Kabanata 47- Girlfriend

10.5K 339 79
                                    

Girlfriend

Sumasakit na ang likod ko sa lalaking ito. Panay naman ang salita niya na halos hindi ko na maintindihan. Tumigil ako sa paglalakad nang makaramdam na talaga ako ng sobrang pagod. Pinaupo ko siya sa mahabang bench sa plaza.

"Hoy Parker! Hindi mo ba kayang umuwi sa inyo?" tanong ko sa kanya kahit alam ko naman na hindi niya ako sasagutin nang maayos.

"Nahihilo ako," sabi niya.

Napabuga ako ng hangin. "Hindi mo naman pala kaya tapos akala mo kung sino kang malakas uminom ah!"

"Ikaw kasi..."

"Anong ako? Sinabi ko ba sa'yo na uminom ka?" inis kong sabi sa kanya.

Napatingin ako sa aking relo. Alas diyes na pala ng gabi! Tumingala siya at binuksan ang kanyang mga mata.

"Ano?" pagmamaldita ko sa kanya.

"Bakit ka ba ganyan sa akin?" namamaos niyang tanong.

"Ano bang ginagawa ko sa'yo? Wala naman di ba?"

Mahina siyang umiling. "Iyon nga ang problema. Wala kang ginagawa sa akin. Hindi ako sanay na ganito ako, alam mo ba? Hindi ako sanay na ako ang naghahabol. Pero ginagawa ko pa rin."

"Tss. Sino bang nag-utos sa'yo na habulin ako? Hindi ba at sabi ko naman sa'yo na lubayan mo na ako?"

"Ito oh. Ito ang patuloy na nag-uutos na habulin ka," sabi niya sabay turo sa dibdib niya.

Saglit akong natahimik. Tiningnan ko lang siya na ngayon ay nakapikit na naman at nakasandal ang ulo sa sandalan ng bench.

"Pero nakakapagod palang maghabol sa taong lumilipad na.."

Hala. Lumilipad ba ako? May pakpak na ba ako? Bakit hindi ako informed na mero'n na pala? Pinagsasabi ng lalaking ito?

"...pero ayos lang. Maghihintay na lang ako. Lahat naman nang lumilipad ay napapagod di ba? Aapak at aapak pa rin ito sa lupa."

Mahirap palang malasing ng over itong si Dyuswa! Sobrang deep nang mga pinagsasabi. Nakaka-nosebleed bhe!

"Kung ano-ano na mga pinagsasabi mo. Diyan ka na muna ha? Bibili lang ako ng noodles saka tubig para mahimasmasan ka na at nang makauwi na tayo," sabi ko at tumayo na.

Nagsisimula na akong maglakad nang nilingon ko siya. Nakapikit pa rin siya at walang pakialam sa mga taong napapatingin sa kanya sa daan. Safe lang kaya siyang iwan dito? Hindi naman siya siguro pagsasamantalahan di ba? Marami pa namang taong dumadaan eh. Bibilisan ko na lang ang pagbili.

Pumasok agad ako sa Mini-Stop at bumili doon ng dalawang cup noodles saka dalawang malamig na mineral water. Pagkatapos kong makapagbayad at lagyan ng mainit na tubig ang cup noodles ay lumabas na ako.

Muntik ko nang mabitawan ang bitbit ko nang makitang wala na sa bench si Dyuswa. Shet! Saan na 'yon? Hindi kaya na-kidnap na iyon? O baka tinangay ng isang sugar mommy! Kinakabahan ako sa aking naiisip. Inilapag ko sa bench ang mga pinamili ko at nagsimulang maglibot sa plaza.

"Parker! Parker! Nasaan ka na?!"

Nakailang ikot na siguro ako subalit wala pa rin siya. Hindi ko siya mahanap. Dali-dali kong kinuha ang phone ko pero mahina akong napamura na wala pala akong number niya!

Sana naman ay okay lang siya. Wala akong gana na naglakad pabalik sa bench na inupuan namin kanina. Pero bago pa ako makarating doon ay nakasalubong ko ang taong hinahanap ko.

Hinihingal siya habang bahagyang namumula ang kanyang mga mata. May mga konting dumi rin ang kanyang t-shirt at saka pantalon.

Muntik na siyang matumba dahil sa pagmamadali niyang makalapit sa akin at niyakap niya ako nang mahigpit.

When Dyuswa Meets PuritaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon