Chapter 83

6.8K 456 406
                                    

SAM'S POV.

Malalim ang buntong hiningang nabitawan ko nang makaupo sa lamesa na inihanda para sa amin. Hindi na rin nagawang mapigilan si Renz na tumabi sa amin. Apat kaming magkakasama sa isang lamesa. Unti-unti nang dumarami ang mga tao, halos lahat sila ay mamahalin. Nilingon ko sila Zia at Andy na ngayon ay abala sa pagbubulongan.

"Anong oras magsisimula?" inabala ko sila.

Agad naman silang natigil saka rin nilingon ang paligid.

"Magsisimula na siguro," tugon ni Andy na nas paligid ang tingin, "Marami nang tao eh."

"Tayo lang yata ang naligaw dito," nahihiya pang sambit ni Zia, "Mukhang close silang lahat."

"They're nice," sabat ni Renz.

Napalingon kami sa kan'ya. Nakangiti na s'ya sa amin saka tiningnan ang mga bisita bago muling inilipat sa amin ang tingin. Nilingon ko rin ang mga bisita, mas marami ang babae kesa lalaki, iilan lang ang matatanda. Napakagaganda nila at talagang expensive ang datingan. Nanlumo tuloy ako sa suot kong simpleng dress.

"Talaga?" tanong ni Zia, "Bakit kung makatingin sila mukha silang mananakmal."

Natawa si Renz kaya bahagya na rin akong natawa. Totoo, talagang kakaiba sila tumingin, ngunit hindi lang naman sa amin ganoon ang mga tingin nila. Sa halos lahat, kahit sa katabi nila ay iba sila kung tumingin. Naiwas ko na lamang sa kanila ang paningin saka ko nilingon sila Renz.

"They are all Kalia's friends," ani Renz.

"Ang dami pala n'yang kaibigan," sambit rin ni Andy, "Halatang mamahalin rin lahat."

"Amoy chanel," bulong ni Zia.

Natawa kami sa kanila, saka ko muling nilingon ang paligid. Hindi ko pa rin alam kung anong oras ba talaga nila balak magsimula. Isinandal ko na lamang ang sarili saka ko pinagmasdan ang mga tao na maya't-mayang naglalakad sa paligid namin. Maging ako ay tinatanong ang sarili kung bakit ako narito, kung bakit ba ako pumayag na sumama dito.

Maya-maya lang ay lumabas si Kalia mula sa isang pinto, ngiting-ngiti ito habang palapit sa amin. Nang makita n'ya si Renz ay nag-beso sila bago kami nilingon. At gaya kanina, nasa akin na naman ang paningin ni Kalia. Parang walang bukas s'ya kung makangiti saka inabot ang kamay sa akin.

"I'm Kalia," pakilala n'ya.

Nagugulat pa rin ako habang ang paningin ay nasa kamay n'ya. Ilang saglit pang napako doon ang paningin ko saka ako nag angat ng tingin sa kan'ya. Ipinagtataka ko ang ganitong salubong n'ya sa akin, para bang tuwang-tuwa pa s'ya. Hindi ko na lamang pinatagal ang pagiisip, agad kong inabot ang kamay n'ya saka ako ngumiti.

"S-Samara," sambit ko.

Mas lalo n'ya akong nginitian, "I know," aniya, "Ikaw pala ang bestfriend nila, buti at nakarating ka."

Nagkaroon na ako ng pagdududa sa ganito kabait na pakikitungo sa akin dahil kay Brynn. Ngunit isipan ko man ng masama ang mga galaw n'ya, ay hindi iyon ang ipinapakita nito. Totoo ang mga ngiti na nakikita ko sa kan'ya, totoong galak na galak. Hindi ko tuloy maiwasan ang mailang, lalo pa't ipinagbubuntis n'ya ang anak ni Vrel na s'yang mas nagpaguho ng mundo ko.

"Oo s'ya 'yon," natutuwa namang sabat ni Zia, "Ayaw pa nga sana n'yang pumunta eh, buti napilit namin."

Agad akong nilingon ni Kalia. Hindi nama ako nakasagot, marahan kong iniwas sa kan'ya ang paningin.

"Why? Are you busy?" kaswal lang na tanong ni Kalia.

"A-Ah—"

"Nako! Hindi busy 'yan, may iniiwasan lang," ani Andy na pinutol ang akmang pagsagot ko.

OH MY GHOST [ONGOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon