Chapter 72

5.7K 384 437
                                    

ANDY'S POV.

Mabuhay mga teh!

Kagaya nga ng inaasahan, patuloy na ang kabilaang bulongan tungkol kay reyna Samara. Napakaraming nauto sa pakana na iyon ng bruhang Brynn at ng kan'yang wonderpets. Sa nagdaang mga araw, ay hinihintay na namin si Samara mula sa parking lot saka kami sabay-sabay na papasok ng building para masigurong hindi s'ya kakawawain ng mga die hard fans ng VrYnn.

Yuck.

By the way, nagmukha kaming body guards.

Walang sweldo mga teh, serbisyong totoo lamang.

Halos ilang araw ay hindi pa rin madalas na makausap si Samara, madalang nalang s'yang magsalita. Palagi lang kaming naka-guide sa kan'ya anywhere anytime. Mabuti nalang at wala maski isa sa mga kaklase namin ang napaniwala ng mga kumakalat na fake news mula sa kampon nila Brynn.

Nagaalala rin kami dahil sa ilang araw na nagdaan ay dumadaing pa rin si Sam na kumikirot daw ang tagiliran n'ya, hindi pa rin gumagaling ang sugat n'ya sa tagiliran. Hindi kase iyon ganoon kalalim sabi ng Doctor, pero hindi rin naman iyon ganoon kababaw. Kaya kahit na hindi iyon bumaon sa bituka ay delikado pa rin kapag naimpeksyon.

Pero ang reyna Samara, matigas ang julo. Wala yatang balak makinig sa mga payo namin.

Pero hindi rin namin s'ya masisisi, itago n'ya man ay batid namin kung gaano kabigat ang dinadala n'ya. Mula sa naikuwento ni Zia sa akin na problema ni Samara sa pamilya, hanggang sa tragic love story nila ni haring Vrel.

"Sam," tawag ni Zia kay Sam.

Nasa loob pa kami ng classroom at unti-unti nang naglalabasan ang mga kaklase namin para kumain. Napalingon ako sa likuran ni Zia nang lumapit mula doon ang mga boys ng section namin.

"Hi Sam, gusto mo bang sabayan namin kayong maglakad papunta sa dining hall?" tanong ng isa sa kanila.

"Nako, baka makaabala pa," sagot ni Zia sa kanila, "Libre n'yo nalang kami."

"Hindi na," ngumiti si Sam sa kanila saka pinilit tumayo, "Kaya na namin, nakakagutom ang exam kanina kaya alam kong gutom na kayo," saad ni Sam na bahagyang natatawa.

"Ayos lang naman, Sam," sagot ng isa, "Napapansin kase namin na lumalala ang mga ginagawa sa'yo ng ibang estudyante."

"Oo nga, Sam."

"Nakita namin na binato kayo ng bottled water kahapon."

Totoo!

Nagulat kami kahapon dahil kaswal lang kaming naglalakad sa quadrangle nang biglang may tumamang bottled water sa batok ni Samara. Nilingon namin ang pinanggalingan no'n pero waley kaming na-see, puro mga estudyante lang na kaswal ring naglalakad sa quadrangle.

As usual, hindi na naman pinansin ni Samara. Masyado n'yang pinaninindigan ang pagigimg mabait at hindi mapagpatol sa mga tao. Ayaw n'ya ng kaaway, hangga't maaari ay ayaw n'ya ng gulo. Naniniwala s'yang hindi lahat ng hamon ay pinapatolan, ang iba ay hindi na dapat pinapansin dahil sayang lang sa panahon. Sa sobrang paghawak n'ya sa prinsipyong 'yon, ay paulit-ulit na s'yang tinatapakan ng maraming tao.

Nakakaramdam naman s'ya minsan dahil sa sinasabi ng mga tao sa kan'ya, pero madalas ay iniiyak n'ya nalang ang sama ng loob. Naaawa na nga ako kay Samara, parati nalang umiiyak. Parang hindi na ulit s'ya nakaramdam ng totoong saya sa mahabang panahon. Kahit sa kalokohan at mga biro namin ni Zia ay hindi na s'ya gaanong tumatawa.

OH MY GHOST [ONGOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon