Kabanata 11

9.6K 317 66
                                    

WHEN DYUSWA MEETS PURITA AGAIN

#WDMPAGlimpseOfThePast

Purita's POV

Pumasok kami ng opisina ni Dyuswa. Nang masara ang pinto ay kaagad na yumakap si Michelle sa kanya.

What a sight, really. Tumingin na lang ako sa ibang direksiyon. Ayoko namang maki-chizmax kung ano pang mga pinanggagawa nila eh.

Napaigtad ako nang tumunog ang phone ko na ang ringtone ay Dayang-Dayang. Ano pa ba, ito ang ringtone of the week ng Hokage Girls.

Unknown number?

Unknown number:
Hey. Nasa building ka na ba? Nasa office lang ako. I'll wait you here.

Handsome Luke btw.

Sinong nagsabi sa kanyang handsome siya? Nanay niya? Ang feeler din talaga ng lalaking ito. Pasalamat siya at gwapo nga siya kung hindi ay baka masupalpal ko siya ngayon. Dali-dali naman akong nag-reply.

Ako:

Keh! Queen Purita is coming. Ilatag ang red carpet!

Napapangiti kong ibinalik ang phone ko sa bag ko. Tahimik pa ring nag-uusap ang dalawa. Hindi ko na nga lang sila didistorbo-hin. Dahan-dahan akong naglakad palapit sa pinto.

"Where are you going?"

"Ah, magsi-CR lang," nangingiti kong sagot kay Dyuswa.

Marahan siyang tumango kaya naman ay mabilis akong lumabas ng office niya.

Sa hagdan na lang ako dumaan dahil isang floor lang naman ang pagitan ng office ni Dyuswa at ni Luke.

Pagkapasok ko ng office niya ay nakaharap pa ito sa computer niya. Tumikhim ako ng malakas para maramdaman niya ang maganda kong presensiya.

Napaangat siya ng tingin at ngumiti nang makita ako.

"Hey. Have a seat."

"Inuutusan mo ba ang reyna?" mataray kong tanong.

"Ah hindi po reyna na, dyosa pa," natatawang sagot niya.

"Uupo ako kung kailan ko gusto. No need to tell me that."

"Woah! Kina-career mo na talaga ang pagiging maldita mong reyna na, dyosa pa ah," naiiling niyang sabi.

Inismidan ko lang siya samantalang titig na titig pa rin siya sa akin. Nakaramdam tuloy ako ng awkwardness. Ano bang trip ng bangag na ito? Akala niya siguro makukuha niya ako sa tingin niya. I just feel awkward pero hindi niya ako malulupig.

"You're wasting my time and my effort Luke. Marami pa akong gagawin."

Parang nalilibang naman siya sa pagtitig sa maganda kong mukha. Nakakaloka na ha.

"Like what?"

"Marami. Hindi ko maisa-isa dahil tinatamad ako."

Hindi pa rin siya natinag kaya naman inis na akong lumapit sa desk niya.

"Alam kong maganda ako. Pero don't you know that it's a bit rude to stare a beautiful woman like me nang ganyan katagal?"

Tumawa naman siya ng malakas sa sinabi kong iyon. Juskolord naman! Ayoko talaga sa mga bangag. Nakaka-aligaga. Masakit sa bangs. Hate na hate ko talaga.

"I'm sorry. You're just too beautiful to stare with and I don't care if I look rude by doing that."

Para akong natameme sa narinig. Parang sinampal ang magkabilang pisngi ko ng isang weightlifter. Kaloka. Ang init-init ng peshngi ko. Ka-jirits naman kasi ng lalaking ito. Hindi ako prepared sa sinabi niyang iyon ha.

When Dyuswa Meets PuritaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon