Part 67

9.4K 288 26
                                    

Purita's POV

Nasa kwarto ako ngayon ni grandlola. Ewan ko nga ba at bigla niya na lang ako pinatawag..hindi kaya alam na niya ang totoo? Pagagalitan niya kaya ako? O ipapadampot sa pulis gaya nang sinabi ni Diane sa akin kagabi. Haaay.

"Apo..."

"Ano po yun grandlola?" tanong ko sabay lapit sa kanya.

Nakaupo kasi siya sa kanyang rocking chair. Hindi nga ako sigurado bakit ganyan ang tawag sa upuan na yan. Eh wala naman akong nakita ni isang bato man lang. Haynako. Minsan talaga nakakabobo ang English vocabulary ano?

"Maupo ka apo."

Eh? Saan kaya ako uupo? Sa kama o sa sahig? Sige na nga. Sa sahig na nga lang. Nag Indian sit ako paharap sa kanya kaya bahagya siyang nagulat.

"Bakit dyan ka umupo?"

"Ah eh, feel ko lang pong umupo rito. Hehehe."

"Ikaw talagang bata ka," natatawang sabi ni grandlola.

Napakamot na lang ako ng batok. Ano ba kasing sadya ni grandlola? Kanina pa ako kinakabahan dito eh.

"May sasabihin nga pala ako sayo apo."

Dumoble ang nararamdaman kong kaba nang biglang sumeryoso ang mukha ni grandlola.

"Ano po iyon?"

"Ipangako mo sa akin na huwag mo itong sasabihin kahit na kanino ha?"

Kaagad akong tumango sa kanya.

"Tomboy ako apo ko."

Halos malaglag ang panga ko sa narinig. Ano ba naman itong si grandlola. Lakas naman makapangtrip oh. Akala ko kung ano na ang sasabihin niya eh.

"Grandlola naman..."

"Totoo ang sinabi ko sayo apo ko. Tomboy ako dati. Nang hindi ko pa nakilala ang grandlolo mo. May girlfriend pa nga ako dati eh," masaya niyang kwento.

Ohmaygad. Hindi ko maimagine na tomboy si grandlola. Seryoso ba talaga siya? O baka gawa gawa lang niya. Kasi ganyan naman talaga kapag tumatanda na ang isang tao di ba? Kung ano ano na lang ang naiisip.

"Pero paano po kayo naging ganap na babae?"

"Nilasing ako ng grandlolo mo at may nangyari sa amin. Nabuntis ako at napilitan akong magpakasal sa kanya dahil na rin sa utos ng mga magulang namin."

Nakakagulantang naman itong naririnig ko. Pero bakit kaya ito sinasabi sa akin ni grandlola?

"Mahal nkyo po ba si grandlolo?"

"Aaminin ko dati, hindi. Galit na galit ako sa kanya noon. Pero masyadong karinyoso ang grandlolo mo. Hindi siya agad agad na sumusuko kahit nahihirapan na siya sa akin. Pinilit niya at pinakita sa akin kung gaano niya ako kamahal. Kaya ayun, one day nagising na lang ako na mahal ko na pala siya."

Napangiti naman ako sa aking narinig. Buti pa sila grandlolo at grandlola, nagkatuluyan in the end. Hay. Eh kami kaya ni Dyuswa? May pag asa pa ba?

"May iniisip ka ba apo?"

"Ha? Ah eh wala po grandlola. Namangha lang po kasi ako sa lovestory niyo ni grandlolo."

"Huwag mo itong sabihin sa kanila ha? Tanging ang grandlolo mo lang ang nakakaalam nito. At ngayon, pati na ikaw."

"Maaasahan niyo po ako d'yan grandlola," sabi ko sabay saludo.

Ilang sandali pa ay nagpaalam na ako sa kanya. Akala ko pa naman alam na niya ang totoo eh. Pagkalabas ko ng silid niya ay bumaba na ako ng hagdan. Hanggang ngayon ay naiisip ko na naman ang mga sinabi ng Diane na yun.

When Dyuswa Meets PuritaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon