Part 16

16.9K 591 53
                                    

Purita's POV

"Ano ba kasing pinuputok ng gwapo mong butse mo d'yan??" tanong ko sa kanya nang sigawan niya ako. Inis niyang hinagis sakin ang bra ko. Buti na lang at nasalo ko ito agad.

"Suotin mo 'yan."

"Dito ko isusuot 'to??"

"Bakit may problema?"

"Eh andaming dumadaan dito eh."

"Sana naisip mo yan bago ka lumabas ng bahay at pumunta sa bahay ni Bhon!"

Inikot ko ang aking paningin. May nakita akong isang malaking puno kaya dali dali akong lumapit doon.

"Magbantay ka d'yan ha?" bilin ko sa kanya. Napabuga na lang siya ng hangin.

Kaagad kong sinuot ang bra ko saka lumapit na kay Dyuswa.

"Hah! Okay na bhe."

Tiningnan niya lang ako ng masama at nagpatiuna nang maglakad.

"Hoy, asan ka pupunta? " habol ko sa kanya.

"I'll take you home."

"Ha?"

"Bobo ka lang. Hindi ka bingi."

Napaismid ako. "Eh saan yung car mo na bagong linis?"

"Hindi pwede."

"Bakit naman?"

"I can't drive dahil wala pa akong lisensya. And my dad doesn't allow me to use the car until I get twenty one. So stop fantasizing about me driving you to your house."

"Hoy! English yun ha! Sabihin mo na lang kasi na kuripot ka. Andami mo pang pasakalye eh."

Napahinto siya sa paglalakad at hinarap ako.

"Hindi ako kuripot. I just spend my money wisely."

Eh di wow. Sabog confetti," nakangiti kong sabi saka pumalakpak.

"Magdi-dyip tayo," sabi niya at nagpatuloy na sa paglalakad.

"Huwaaaaah. Seryoso ka bhe??" amazed kong tanong sa kanya.

"Ayokong makipagbiruan sayo. Such a waste of time. Alam ko namang aabot pa kinabukasan bago mo ma.process ang joke ko eh. Ot worst, next school year pa."

"Hoy grabe ka naman. Basta ba at Tagalog yung joke mu eh mabilis ko yung ma-gets ano."

"Tell it to the marines."

"Marines? Asan?"

"Oh just shut up."

###
Nagkatinginan pa kami nang nasa paradahan na kami ng jeep. Gusto kong matawa sa reaksiyon ng bhebhe ko. I'm sure perstaym niya itong sumakay ng jeep. Magpapaputol ako ng tenga kung hindi.

"Perstaym mo no??" nang aasar kong tanong sa kanya.

"No. Its my nth time "

Okay. Joke lang yung sinabi ko kanina about sa putol-putol thingy. Naks. Thingy daw oh. Hihihi.

"Alin ba dito ang sasakyan natin papunta sa inyo?"

"Mmm. Basta ang kulay green."

"What?"

"Naks. Porke at matalino ka eh pwede ka nang magbingi bingihan? Kapag bobo, dapat hindi pwede maging bingi?"

"No. I mean, anong pangalan ng ruta ang sa inyo "

"Basta nga color green."

"Andaming color green dito na may sari saring ruta," inis niyang sabi.

When Dyuswa Meets PuritaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon