Chapter 27

7.5K 493 439
                                    

Huminga ako ng malalim, hindi ko pa rin maipaliwanag ang bigat na nararamdaman. Nananatili kaming magkaharap ni Vrel, walang kibo sa isa't-isa. Alam kong hindi ito madali para sa kan'ya, ramdam ko 'yon. Hindi ko s'ya masisisi kung nawawalan s'ya ng pag asa, ngunit walang mali kung susubokan n'yang magtiwala ulit.

Kung pagkakatiwalaan n'ya lang ako.

"Kakausapin ko ang Daddy mo." desidido kong sambit, "S'ya nalang ang pwede kong makausap."

Nanatili ang mga tingin n'ya sa akin, saka n'ya iyon iniwas. Sa puntong ito ay talagang desidido ako, walang ibang gagawa nito kundi ako. At hindi ako magdadalawang-isip na gawin ang lahat ng kaya kong gawin para sa buhay ni Vrel. Malalim akong huminga nang tingnan n'ya akong muli.

"Hindi marunong makinig si Dad." maya-maya ay sambit ni Vrel, "But..." saglit pa s'yang natahimik, "Please try to convince him." saka n'ya iniwas sa akin ang tingin.

Sa sinabi n'yang 'yon ay nakaramdam ako ng pag asa kay Vrel, alam kong gusto n'yang mabuhay. Alam kong gagawin n'ya rin ang lahat para doon, at ganoon rin ako. Bahagya akong napangiti, pakiramdam ko napagaan ng kaunti no'n ang loob ko. Agad akong tumango nang tingnan n'ya ako.

Gan'yan nga, Vrel.

"Gagawin ko ang lahat." tugon ko.

Hindi s'ya agad sumagot, sandali pa s'yang napatitig sa akin. Kalaunan ay nagbaba ng tingin, ipinagtaka ko ang kilos n'yang 'yon.

"I'm sorry." sambit n'ya saka nag-angat muli ng tingin sa akin.

Maging ako ay sandaling natigilan saka s'ya mainam na tiningnan, "Para saan?"

Napako ang tingin n'ya sa akin, hindi s'ya agad nakapagsalita. Maging ako ay walang kibo, hinihintay ang susunod n'yang sasabihin.

"Pati ang problema ko ay iniisip mo." aniya.

Napakurap ako sa sinabi n'yang iyon saka ngumiti, hindi ko alam na iyan ang nasa isip n'ya kanina pa.

"Hindi ka naman naging abala sa'kin." nakangiti kong sagot, "Willingness 'to, moral action, alam mo 'yon? Pinagaaralan 'yon sa Ethics." kwento ko.

Tila tumigil ang ikot ng mundo nang makita ko s'yang tumawa. Hindi ko maipaliwanag, may kakaibang bagay ang umusbong sa pakiramdam ko. Napakurap ako upang ibalik ang sarili sa reyalidad ngunit nananatiling nakatatak sa akin ang pagtawa na iyon ni Vrel. Sobra man ang deskripsyon ko sa nararamdaman, ay para ako nitong dinadala sa tuktok ng bahaghari. Ang mga ngiti n'ya ay nagbibigay sa akin ng pahinga na hindi ko naramdaman sa kahit kanino, ang kakaibang pahinga na tila inihihiga ako sa ulap.

Ano ba 'tong nararamdaman ko?

Nailapat ko ang kamay sa dibdib, malakas ang tibok ng puso ko. Kung hindi lang imposible ay iisipin kong naririnig rin ito ni Vrel ngayon. Malalim akong huminga saka inayos ang sarili, nang lingonin ko s Vrel ay seryoso na ang tingin nito sa akin.

"Are you okay?" nagtataka n'yang tanong.

"H-Ha? ah, o-oo, oo, pwede." aligaga kong tugon.

Nagtataka n'ya akong tiningnan, pagkatapos ay bahagyang natawa. Hindi ko pa man nakikita ng matagal ang pagtawa n'yang 'yon ay agad na akong pumikit. Hindi ko na kayang titigan iyon ng matagal dahil baka bigla nalang akong mapaluhod sa panghihina. Grabe ang idinudulot nito sa akin ngayon, nakakabaliw.

OH MY GHOST [ONGOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon