksa na ni Zia ang pinto.

Saka ko sila tiningnan, nagugulat silang napatingin sa akin. Alam kong hindi iyon dahil sa itsura ko— oo dahil nga siguro sa itsura ko. Bukod kase sa pag-ligo at pagbibihis ay wala na akong ibang inayos sa katawan ko. Nagsuklay lang ako at isinuot ang sandals na dala nila.

"Nilamok na kami't lahat hindi ka pa pala nakakapag-ayos?" tanong ni Andy.

Nangunot ang noo ko saka tumingin sa body mirror na nasa harapan ko. Tiningnan ko sila mula doon.

"Nakaayos na ako, ayan," inilahad ko pa ang kamay.

"Seryoso ka d'yan?" pamewang ni Zia.

"Bakit?" depensa ko, "Gabi naman, hindi mahahalata ang mukha ko."

"Anong tingin mo sa party, pang bampira? May ilaw do'n teh, mahahalata ka," ani Andy saka inupo ako sa upoan, "Small touch lang 'to."

Agad kong inatras ang mukha, tiningnan ko ang mga kinuha n'ya sa bag. Kumuha s'ya ng foundation at lipstick, napairap nalang ako. Hindi ako sanay magpunta sa mga party, kaya hindi rin ako sanay na malagyan ng kolorete sa mukha.

Ilang minuto pa ay natapos rin iyon, hindi na ako umangal dahil mukhang natural lang rin ang ginawa n'ya sa mukha ko. Saglit pa nila akong pina-ikot habang tinitingnan ang kabuoan ko.

"Ayan, mag habol ka look," ani Zia.

Hindi ako agad naka-imik, saglit pa akong natigilan sa sinabi n'ya. Wala sa intensyon kong mangyari ang bagay na iyon, ngunit iniisip ko kung ano nga ba ang magiging pakiramdam kumg sakaling may mag habol. Napangiwi ako sa naisip.

Wala nga s'yang pakealam sa'kin.

"Sino namang maghahabol?" naiwas ko ang tingin.

"Sino ba sa dalawa?" sabat ni Andy.

Hindi ako sumagot, nag iwas nalang ako muli ng tingin. Batid ko ang tinutukoy n'ya, ngunit hindi ko na gustong isipin ang tungkol doon.

Ilang saglit lang ay bumaba na kami, wala si Mama dahil sa kabilaang importanteng bagay na kailangang asikasohin. Si Aling Dalia ang sumalubong sa amin sa ibaba na paniguradong katatapos lang magligpit ng mga damit.

OH MY GHOST [ONGOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon