Part 80

10K 324 41
                                    

WHEN DYUSWA MEETS PURITA

THE FINAL CHAPTER

JOSHUA'S POV

Tahimik akong umuwi ng bahay pagkatapos naming magkita ni Purita. Masaya ako dahil naintindihan na niya ang side ko. Ayokong magalit siya sa akin. I love her. And she's the only person I am very comfortable to be with. Pakiramdam ko kasi kapag kasama ko siya, nawawala agad ang mga problema ko.

I was very devastated dahil sa aksidente kong narinig ang pagtatalo nila mommy at daddy tungkol sa akin. Anak ako ni mom sa ibang lalaki. My dad was never my true father. At itinago nila iyon sa akin.

"Saan ka galing?" tanong ni mom sa akin.

"Sa labas lang."

I don't want to be rude pero galit talaga ako sa kanila. Tinago nila ang totoo kong pagkatao. Kahit na ilang beses pa nilang sabihin sa akin na ginawa lang nila yon dahil sa mahal nila ako. I really don't get it.

"Nagpabugbog ka para dalhin ka sa hospital. Tumakas ka para lang mapuntahan ang babaeng iyon?"

Hindi pa rin niya pinapatawad si Purita hanggamg ngayon. Knowing mom, hindi basta-basta nawawala ang galit niya sa taong nakagawa ng kasanalan sa kanya. Maging sa amin ni dad ay hindi pa siya gaanong okay.

Dumiretso na lang ako sa pag-akyat at hindi na siya pinansin.

"I told you to stay away from her! Look at yourself!" sigaw niya sa akin.

"She's not the reason why I am doing like this mom. I want to meet him. My real father," giit ko.

"Your father is not a good man!"

"Yeah. That's why nagpabuntis kayo sa kanya. Ganon ba 'yon mom?"

Isang malakas na sampal ang dumapo sa pisngi ko. Nanginginig si mom na nakatingin sa akin. Nadala lang ako ng emosyon ko. Simula nang mawala si Purita sa bahay ay nawawala na rin akonsa aking sarili.

"How dare you talk to me like that? I am your mother!"

"Please mom. Bilang ina, ipakilala mo ako sa totoo kong ama. I want to see him," nagmamakaawa kong sabi sa kanya.

Uminit na ang magkabilang gilid ng aking mga mata. I dont want to see her hurt pero I really want to see my real father. Para sa gano'n ay maging buo ulit ang pagkatao ko.

"No. You don't have to see him. Umakyat ka na," medyo mahinahon na niyang sabi sa akin.

Wala na akong nagawa kundi ang dumiretso sa kwarto ko at nagkulong. Umupo ako sa aking kama at napahilamos ng mukha. Mag-iisip na naman ako ng ibang paraan para makalabas ng bahay.

Ayaw sabihin ni mommy ang pangalan ng totoo kong ama. Paano ko siya hahanapin? I will trade for anything just to find him.

Nakatulugan ko na ang isiping iyon. Papungas-pungas akong nagising kinaumagahan. Ayokong pumunta ng school dahil hindi ko naman gustong mag-aral doon. Kaya lang ako napilitang lumipat ay dahil sa banta ni mommy na papaalisin niya sa St. Michael's si Purita. Kahit labag sa loob ko ang paglipat ay tiniis ko na lang. Ayoko nang mabigyan pa ng problema si Purita. Ayoko na siyang makitang umiiyak pa dahil lang sa akin.

Seeing her cry in front of me and my family without helping her is the biggest mistake of my life. Aaminin kong nabigla ako sa ginawa niyang pag-amin. Diane also holding me back. May ibang pang-blackmail na naman kasi siya sa akin. At iyon ang pagsangla ni Purita ng mga iniregalo sa kanya noong kaarawan niya.

She was already accused na sinungaling at walang utang na loob ni mom. Ayoko nang dagdagan pa iyon dahil lang sa ginawa niyang pagsangla ng mga alahas.

When Dyuswa Meets PuritaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon