Part 63

12.2K 357 39
                                    

Purita's POV

Nakasakay kami sa taxi papuntang subdivision namin. Nakaupo lang kaming dalawa ni Dyusa sa upuan sa likuran ng taxi. Kinikilig pa riin talaga ako ngayon ng bonggang bongga. Hindi na ako makapaghintay sa gagawing panliligaw ni Dyuswa sa akin.

"Dyuswa?"

"Mm?" Mahina niyang sagot sa akin.

"Kainis naman 'to oh."

"Bakit nga?" Mahina pa rin niyang tanong sa akin.

Inis ko siyang tiningnan at nagulat ako sa aking nakita. Nakahilig ng bahagya ang ulo niya sa bintana ng taxi at nakapikit pa siya. Kaagad namang nawala ang inis ko nang makita ang kanyang kalagayan. Nalasing nga talaga siguro siya sa pinainom ng tambay na iyon. Hindi pa ba siya nakakainom sa tanang buhay niya? Parang limang baso lang eh.

Dahan dahan naman akong umisod papalapit sa kanya at hinawaka ang kanyang ulo saka ipinatong ito sa aking balikat. Kilig na kilig naman ang lola niyo.hihi.
"Okay ka lang ba?" naitanong ko sa kanya.

"That you're taking advantage of my drunkenness?"

Aba't tarantado 'to ha? Kung makapag-akusa naman ito hindi man lang nagdalawang isip. Kaasar siya. Hmp. Kaagad kong tinanggal ang ulo niya sa balikat ko. Iminulat niya ang kanyang mga mata at tumingin sa akin.

"Why did you do that?"

"Ang alin?" nagmamaang maangan kong tanong sa kanya.

"Ayaw mo bang sumandal ako sa balikat mo?" parang bata niyang tanong sa akin.

Nako Dyuswa huwag na huwag mo akong tignan ng ganyan at baka makurot kita. Ang kyot kyot na kasi talaga. Ano ba naman 'yan.

"Eh ikaw yong ayaw eh. Inakusahan mo pa akong nagti take advantage sa kalasingan mo," nakasimangot kong sabi.

"Bakit hindi nga ba?" nakangising tanong niya sa akin na may halong pang aasar.

"Ayan ka na naman eh!" Napasigaw kong sabi.

"Oh ba't naninigaw ka na naman?"

"Eh nakikinig si manong driver eh. Binubuking mo ako. Baka ano pang isipin niya sa akin," nakanguso kong sagot.

Bahagya pa akong nabigla nang tumawa siya ng malakas. Halaaaa. Kakaiba rin pala ito kung malasing eh. Pero mas gusto ko ang ganitong Dyuswa. Yong masaya lang. At nasasabi niya ang gusto niya talagang isipin na hindi naghohold back.

"Wala yan kay manong. Di ba po?" silip niya sa driver.

Ngumiting tumango lang ang driver sa amin. Ibinalik ko ang aking tingin kay Dyuswa na nakatingin na pala sa akin at pinipilit na minumulat ang kanyang mga mata.

"Bakit ngayon ko lang napansin na maganda ka pala Purita?"

Nakakainis naman to oh. Matagal na kaya akong maganda. Halikan ko to sa bibig eh. Marahan kong ipinilig ang aking ulo. Relax Purita. Kahit naaakit ka ay kailangan mong pigilan ang sarili mo.

"Ang ganda mo pala Purita...,"

"Dyuswa naman."

Nag iinit ang magkabilang pisngi ko sa mga sinasabi niya..kasi naman ehh. Kinikilig na ako dito oh. Naaawa na ako sa fallopian tube ko.

"Sasagutin mo na ba ako?"

"Eh?"

"Hindi ba at gusto mong ligawan kita? Ayan. Nililigawan na kita ngayon. How was it?" Tanong niya sa akin sabay pa beautiful eyes.

"Nakakainis ka! Hindi panliligaw ang ginawa mo eh. Pambobola yun! Hmp."

"Hindi kita binobola. Totoo naman ang sinabi ko sayo eh. Maganda ka nga talaga."

When Dyuswa Meets PuritaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon