Part 1

73.5K 1.7K 403
                                    

JOSHUA'S POV

The Beginning

"Oh pare, saan ka pupunta?" tanong ni Mario sa akin. 

"Magtutuos kami ng Purita na 'yon," sagot ko sa kanya.

"Eh bakit papunta kang canteen?"

Kumunot bigla ang noo ko. 

"Hahanapin ko siya syempre," inis kong sagot.

"Eh hindi ba at sabi niya sa hagdan kayo magkita?" Natatawang tanong niya sa akin.

Napabuga ako ng hangin.  Nawawala na talaga ako sa tamang pag-iisip ngayon.

"Oo nga pala. Salamat."

Akma na sana akong aalis nang magsalita si Mario.

"Nagdala ka ba ng proteksyon pare?" nakangisi niyang tanong.

Naiiling na lang akong umalis at tumungo sa hagdan sa likod ng school. Ilang beses na akong napapahiya sa pinanggagawa ng Purita na 'yon. Since Second Year High School pa. Napakaraming pakulo ang nalalaman para lang mapansin ko. At iyon ang labis na ikinagagalit ko sa kanya.

After ten minutes ay narating ko rin ang tinutukoy nitong hagdan.  Napipikon na ako pero wala rin pala siya ro' n.

The hell! Iginala ko ang aking paningin at nagulat sa nakitang nakasulat sa pader.

Dearer Dyuswa,

Hindi ba't sinabi ko na sayo kanina na I gave up on us? Bakit pumunta ka pa rin dito??

Any of ways, baka mahuli ako ni Mang Rene at ireport ako for vandalism.

P.S. Kung gusto mo na talagang makipag break sa akin, baka sa Principal's Office na ako sa mga oras na ito.

Always loving you,

Vuluptuous Purita

Parang gusto kong suntukin ang pader.  Papaano niya naloloko ang isang katulad ko?

Akala siguro nito mauuto ako? Asa siya! Huh!

Medyo hinihingal ako na pumunta sa Principal's Office. Ang sabi ko ay hindi na ako magpapauto pero heto na naman ako.

Kakatok na sana ako nang makita ko ang sticky note na nakadikit sa pinto.

Dearest Dyuswa,

Ayeeeeh! Kinikilig ako! Ngayon napatunayan ko na talaga na mahal na mahal mo ako. Pinuntahan mo ako rito eh. Hihi. Pero doncha wori na. Nakalusot na ako kay Mrs. Artacho.

Ika-cancel ko na nga ang breaking up natin. Wala eh. Mahal moko. Mahal din kita. Hihi.

PS. Want to celebrate with me? Tara, kain tayo sa canteen. Treat ng beki kong bessy.

Halos umusok ang ilong ko sa nabasa. Damn Joshua! Bakit ka pa ba nagpapaniwala sa impakto?

"Putragis ka talaga Purita! "

***

Hindi na ako pumunta pa sa canteen dahil sigurado sako wala naman ang babaeng iyon doon. At tanging nakakakilabot na mensahe lang ang mababasa ko.

Dumiretso na lang ako sa locker ko para magpalit ng damit. Basketball player kasi ako ng school namin. Todo ensayo na kami ngayon dahil sa nalalapit na friendly game ng karibal naming school.

Kinuha ko sa aking locker ang jersey at shorts ko at pumunta sa changing room.

After kong magpalit ay bumalik ulit ako sa locker ko para ilagay ang uniform.

When Dyuswa Meets PuritaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon