Kabanata 31- Jirits na Jirits

9.8K 388 152
                                    

Tumayo ako galing sa pagkakaupo sa buhanginan nang tuluyan nang makalapit sina Michelle sa amin. I gave them an awkward smile. Hindi ko alam kung smile nga ba iyon o nagmukha lang akong constipated. Ay ewan!

"Hon, akala ko ba gusto mong maligo?" tanong ni Michelle nang makatayo si Dyuswa.

Nanlaki ang mga mata ko nang makita ni Samuel ang nakasulat sa buhanginan. Malapit lang kasi siya roon. Kaagad akong lumapit sa kanya at nginitian siya. Inapakan ko na rin ang nakasulat para hindi na mapansin ng iba.

"Model ka rin ba Samuel?" tanong ko sa kanya.

"Ahm, no. Why did you ask?"

"Kasi ang ganda ng katawan mo eh. Mukhang pang-model."

"HHahaha. No," natatawa niyang sabi.

Hindi niya alam na joke ko lang 'yon para hindi siya makapag-conclude ng kung ano-ano.

"Ayissha, nasaan na ba si Idrian?" parang naiinip na tanong ni Michelle nang maglakad na kami.

Hindi ko alam kung saan patungo. Ah, baka sa cottage nila? Wala talaga akong idea.

"Baka nga nakatulog. Hilig kasi no'n matulog eh," sabi ko sabay tawa.

"Really? Sana sinamahan mo na lang," patuyang sabad ni Nellie sa usapan.

Isa na lang talaga at tatanggalan ko ng fallopian tube ang babaeng ito. Nakakapanggigil na siya ha.

"We have different rooms Nellie. Kaya hindi ko siya masamahan," plastic kong ngiti sa kanya.

"Maybe it's better you share rooms. Wala namang masama do'n dahil you're in a relationship. Sa panahon ngayon, it's understandable na ginagawa na iyon ng mag-syota," sabi niya sabay kibit-balikat.

"You have a liberating mindset Nellie. And maybe in-a-apply mo 'yan sa buhay mo. I uunderstand. Pero magkaiba tayo ng opinyon d'yan. I will never do that before marriage."

Narinig ko ang paghalakhak ni Gian. Namula naman ang mukha ni Nellie. Tse. Bagay 'yan sayong atribida ka. Hindi naman kita pinapakialaman pero hilig mong sumawsaw eh.

"Ayissha, tawagan mo na kaya."

Nakarating na kami sa cottage na inokupahan nila nang sinabi iyon ni Michelle.

"Ah, hindi ko dala ang phone ko eh," pagdadahilan ko.

Patay na. Baka ipagamit sa akin ang phone nila. Hindi ko pa man memorize number ng manyakis na 'yon!

"Babalik na lang ako ng room. Gigisingin ko na rin siya. I'll bring him here," nakangisi kong sabi sa kanya.

Nakatingin lang sa akin si Dyuswa. I don't know what he's tthinking. Pero alam kong hindi maganda iyon.

"AAlright. Dito na kayo maghapunan ha? Saka mag-bo-bonfire tayo mamaya. Maglalaro at magbi-videoke!" Masayang balita ni Michelle.

She really is a nice girl. Sana iyon ang makita ni Dyuswa. Hindi siya sasaktan nito.

"Sige. Alis na muna ako," pagpapaalam ko sa kanila at nagsimula nanh maglakad pabalik ng room.

Dumaan muna ako sa room ni Idrian at nadatnan ko siyang may kausap sa phone. Pinagtaasan ko siya ng kilay. Nginisihan nya lang ako at binaba ang tawag. Lumapit siya sa akin.

"Hi babe."

"Bigwasan kita d'yan eh "

"Oh. RRelax. Bakit ang init naman yata ng ulo mo. You don't like the view outside? Don't worry I'll give you the best view here inside," nakangisi niyang sabi sabay taas baba ng mga kilay niya.

When Dyuswa Meets PuritaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon