ZIA'S POV.
Tinatamad akong napatingin sa orasan, ilang minuto nalang at matatapos na ang klase. Nilingon ko si Andy, natutulog ang bakla. Hindi s'ya napapansin ng Prof kanina pa dahil nakalapat ang palad n'ya sa noo n'ya habang nakalapag ang isang kamay n'yang may hawak na ballpen sa notebook.
Kanina ko pa hinihiling na sana ay matapos na ang tatlong minutong natitira, at marinig na ang bell na palaging gumigising sa diwa ko. Kapag ganito kaseng hindi ako kumportable sa mga nangyayari ay nawawalan ako ng ganang mag aral, binabalot ako ng kaba. Ilang saglit pa ay tumunog na sa wakas ang bell, si Andy ay nagising sa gulat habang napahawak pa sa dibdib.
"Baba tayo," anyaya ko.
Naniningkit pa ang mga mata n'ya, "Uwian na?"
"Gaga, hindi pa," sambit ko.
Agad nalang rin kaming bumaba. Hindi ko alam kung meron pa ba kaming susunod na subject, ang alam ko lang ay gutom ako. Mabigat pa ang katawan ni Andy habang humahakbang, halatang inaantok pa rin. Habang pababa kami ng hagdan ay nanlaki ang mga mata ko nang makasalubong namin si Vrel na ngayon ay paakyat ng hagdan.
Hindi man n'ya gustong ipahalata ay alam kong nagulat s'ya ng makita kami.
Ang pagiging mataas ng pride ko at ang nangyari kay Sam ang nag-udyok sa akin upang irapan s'ya. Saka ko hinawakan si Andy at hinila ito pababa. Gusto ko man s'yang sigawan at isisi sa kan'ya ang nangyari kay Sam ay wala ako sa posisyon para gawin 'yon.
"Hey," dinig kong sambit n'ya.
Napapikit ako sa inis, "Pwede ba, layoan mo kami—"
Ngunit nang lingonin ko s'ya ay hawak n'ya ang phone sa tenga na tila may kausap mula doon.
"Okay, I'm on my way," aniya saka iyon ibinaba.
Pakiramdam ko ay gusto ko nalang magpalamon sa lupa. Kalaunan ay nilingon n'ya ako, nagtataka pa ang tingin sa akin ni Vrel. Bahagyang nangunot ang noo n'ya, mukhang ipinagtataka ang tingin ko sa kan'ya.
"Is there any problem?" inosente n'yang tanong.
Hindi naman iyon tunog masungit, kaswal lang ang pagkakatanong n'ya. Ang hindi ko alam ay kung bakit nakaramdam ako ng inis dahil do'n. Muli kong hinawakan si Andy saka tiningnan ng mariin si Vrel.
"Wala!" sagot ko saka ako nagsimulang maglakad pababa.
Wala talaga s'yang pakealam!
Hila ko pa rin si Andy hanggang sa makababa kami. Parang hindi man lang nakokonsensya ang lalaking 'yon dahil sa ginawa n'ya. Kung hindi lang talaga s'ya gwapo at anak ng Dean ay kanina ko pa s'ya ginulpi.
"Death march ba 'to?" tanong ni Andy.
Tanong ni Andy na tiningnan pa ang mabibigat na hakbang ko. Binitawan ko s'ya nang makalayo na kami doon.
"Hindi ba s'ya nakokonsensya?" inis kong tanong.
"Saan naman s'ya makokonsensya?" tanong ni Andy sa akin, "Sa pagtanggi n'ya?"
"Oo, syempre!" tugon ko.
"At sa tingin mo ba ay titigil ang losyang na 'yon at si Brynn kahit aminin ni Vrel na iniligtas n'ya talaga si Sam?" tanong n'ya ulit.
BINABASA MO ANG
OH MY GHOST [ONGOING]
Teen FictionSi Samara ay isang masiyahin at positibong tao, lahat halos ng nakakasalamuha n'ya ay napapagaan niya ang loob. Hindi natatakot sa multo, bata pa man ay hindi na s'ya naniniwala sa iba't-ibang kuwento patungkol sa mga kaluluwa. At sa hindi inaasahan...