Chapter 40

8.8K 511 206
                                    

AUTHOR: Sorry for the typing erros and other na mali sa story, sobrang lutang ako dahil sa pagod kahapon pa. Medyo bumabawi-bawi lang ako ng pahinga ngayon, thankyou!

________________________

Ilang araw ang lumipas, ay hindi na ako muling nakabalik sa ICU. Ilang araw na paulit-ulit pa rin ang pagikot ng napakaraming bagay na ngayon ay nananatiling palaisipan sa akin. Hindi ko pa rin nagawang maintindihan ang mga bagay na nais kong intindihin.

Ilang araw ang lumipas nang hindi ako makapagpahinga ng maayos, hindi ko mabawi ang sarili ko sa labis na pagkalugmok. Hindi ko magawang ayosin ang sarili ng ganoon kabilis, tila ganoon nga yata ako kahina pagdating sa problema. Dahil hindi naman ako nasanay sa ganito kagulong mundo.

Pinagbawalan na ako ng mga Nurse na magpunta doon kahit anong pilit ko. Gusto kong makita si Vrel, gusto kong makita ang kalagayan n'ya. Ngunit ano mang gawin ko ay hindi na ako pinahihintulotang makalabas. At kung sakaling hindi ko pa rin s'ya makita ngayon, ay mukhang magiging mahirap na sa akin ang makita s'ya ulit.

Huling araw namin ngayon sa hospital.

"Students," pumasok ang isang Professor, "Get ready, parating na ang mga bus na susundo sa inyo," anunsyo nito.

Ang lahat ay natutuwa, lalo na si Zia na halos kagabi palang ay nakahanda na. Ngayon rin kase ang awarding para sa nangyaring event, kaya ganoon nalang ang tuwa nila dahil makakasali kami sa pagdiriwang na 'yon. Simpleng pantalon at kulay puting tshirt lang ang suot ko, si Zia naman ay naka off shoulder at denim skirt. Talagang maporma si Zia noon palang kaya hindi ko na ipinagtataka sa tuwing umaangat s'ya pagdating sa mga school programs.

Model slash Nurse ba naman ang Mommy.

Bumuntong hininga nalang ako saka inayos ang nakalugay kong buhok, kahit sa tagal kong halos hindi makapagsuklay ng maayos ay nananatili pa rin ang kintab at lambot ng buhok ko. Ito kase talaga ang madalas mapansin sa akin lalo pa't maganda ang pagkakabagsak ng buhok ko, namana ko ang ganda ng buhok ni Mama noong dalaga pa s'ya. Ngayon kase ay hindi na iyon mapapansin dahil parating nakatali ang buhok n'ya.

"I'm so excited!" kinikilig na hiyaw ni Zia, "Ano kayang itsura ng SIU ngayon pagkatapos ng higit isang liggo natin dito?" tanong n'ya habang sinusuklay ang buhok, "Paniguradong masho-shock sila kapag nakita ang nursing students, kase syempre nasanay sila na parating alikabok ang makikita sa pwesto ng mga nursing students tuwing sumasapit ang ganitong mga event," saad n'ya pa.

Hindi ko alam kung sino ang kausap n'ya, hindi ko na lamang s'ya pinansin saka sumandal sa headboard ng hinihigaan ko. Hindi ko lubos maisip na humigit sa isang linggo na pala kaming nandito sa hospital, para sa akin ay napakaikli lang ng mga araw na 'yon. Hindi ko maiwasang balikan ang umpisa, noong una kaming maisugod rito hanggang sa makilala ko si Vrel sa hallway. Bahagya akong napangiti.

"Sam?" tawag sa akin ni Zia.

Agad ko s'yang nilingon, kunot na ang noo n'ya.

"Ginagawa mo?" ngumiwi s'ya saka naupo, "Ngumingiti ka d'yan?"

Mas napangiti nalang ako saka nag iwas ng tingin, kahit na ganoon ang mga nalaman ko ay hindi ko pa rin maiwasang makaramdam ng tuwa. Labis ang tuwa na nararamdaman ng puso ko, dahil nakilala ko si Vrel. Hindi ko kailanman inasahan na makakakilala ako ng gaya n'ya, ganoon na yata siguro ako kaswerte.

May magandang rin palang naidulot sa akin ang food poison sa lugaw na 'yon.

"Ano kayang sasabihin ng nasa ibang course kapag nakita nila tayo?" tanong ng mga kaklase namin.

OH MY GHOST [ONGOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon