Chapter 95

6.9K 461 448
                                    

SAM'S POV.

Naalala n'ya kaya 'yung mga sinabi n'ya kagabi?

Hindi ko maiwasang maitanong iyon sa isip, idinaan ko na lamang sa buntong hininga iyon saka tiningnan ang notebook at libro sa harapan ko. Halos hindi ko na maintindihan ang mga nakalagay do'n, kahit ang mga sinasabi ni Renz ay hindi ko makuha. Halos mapa-pikit ako sa inis dahil dulot ito ng presensya ni Vrel. Hindi ko maiwasang makaramdam ng pagkailang.

"Samara?"

Gulat akong napatingin kay Renz nang tawagin n'ya ang pangalan ko. Sa itsura n'ya ay mukhang hindi lang n'ya isang beses akong tinawag, tuloy ay balisa ko s'yang hinarap.

"Are you listening?" tanong n'ya.

Napakurap ako saka napalunok, agad naman akong tumango. Nakikinig ako sa kan'ya ngunit maski isa ay wala akong maintindihan. Palihim kong sinulyapan si Vrel, ang paningin n'ya ay nasa akin na rin. Paniguradong hindi naging lihim ang pag-sulyap kong iyon sa kan'ya dahil nang lingonin ko si Renz ay nakatingin pa rin s'ya sa akin.

"I told you, Vrel," nilingon n'ya si Vrel, "You're distracting her."

Napakurap ako sa sinabi n'yang iyon saka ko nilingon si Vrel sa gilid. Mukhang hindi naman s'ya natinag sa sinabing iyon ni Renz, kaswal pa rin ang paningin n'ya habang diretsong nakatingin sa kaibigan.

"I'm not," tanggi ni Vrel.

"You are," sambit rin ni Renz.

Saglit n'ya pang tiningnan si Renz saka ako nilingon, nagitla pa ako sa pagkakatingin n'ya sa akin, "Am I distracting you?"

Saglit akong natulala.

Oo.

"H-Hindi," pagsisinungaling ko.

"See?" nilingon n'ya si Renz ng may pagmamalaki sa mga mata, "I'm not distracting her, you just want me to leave."

Hindi nakasagot si Renz sa sinabing iyon ni Vrel, kalaunan ay napasuko nalang rin. Nagpalipat-lipat sa kanilang dalawa ang paningin ko, sana lang ay hindi sila magka-initan ng ulo dahil hindi ko alam kung paano sila aawatin kung sakali.

"Wala kayong klase?" dinig kong tanong ni Vrel.

Ang mga tingin n'ya ay nasa akin, naiilang naman akong tumango.

"Oo," sagot ko, "Vacant time namin ngayon."

Magka-krus pa rin ang mga braso n'ya saka tumango sa sagot ko, "I see."

Tipid akong ngumiti upang maging tugon sa sinabi n'ya, hindi ko rin naman alam kung ano ang dapat isagot doon bukod sa ngiti.

"Have you eaten yet—"

"Dude," pagputol ni Renz sa sinasabing iyon ni Vrel, "We're studying, stop asking her questions."

"You're done with Integration and Multivariable?" nagbaba pa ng tingin si Vrel sa libro.

"Yes, but we still need to—"

"Then you're done," pagputol ni Vrel sa sinasabi ni Renz.

Bahagya lang na nakabuka ang bibig ko, handang sumabat ano mang oras. Palipat-lipat pa rin ang tingin ko sa kanila pareho.

"Hindi pa namin tapos ang lahat ng dapat pag-aralan," nagtitimping saad ni Renz, "Ang tigas ng ulo mo."

"What you only need to study is integration and everything under calculus three," saad ni Vrel, "Hindi nila isasali ang ibang lessons from calculus one to four, no one will win if that's the case."

OH MY GHOST [ONGOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon