Chapter 108

1.3K 38 21
                                    

Sam's POV

Umaga na.

Alam kong nakatulog ako, ngunit nagkusa rin ang sistema kong gumising ng maaga. Ramdam ko ang kirot ng ulo ko habang ibinabangon ang katawan. Mas kumirot pa iyon nang hawiin ni Zia ang kurtina at tumama sa mata ko ang sikat ng araw. Iniwas ko nalang doon ang paningin saka nanghihinang isinandal ang sarili.

"Bad morning!" bati sa akin ni Zia.

Walang gana ko siyang tinapunan lang ng tingin.

"Hoy," lumapit s'ya sa akin, "Hindi mo pa ikinukuwento sa akin kung anong nangyari sa'yo kagabi."

Agad rin namang lumapit sa akin si Andy na mukhang kakatapos lang maligo. Iniwas ko sa kanila ang paningin saka tumayo para ayusin ang higaan ko. Mabigat ang katawan at ang ulo ko, paniguradong wala pang tatlong oras ang tulog ko. Halata rin ang pamamaga ng mga mata ko ngayon, sigurado ako.

Pakiramdam ko pa rin ay wala akong ganang mag-kuwento, pero hindi ako tatantanan ng dalawang 'to. Pagkatapos kong ayusin ang higaan ay muli akong naupo at sumandal sa kabilang side ng higaan. Ayon silang dalawa at agad na lumapit sa akin, talagang sabik malaman ang nangyari kagabi.

"W-Wala na kami ni Vrel," tugon ko.

"Huh???" sabay silang nagulat.

"Naging kayo pala?" si Andy.

"Gaga," hinampas naman siya ni Zia, "Bakit? Paano? Kailan?"

Naiyuko ko ang ulo, ito na naman ang mabigat na pakiramdam. Nakakasawa ang ganitong pakiramdam, nakakasawang dalhin ang ganito kabigat na pakiramdam. Nagpapasalamat lang akong tila naubos na ang luha ko kagabi, namamasa ang mga mata ko ngunit hindi sapat upang pumatak.

"H-Hindi daw siya sigurado sa'kin."

"The heck??" si Zia.

"Ano daw??" si Andy, "Jusko, si Vrel? Hindi sigurado sa'yo? Eh halos hindi nga 'yon makahinga nang hindi ka nakikita!"

Hindi ko pinansin ang sinabi niyang iyon. Ito na naman ang mga tanong sa isip ko, na hindi ko mahanapan ng kasagutan. Kahit si Andy ay nakikita kung paano ako tratuhin ni Vrel, kung paano ipakita sa akin ni Vrel na mahal niya ako, kaya hindi ko rin maintindihan kung paanong hindi siya sigurado, kung sa anong dahilan siya naging hindi sigurado.

"Anong palabas na naman ba 'yan ni Vrel?" may inis sa tanong na iyon ni Zia, "Ikalawang beses na 'to, Sam. Hindi na ako natutuwa."

Hindi ko na rin alam kung ano ang dapat kong isipin, masyado nang pagod ang isip ko para sa lahat ng ito. Ang gusto ko ngayon ay ang umiwas kay Vrel, masasaktan lang ako lalo tuwing makikita ko siya.

"Hindi daw niya alam kung talagang minahal niya ako."

Sa sinabi kong iyon ay hindi sila sumagot, batid kong sobra na ang narinig nila para magawa pa nilang mag-react. Kahit ako, ay hindi makapaniwala sa sinabing iyon ni Vrel. Parang paulit-ulit na gumuguho ang mundo ko tuwing maiisip ko ang sinabi niyang iyon.

"Teh, what if tigilan mo nalang muna talaga si Vrel?" tanong ni Andy kalaunan, "Hindi namin gustong nagkakagan'yan ka."

Hindi ko mai-proseso ang suhestyon na iyon ni Andy, masyadong occupied ang utak ko para isipin ang sinabi niyang iyon.

"Gusto ko nalang umuwi," sambit ko.

Hindi man ako nakatingin sa kanila ay napansin ko silang nagkatinginan, saka muling ibinalik ang tingin sa akin. Saglit kaming binalot ng katahimikan saka ko sila tiningnan. Nakatingin lang sila ng diretso sa akin, patuloy pa rin sa pamamasa ang mga mata ko ngunit hindi pumapatak. Masyadong mahirap para sa akin na damhin ang lahat ng nangyayari.

OH MY GHOST [ONGOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon