Kabanata 30- Hindi siya ikaw

10K 355 76
                                    

Nakatingala lang ako sa kisame ng kwarto ko at hinihintay na tumunog alarm clock. Kanina pa ako gising pero tinatamad pa akong bumangon. Nakakainis lang kasi nauna pa akong nagising kesa sa pagtunog ng alarm clock ko. Alam niyo 'yon? Have you experienced waking up one morning na gandang-ganda kayo sa sarili niyo?

I know. Wala. Sa akin lang yata nangyayari 'yan every morning. Wala ng kokontra kasi baka makapag-trash talk ako ng ke- aga-aga.

Ilang minuto pa ang lumipas ay tumunog na nga sa wakas ang alarm clock ko. Kaagad ko itong pinatay at saka bumangon. Nag-stretching ako nang makatayo na.

Ano kayang gagawin ko ngayon? Sabado pa naman. Napatingin ako sa labas ng bintana at nasilaw pa sa sinag ng araw. Babahing na sana ako nang biglang tumunog ang phone ko.

Greatest frustration ever! Iyong babahing ka na pero hindi natuloy.

Inis kong dinampot ang phone ko at hindi man lang tiningnan kung sino ang tumawag.

"Alam mo nakakaloka ka ha! Babahing na sana ako pero naantala dahil sa pagtawag mo! Ano bang kailangan ko?"

Narinig ko ang paghalakhak sa kabilang linya. That playful laugh from a playboy! Bwisit na Idrian!

"God. Natu-turn on ako sa morning voice mo," sabi niya.

Umirap ako sa kawalan. Jusko. Ang aga-aga, bumiberde na ang isip ko. Manyak talaga ang Idrian na ito! Kaasar super.

"Alam mo, kung iyan lang din naman ang itinawag mo sa akin, ibaba mo na. Marami pa akong gagawin!" pagtatalak ko sa kanya habang palabas ng silid ko.

"Relax babe! May sasabihin ako," tawang-tawa niyang sabi.

"Ano?"

"May gagawin ka today? Punta tayo ng Punta Isla!"

"Anong gagawin natin do'n?"

Nakarating na ako sa kusina at magsasaing na.

"Maliligo? Hindi naman siguro pwedeng magpa-check up do'n di ba?"

Inirapan ko ang kaldero dahil sa pambabara ng manyakis na ito sa akin. Bahagya pa akong napaatras nang makitang parang inirapan ako pabalik ng kaldero. Nakakaloka!

"Whatever! Sinong kasama?"

"Tayong dalawa of course! Kasal ng kaibigan ko eh. So I'm kind of invited kaya naisipan kong imbitahan ka kasi ayokong mag-isa roon."

Napaangat ako ng kilay. "Bakit? Takot ka ba?"

"Yeah. Marriage is scary. I'm afraid I might vomit," sabi niya sabay halakhak.

"So hindi ka pala naniniwala sa kasal kung gano'n?" nakapmeywang kong tanong habang inipit ang phone sa pagitan ng tenga at balikat ko.

Nilalagayn ko kasi ng bigas ang echuserang kaldero na kung makairap sa akin akala niya ikinaganda niya. Eh ang itim-itim naman ng puwet!

"Iba ang hindi naniniwala sa natatakot sa kasal Purita."

"Fine. So takot kang magpakasal? Why is that?"

"I love freedom. I can do whatever I want. Ang saya maging single Purita. Ang sarap maging single," sabi niya at halatang pina-sexy pa ang last sentence niya.

"Halata ngang nasasarapan ka. Hambalusin kita d'yan ng chandelier ko eh."

"Hahahaha. Huwag. Maawa ka naman sa gwapong mukha ko.

Umirap na naman ako harap ng apoy kung saan naroon na ang echuserang kaldero.

"Huwag kang mag-alala. Wala naman akong chandelier dito kaya safe 'yang mukha mo," nakangiwi kong sabi at lumabas muna sa kusina.

When Dyuswa Meets PuritaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon