Chapter 58

6.5K 389 255
                                    

Turtle update activate.
_______________________________

"Sorry for her, nakakapagtaka na madalas n'ya akong kailanganin lately," bakas rin ang pagtataka sa boses ni Renz habang ipinapasok sa bulsa ang phone.

Napabuntong hininga na lamang ako saka nilingon sila Andy na ngayon ay napapangiwi na habang nakay Renz ang tingin. Tila may nabubuong konklusyon na naman sa isip ng dalawa, tila pareho sila ng pandama.

"Ayos lang naman, normal lang rin 'yan dahil girlfriend mo s'ya—"

"Abnormal tawag do'n," pagputol ni Zia sa sinasabi ko saka n'ya nilingon si Renz, "Sorry for the word Renz, pero parang nananadya na si Brynn."

Saglit pang natigilan si Renz saka nagbitaw ng malalim na hininga, "I know, she's acting weird."

"Buti napansin mo," sabat rin ni Andy, "Matuto ka munang tumanggi, obligasyon mo rin si Sam ngayon. Pwede naman kayong maglampungan pagkatapos ng study na 'to, mas marami kayong oras na dalawa. Kay Sam ay iilang oras lang ang kailangan mong ibubos, alam mo kung gaano ka-importante ito para sa University."

"Korek," sang ayon ni Zia, "Kahit mag chukchakan kayo all you want pagkatapos nito gorables lang, tulongan mo muna si Sam ngayon."

Tiningnan ko si Renz upang tingnan ang reaksyon n'ya. Ngunit tila hindi man lang s'ya naiinis sa mga sinasabi ni Zia at Andy habang ako ay gusto nang magpalamon sa hiya. Simple lang na ngumiti si Renz saka tumango sa amin. Kung ibang boyfriend ang kaharap namin ngayon ay baka pinagmumura na kami dahil iniinsulto namin ang girlfriend n'ya.

"You're right," ngumiti si Renz saka ako tiningnan, "Let's start again?"

Napakurap ako sa tanong n'yang 'yon sa akin, naiintindihan ko ang ibig sabihin n'yang mag-umpisa ulit kami sa lesson na dapat naming pag-aralan ngunit hindi ko pa rin maiwasan ang magulat. Napalunok na lamang ako saka ko nilingon si Zia nang mameke ito ng ubo.

"Simula daw ulit kayo sa lesson," itinuro pa ni Zia ang libro sa akin, "Lesson," pagdiriin n'ya.

"Alam ko," mariin ko ring bulong sa kan'ya.

"Alam mo pala eh, patulala-tulala ka pang nalalaman d'yan," ngiwi n'ya saka kumuha ng chichirya sa bag.

Muli na lamang akong tumingin kay Renz saka ko tiningnan ang libro na hawak n'ya. Nagsimula s'yang magsalita, seryoso naman akong nakinig at inintindi ang bawat sinasabi n'ya. Guminhawa ang pakiramdam ko dahil sigurado akong makakapagaral kami ng matagal ngayon dahil kay Andy at Zia. Kaya hangga't maaari ay dapat kong sulitin ang oras na ito upang matuto, dahil hindi ako sigurado kung kailan ulit ito mauulit.

Napakaraming ipinaliwanag sa akin ni Renz, at nakatutuwang naiintindihan ko naman lahat ng iyon kahit papaano. Napakaraming terms na dapat kong tandaan, ngunit nagawa ko naman itong intindihin at malaman. Habang tumatagal ay nagugustohan ko na ang pagaaral ng ganito kahihirap na subjects. Totoo kase talagang mahirap aralin ang mga ito, pero sobrang gaan sa pakiramam kapag natutuan mo, pakiramdam mo ay madali nalang sa'yong aralin ang napakaraming bagay. Totoo nga ang sinabi ni Vrel, masayang aralin ang Math kapag pursigido ka at willing kang matuto.

"You understand?" tanong sa akin ni Renz pagkatapos ng napakahaba n'yang paliwanag tungkol sa derevative.

Nakangiti akong tumango, "Medyo."

Nginitian n'ya rin ako, "Just always remember that calculus relies heavily on derivatives, you should understand this lesson," aniya, "Mabilis ka namang matuto, habang wala ako ay pwede kang magpunta sa library to look for books related to calculus."

OH MY GHOST [ONGOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon