ZIA'S POV
Panibagong araw na naman namin dito sa resort, wala kaming ginawa mula umaga hanggang ngayong tanghali kundi ang magpahinga. Ang totoo ay hindi ako masyadong nag e-enjoy, ganoon nga talaga siguro ako ka-konektado kay Samara. Basta malungkot siya ay damay ako, dahil ayaw kong ganoon ang pakiramdam niya. Kung may puwede lang akong gawin ay ginawa ko na, kaso ay wala naman akong puwedeng gawin para maging maayos siya. Hindi rin naman puwede na upakan ko si Vrel para gumaan ang pakiramdam ni Sam, dahil baka maging rason pa ako para sunduin ng liwanag ang lalaking 'yon.
"Hoy," dinig kong boses ni Andy.
Nasa likod ko siya, sinusundan yata ako habang naglalakad akong mag-isa sa dalampasigan. Ngayon lang naging ganito kalalim ang iniisip ko, sobra na talaga kase akong nag-aalala kay Samara. Masyado nang sumusobra si Vrel sa mga ginagawa niya, pangalawang beses na niya itong ipinaramdam kay Samara. At gusto kong siguraduhin na ito na ang huling beses.
"Hoy!" sigaw ni Andy sa akin.
"Ano ba!" reklamo ko, "Kailangang sumigaw?"
"Anong lakad-lakad effect 'to? Feeling mo ba tinatawag ka ng mga sirena?" aniya, "Or sinapian ka ba ni Samara?"
"Epal ka," inirapan ko siya, "Nag-aalala kase ako kay Sam, isipin mo yung bigat na dinadala niya ngayon dahil na naman sa punyetang Vrel na 'yan."
Inis kong sinipa ang buhangin na nilalakaran ko. Dapat ay hindi ako nangengealam sa love life ng bestfriend ko, pero hindi na tama na pabayaan ko siyang ganito. Alam ko rin na ganoon ang iniisip ni Andy dahil nag-iba rin ang ekspresyon niya dahil sa sinabi ko.
"Ano na naman kaya ang reason ni Vrel?" kalaunan ay tanong ni Andy.
"Importante pa ba 'yon? Sinaktan na naman niya si Sam, wala nang kuwenta ang kung ano mang rason niya kung bakit niya ginagawa 'to," gigil kong tugon.
"Paano kung may malalim ulit siyang rason? Gaya ng dati?"
"Wala akong pakealam sa rason niya!"
"Paano kung ayaw niya lang talagang madamay si Samara sa problema niya?"
"Gago ba siya? Kung ano mang rason niya ay sana inamin nalang niya, tutulungan naman siya ni Sam. Bakit kailangan niya pang saktan na naman ang kaibigan natin?" mas naiinis kong sagot, "Teka nga, kanino ka ba kumakampi?"
"Wala akong kinakampihan 'no, ayaw ko lang maging one-sided," aniya saka nag-iwas ng tingin at bumuntong hininga, "Pero tama ka, sobra na talaga ang ginagawa ni Vrel."
"Talaga!" sambit ko, "Huwag na siya ulit lalapit kay Samara."
"Sinabi mo na 'yan dati, teh," ani Andy sa akin.
Inis nalang akong nag-iwas ng tingin. Sigurado akong ngayon ay mapapanindigan ko na ang sinasabi ko. Tama na ang sakit sa puso na dala ng lalaking 'yon, epal na kung epal, gagawin ko 'to para kay Samara.
Sino ba namang kaibigan ang gugustuhing makita sa ganitong sitwasyon ang kaibigan niya? Kaya kong makipag-away para lang maipagtanggol si Sam, dahil alam kong ayon rin ang handang gawin ni Sam para sa akin. Hindi ko sinaktan nang ganiyan si Samara sa buong pinagsamahan namin, kaya hindi ako papayag na saktan lang siya ng basta-basta.
"Oo nga pala, pinapatawag ka ni Sir Carl," maya-maya pa'y sambit ni Andy, "Bago mag 5 pm ay pumunta ka sa pool area, may iuutos yata sa'yo para sa game mamaya."
"Bakit ako?" nagtataka kong tanong.
"Si Samara sana ang kailangan niya, pero nalaman niyang nagpapagaling si Sam kaya ikaw nalang ang sinuggest ko," paliwanag niya.
BINABASA MO ANG
OH MY GHOST [ONGOING]
JugendliteraturSi Samara ay isang masiyahin at positibong tao, lahat halos ng nakakasalamuha n'ya ay napapagaan niya ang loob. Hindi natatakot sa multo, bata pa man ay hindi na s'ya naniniwala sa iba't-ibang kuwento patungkol sa mga kaluluwa. At sa hindi inaasahan...