Part 76

8K 288 43
                                    

Nangangatog ang mga tuhod kong umakyat sa kwarto para kunin ang maletang may mga gamit ko. Napaghandaan ko naman na ito ang kahahantungan ng lahat kapag umamin na ako eh. Masakit. Syempre masasaktan ka talaga kapag gumawa ka ng isang kasalanan. At aaminin ko na sobra akong nasaktan nang hindi man lang ako tinulungan ni Dyuswa. Ni hindi niya ako sinalo.

Napapasinghap na lang ako habang pinasadahan ko ulit ng huling tingin ang kwartong ito. Nararamdaman ko na namang may namumuong luha sa gilid ng aking mga mata. Tumingala ako at kumurap-kurap.

Bahagya akong napapitlag nang may kumatok sa aking pinto. Hila-hila ko ang maleta kong binuksan ang pinto at natunghayan ang malungkot na mukha ni ate Hannah. Hindi ko alam kung naaawa ba siya o ano.

"Pinapatawag ka ni ate sa kwarto niya," mahina niyang sabi.

Tumango lang ako sa kanya saka lumabas na ng kwarto. Kinakabahan ako sa mangyayari. Baka ipadampot niya ako sa mga pulis at ipakulong. Napahinto ako sa paglalakad nang makasalubong ko si Dyuswa. Medyo namumula ang mga mata niyang nakatingin sa akin. Ayoko siyang tingnan kasi nasasaktan ako. Maraming dahilan kung bakit nasasaktan ako kapag nakikita siya ngayon. At wala na akong oras para pangalanan ang mga iyon sa ngayon.

"Purita..."

Gusto kong umiyak nang marinig ko ang boses niya. Bwisit naman oh. Bakit ganito? Bakit sa kabila nang nangyari parang gusto kong lumapit sa kanya at yakapin siya? Bakit ganito ako sa kanya?

Sa huli ay pinigilan ko ang aking sarili. Hindi ko na lang siya pinansin at nagtuloy-tuloy na ako sa pagpasok sa kwarto nila tita Veronica.

Galit na galit ang mukha niya habang nakatingin sa akin. Pero handa akong harapin ang galit niya.

"Bakit nagawa mo 'to sa amin ha?! Pinakain ka namin, binihisan at pinaaral. Taposs heto lang pala? I treated you like my own daughter. How could you fool us? Saan ka kumukuha ng kapal ng mukha para humarap sa amin araw-araw?!"

Napayuko na lang ako sa mga sumbat niya sa akin. Totoo lahat ng mga sinabi niya.

"I'm sorry po."

Naramdaman ko ang paglapit niya sa akin kaya bahagya akong napaatras.

"Sorry? Alam mo ba kung anong ginawa mo? Niloko mo ako, si mama at si papa. Binilog mo ang ulo namin. Napaka-walanghiya mo talaga. Wala kang utang na loob!"

"Handa po akong harapin ang parusa sa ginawa ko. Pasensya na po talaga."

"You think that's enough? No. You don't know who you are messing up with. I really can't believe na isa ka nang bihisang manloloko at your age."

Unti-unti akong tumingala para tingnan siya. Hindi ko alam kung saan ako kumuha ng lakas ng loob para gawin yon.

"Huwag niyo pong paparusahan si Dyuswa."

Tanga na nga talaga ako siguro. Dahil kahit ngayon, si Dyuswa pa rin ang iniisip. Kapakanan ko pa rin niya ang inuuna ko.

"Alam ko po ang tinatago niyong sekreto. Alam kong hindi niyo anak si Dyuswa kay tito Hector."

Halos matumba ako sa lakas nang pagkakasampal niya sa akin.

"How dare you!"

"Kaya kung paparusahan niyo siya at papahirapan, hindi ako magdadalawang isip na sabihin sa kanila ang totoo."

Sinugod niya ako at galit na pinagsasampal at sinabunutan. Tahimik na lang akong umiiyak hanggang sa maramdaman ko na lang na may umaawat na sa amin.

"Veronica! Stop it! She's just a girl. Kami ang pumilit sa kanya kaya huwag siya ang pagbuntunan mo ng galit," sigaw ni tito Hector.

"Ilayo niyo sa akin ang walanghiyang iyan!"

When Dyuswa Meets PuritaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon