Part 52

12.1K 413 68
                                    

WHEN DYUSWA MEETS PURITA

CHAPTER 52

###

PURITA'S POV

Hindi na ako kumain ng agahan at mabilis na akong lumabas ng bahay. Hindi ko na rin sinabihan ang driver namin na ihatid niya ako sa school dahil sigurado akong hihintayin pa nito si Dyuswa. At ito nga ang pinaka-iniiwasan kong mangyari- ang magkita kami. Dahil napag-isip-isip ko kagabi na sobrang OA ko kahapon sa ginawa ko. Sa umpisa pa lang kasi ay nilinaw na niya na hindi niya ako gusto. Pero ako lang talaga itong tanga na pinapatuloy ang nararamdaman ko sa kanya. Nakakahiya tuloy.

Oo nga at nasaktan ako sa sinabi niya pero ako lang din naman ang dahilan kung bakit ako nasasaktan. Wala talaga siyang kasalanan. Kaya naman nakakahiya talaga. Iiwasan ko na lang muna siya sa ngayon hanggang sa tuluyan nang mawala ang hiya ko at ang nararamdaman ko sa kanya.

Pero mabigat pa rin talaga ang pakiramdam ko. Hindi ko mapigilan ang umiyak kagabi. Masakit kaya sa puso. Nang makarating ako sa school ay nakasalubong ko si Eileen. Malapad ang pagkakangiti niya sa akin, taliwas sa pinapakita ko sa kanya ngayon.

"Good morning!" bati niya sa akin.

"Anong maganda sa umaga?"

"Ay? Ang aga-aga ang drama?"

Nagpatuloy lang ako sa paglalakad at sumunod naman siya sa akin.

"Hindi mo ba itatanong sa akin kung bakit masaya ako ngayon?"

"Bakit?"

Napahinto ako sa paglalakad nang hinarangan niya ang daanan ko.

"Madaling ma-inlove sa isang lalaki na sobrang gwapo hindi ba?" tanong niya sa akin.

Bigla kaagad rumehistro sa isipan ko ang mukha ni Dyuswa. Ipinilig ko ang aking ulo. Hindi ko na siya dapat muna iniisip ngayon.

"Hindi naman. Bakit?"

"Gano'n 'yon. Pero subukan mong sumama sa isang taong palagi kang pinapatawa. Hindi mo namamalayan na in-love ka na pala sa kanya," masaya niyang sabi.

"Anong ibig mong sabihin? Na maghanap ako ng isang lalaki na magpapatawa sa akin kahit na pangit tulad ni Mario?" nakakunot-noo kong tanong sa kanya.

Napalis ang ngiti sa kanyang mukha sa sinabi ko. Parang nasaktan?

"Oh bakit?"

"Huwag mo namang insultuhin ang boyfriend ko sa harapan ko," nakanguso niyang sabi.

Namilog ang mga mata ko sa narinig. Totoo ba itong narinig ko? Boyfriend na ni Eileen si Mario?

"Seryoso ka?"

"Oo nga."

Hindi ko napigilang yakapin siya. "Congratulations pinsan! True love na itu!"

Ilang sandali pa ay kumalas na ako sa pagkakayakap sa kanya.

"Umiiyak ka ba?" nagtataka niyang tanong sa akin.

"Tears of laugh lang," pagdadahilan ko.

Sa totoo lang ay nakaramdam ako ng inggit. Buti pa si Eileen may lalaki nang nagmamahal sa kanya. Kailan naman kaya 'yong sa akin? Pero masaya talaga ako para sa kanila. Akalain mo nga naman oh.

"Pero huwag mo munang ipagsabi sa iba ha?"

"Bakit naman?"

"Hindi pa kasi alam ni Mama at Papa na may boyfriend na ako. Kilala mo naman sila. Strikto ang mga iyon. Si ate Elena nga eh twenty eight na nagka-boyfriend sa sobrang higpit nila eh."

When Dyuswa Meets PuritaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon