Kabanata 3

10.4K 355 70
                                    

At dahil malakas kayo sa'kin, here's a another update. Keep on commenting guys. Lols.

When Dyuswa Meets Purita Book 2
By: ohheyDAN

Parang na-low battery ang katawan ko nang makarating sa bahay. Pasalampak akong nahiga sa aking kama. Hindi pa rin maiwaksi sa isipan ko ang mga sinabi ni Dyuswa kanina. Selfish act? Just a college undergrad? Huh!

Masyado niya akong minamaliit. Ang laki nang pinagbago niya. Akala mo kung sino nang magaling porke at sa Isteyts nakapag-college! Tsss. Puwes, I'm not impressed. I despised him. Chos lang. Basta naji-jirits talaga ako sa kanya.

Huwag na huwag lang siyang magkakamaling magpakita sa akin ulit. Baka anong magawa ko sa kanya.

"Ang sarap mong sipain sa mukha!"

Inis akong nagpasipa-sipa sa ere. Huminto lang ako sa pagsipa nang makaramdam nang pangangalay sa binti. Napabalikwas ako ng bangon nang tumunog ang phone ko. Kaagad ko itong kinuha at tiningnan kung sino ang nag-text. Si Marlen!

Marlen:
Purita, cancelled ang event tonight. Bukas na lang daw kasi Hindi pa nakarating ang isang sponsor. Sorry. Pero prepare yourself dahil dinig ko mga bigatin daw ang bisita.

Napaismid akong binaba ang phone sa mesa. Ako na talaga ang pinaka-swerteng tao ngayong oraw. Kaloka. Ano nang gagawin ko buong maghapon? Tinatamad na akong maglako ng condoms dahil sira na nga ang heels ko.

Kasalanan kasi ng bangag na lalaki na iyon eh. Kung hindi lang ba naman niya ako sinundan eh di sana still alive and kicking pa ang heels ko. At kasalanan niya na hindi ako ang pinili niyang maging secretary niya. Bangag kasi eh! Hindi niya alam kung gaano ka-importante sa akin ang trabahong iyon.

Buong maghapon akong nagmukmok sa bahay. Hindi ko na rin kasi tinext si Ginny o si Eileen dahil alam kong busy sa mga career nila ang mga iyon. Hindi naman pwede si Mario dahil baka pilitin lang ako no'n maging extra sa mga indie films niya. Masasakal ko talaga siya ng condom kapag ipinilit niya pa iyon sa akin.

Lumabas ako ng aking kwarto at pumunta ng bird house na para bisitahin ang aso kong si Bhebhe Qoh. Mahal na mahal ko talaga ang aso kong ito kaso minsan naiinis ako kasi hindi man lang siya dumadapo sa sanga na nakasabit sa house niya. Minsan nga tinuruan ko siya kung paano ang tamang pagdapo sa sanga pero nagmukha lang siyang lechong aso eh. Leche na 'yan.

Kaya ang ginawa ko gumawa ako sanga na hugis-buto. Pero imbes na dumapo siya doon ay kinain niya ito. Kaya ayun, na-impatso ang loka-lokang aso. Ilang araw din siyang hindi nakakain nang maayos. Buti na lang at umepekto din sa kanya ang gamot na  pinainom ko sa kanya- ang Cherifer.

"Hi Bhebhe Qoh! Kamusta ka naman d'yan?" nakangiti kong tanong sa kanya.

"Aww! Aww!"

"No no no! Hindi pwede. Ang bata-bata mo pa Bhebhe Qoh! You can't do that. Ayokong maging batang-ina ka!" mabilis kong sagot nang sabihin niyang gusto niyang makita si Batotoy- ang lalaking aso ng kapit-bahay namin.

"Aww! Aww! Aww!!"

"Sige. Magtampo ka sa akin. Pero pinapangalagaan ko lang ang puri mo. Ang kapakanan mo. Ayokong maaga kang lumandi. Masasktan ka lang. Masasaktan ka to the point na parang ayaw mo nang maging masaya ulit!"

"Aww!"

Ang drama ko raw. Dilang-mother na asong ito.

"Oh sige. Dahil d'yan, hindi ka kakain ngayong hapunan. Nagda-drama pala ha!"

Nag-martsa ako pabalik sa loob ng bahay at nagluto na ng hapunan ko. Pagkatapos kong magluto ay naligo muna ako at nagbihis ng damit-pambahay. Maaga pa naman kaya naisipan kong lumabas ng bahay at kinuha ang bisekleta na nasa garage ko. Ang yaman ko di ba? May garage talaga eh.

When Dyuswa Meets PuritaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon