Kabanata 5

10.3K 345 96
                                    

(HELLO guys. Sorry dahil dumoble 'yong Kabanata 4. May problema kasi sa wattpad ko. HHay. Ilang beses na akong nag update pero hindi siya makapasok. Basta mahirap. Nakakatamad mag.update dahil doon. PERO dahil sa pinapakilig niyo ako sa mga comments niyo, here's another update for you guys. Hope ya like it. Hehehe.)

#WDMP
by: ohheyDAN

Inip na inip na ako habang hinihintay matapos ang meeting ni Dyuswa. At naiinis din ako dahil akala ko eh pag-uusapan kaagad namin ang kontrata at ang rules.

Anong oras na? Tatlong oras na ako dito sa loob ng opisina niya. Maygad. Mababaliw ako rito. Saka nagugutom na rin ako. Alas-onse na kaya. Ni hindi man lang niya ako pinadalhan ng pagkain sa secretary niya. Humanda talaga siya sa akin mamaya.

Tumayo ako at nagpalakad-lakad. Lumapit ako sa table niya at naupo sa swivel chair. Pinaikot-ikot ko ito ng maraming beses hanggang sa mahilo ako. Inaayos ko ang aking paningin na umiinog pa rin yata nang makita ko si Dyuswa na nakatayo sa harapan ko. Hala. Sumasayaw ba siya ng Harlem Shake? Ay mali. Gangnam Style iyon. Pero hindi eh. Alam ko na. Careless Whisper ang sinasayaw niya.

Ipinilig ko ang aking ulo hanggang sa mawala na ang pagkahilo ko. Ano ba 'yan. Bwisit na upuan ito.

"What are you doing?" tanong niya nang nakasalubong ang mga kilay..

"Huh! Nagtanong ka pa? You keep me waiting for three damn hours and all you can say is what I am doing here? Dilang-mother naman Dyuswa! What am I doing here? Like seriously? You don't know what I am doing? You gotta be kidding me!"

"Ang ingay mo. Ang sakit mo sa tenga," inis niyang sabi.

"At ako pa ngayon ang maingay? Kung hindi mo man lang ba ako pinahintay dito eh wala tayong problema," pagtataray ko sa kanya habang nakaupo pa rin sa swivel chair.

"Bakit ba ang ingay mo? Pwede bang tumahimik ka muna?"

"Paano ako tatahimik eh gutom na ako. Sabihin mo sa akin Dyuswa! Paano???"

Napabuga siya ng hangin saka hinubad ang business suit niya. Naka-white t-shirt na lang siya at black pants.

"Gutom din ako kaya nga bumalik na ako rito. Here," sabi niya sa akin sabay abot sa akin ng isang card.

"Ano 'to?"

"Obviously a card?" sagot niya.

"Alam ko. Anong gagawin ko rito?"

"Kainin mo," inip niyang sagot sa akin.

Inirapan ko siya at kinuha ang card. Tiningnan ko iyon. Para siyang card sa school. Iyong may mga grades. Joke lang. Maliit siyang card. Parang ATM card. May naka-engrave na pangalan niya.

"You can use that to eat in the canteen."

"Paano kung hindi sila papayag dahil Hindi naman ako ang may-ari ng card na ito?"

"They will call me anyway. Ako na ang bahala do'n," sabi niya at umupo na sa mahabang sofa.

"So ikaw hindi ka kakain?"

May manners pa rin naman ako kahit papano ano. Sabi nga niya eh gutom na rin siya.

"Nah. Kakain kami sa labas ni Michelle. Hinihintay ko lang siyang matapos sa meeting niya."

Napakibit-balikat na lang ako. Kinuha ko ang bag ko sa mesa at sinukbit na iyon. Biglang bumukas ang pinto at iniluwa no'n si Michelle at ang lalaking bangag. Nang magtama ang paningin namin ay ngumisi siya sa akin kaya naman pinagtaasan ko siya ng kilay. Akala niya napapatawad ko na siya sa ginawa niya. Hindi pa ano.

Nakita ko ang paghalik ni Michelle sa pisngi ni Dyuswa kaya umiwas ako ng tingin. Just awkward. Napatingin ako sa lalaking bangag and he smirked at me. Babayagan ko na talaga ito.

When Dyuswa Meets PuritaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon