Chapter 12

8.3K 553 355
                                    

Kinabukasan ay maaga akong nagising, maingay kase ang room namin dahil maaga ring nagsi-gising ang mga kaklase ko. May kirot sa ulo akong umupo sa higaan ko, bahagya kong hinilot ang sentido ko. Hindi na ako magtataka sa sakit ng ulo na nararamdaman ko, hindi biro ang ginawa ko kahapon.

Idinaan ko na lamang sa buntong hininga nang mawala na ang kirot na nararamdaman ko saka ko nilingon ang paligid. Nang lingonin ko ang higaan ni Zia ay wala s'ya doon. Ipinagtataka ko iyon dahil ngayon lang s'ya nawala sa paningin ko. Nilingon ko ang buong room, hindi ko s'ya makita.

Inagaw ko ang atensyon ng kaklase kong naka-pwesto sa hospital bed sa kabilang tabi ni Zia. Nang tingnan ako nito ay agad akong ngumiti.

"Nakita mo ba si Zia?" tanong ko.

"Hindi, eh. Baka lumabas." tugon n'ya.

"Ah, sige salamat." nakangiti kong sagot saka tumayo.

Mabuti nalang talaga at nahihila ko lang ang dextrose, kaya hindi na rin mahirap para sa akin ang bitbitin ito tuwing maglalakad. Nilingon ko ang buong paligid nang makalabas ako, hindi ko makita si Zia kaya naglakad ako dahil baka sakaling nasa kabilang hallway s'ya.

Nasaan naman kaya 'yon.

Paulit-ulit ang paglingon ko sa paligid, hindi ko talaga makita si Zia. Hindi ko naman ipinaga-alala ang biglaang pagkawala n'ya sa paningin ko, ngunit hindi lang ako mapakali dahil baka kung anong kalokohan na naman ang ginagawa n'ya sa buhay. Mahaba na ang nalakad ko, ngunit hanggang ngayon ay hindi ko parin makita ang gaga na 'yon.

Maya-maya lamang ay natanaw ko ang hagdan ng ospital patungong sa garden na matatagpuan sa roof top. Sa garden na 'yon kadalasang nagpupunta ang mga pasyente na gustong magpahangin, o kaya naman ay mga pamilya nila na sawa nang lumanghap ng aircon at gustong makalanghap ng sariwang hangin. May katabing elevator iyon kaya agad akong nagpunta doon at sumakay. Nang makarating sa tuktok ay wala akong ibang nakikita kundi ang magaganda at malagong mga bulaklak.

Walang tao sa garden, siguro ay dahil masyado pang maaga para gumising ang ibang pasyente. Ngayon nalang ulit ako nakalabas matapos ang ilang araw, napaka sariwa ng hangin sa lugar na 'to. Naisipan kong umupo sa sementadong upoan, katapat ko ay ang iba't-ibang klase ng mga bulaklak at ang napakagandang tanawin ng lungsod. Pakiramdam ko ay sobrang gaan ng pakiramdam ko, ang tanawin at ang sariwang hangin ay nagdudulot ng kaginhawaan sa akin.

Wala namang tao, kaya malaya akong pumikit at ngumiti upang damhin ang hangin na dumadampi sa katawan ko. Matagal na noong huli kong naramdaman ang ganito kagandang pakiramdam, kaya hindi ko maiwasang matuwa ngayon. Kalaunan ay marahan akong nagdilat ng mata, ngunit halos mapatalon ako sa gulat nang makita kong nasa harapan ko na si Vrel habang nagtatakang nakatingin sa akin.

"A-Anong ginagawa mo d'yan?" napapahiya kong tanong.

Kanina pa ba s'ya d'yan? Nakita n'ya kaya akong nakangiti habang nakapikit?

Labis ang kahihiyan na nararamdaman ko, parang gusto ko nalang tumalon sa roof top na 'to. Palagi ko nalang hindi nararamdaman sa tuwing nasa paligid s'ya, para s'yang hangin kung kumilos. Hindi ko alam kung may lahi ba s'yang ninja o sadyang tahimik lang s'yang kumilos.

"Nagpapahangin." tugon n'ya.

Naupo s'ya sa parehong sementong upoan na kinau-upoan ko bagaman may agwat ang pagitan naming dalawa. Pinagmamasdan ko s'yang tumingala habang ang mga kamay ay naka tukod sa likuran n'ya. Ang buhok n'ya ay hinahawi ng hangin, mas lalong bumakat ang adams apple n'ya. Hindi ko alam kung gaano karaming dasal ang ginawa ng mga magulang ng lalaking 'to at nabuo s'ya ng ganito kagwapo.

"How's the exam?" kalaunan ay tanong n'ya.

Nagiwas ako ng tingin saka bahagyang ngumiti, "Ayos naman." tumango ako bagaman hindi n'ya nakikita.

OH MY GHOST [ONGOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon