Kabanata 46- Red Horse

11K 442 151
                                    

Red Horse

"Now it's too late for you and your red horse, to come around!"

Napatigil ako sa pagtu-toothbrush sa lyrics ng kanta ni Taylor Swift. Red horse ba talaga 'yon? Bakit ang pumapasok sa utak ko ay isang bote ng alak na iniinom ko parati sa tuwing nagna-nightout kami nina Ginny at Eileen?

Nakaabot na rin pala sa USA ang red horse? Ay bonggahan! Umiinom din ba si Taylor ng red horse? Tanduay Ice? Saka lambanog? Ay ewan.

Binilisan ko na lang ang paninipilyo ko at saka itinapon na ang toothbrush ko sa basurahan. Syempre three months na iyon kahapon ano. Sabi kasi sa commercial dapat every 3 months ka magpalit ng toothbrush. Kaya iyon. Sinusunod ko na. Dati kasi sa isang taon, isang toothbrush lang talaga ginagamit ko eh. Ganyan talaga ako ka-loyal! Promise.

Lumabas ako ng banyo at sumasayaw-sayaw pa ng Bomba! Familiar ba kayo sa music na 'yon? Kung hindi pa nako search niyo na sa Youtube. Magaling ang pagkakasayaw nina Sue Ramirez at Ronnie Alonte no'n. Kinikilig ako sa dalawang iyon eh.

Alam niyo ang feeling na sa loveteam ka na lang sa telebisyon kinikilig. Pero okay na rin iyon kasi hindi ka masasaktan. Hindi ka aasa. Hindi ka magmumukhang tanga.

Nagbihis na ako dahil may studio photoshoot pala kami ngayong araw sa ASMA. Para raw iyon sa isang bagong launch na fashion magazine. Sikat daw na businessman ang may-ari no'n kaya mga senior models ang kinuha. Gulat nga ako nang tinawag ni miss Pia ang pangalan ko eh. I'm sure galit na naman sa akin ang tatlong anak ni Goliath. Lalo pa at makakapareha ko na naman si Craig mamaya.

Bahala nga sila. Basta ako, gagawin ko lang ang trabaho ko. Walang makakapigil sa akin. Feeling ko nga maganda ang araw ko ngayon eh.

Pagkalabas ko ng kwarto ay sinalubong agad ako ni Bhebhe Qoh. Tinatanong kung kailan daw ba babalik dito si Parker. Naalala ko na naman bigla ang sinabi niya noong nakaraang gabi. 

Honestly, kinabahan ako sa sinabi niya. Pero after no'n ay isinawalang-kibo ko na lang iyon. Bahala siya sa buhay niya kung anong gusto niyang gawin.

"Hindi na siya babalik dito Bhebhe Qoh. Kaya tumahimik ka na d'yan!" sabi ko sa kanya.

Nginusuan lang nito ako saka umalis na. Kalokang aso. Lumabas na ako ng condo at nang nasa elevator na ako ay may nag-text sa akin.

Unknown Number: Ayissha Kyleigh, you're not replying! :(

Sino ba kasi ito? Wala akong oras mag-entertain sa mga unknown numbers ngayon! Magpakilala sila kung gusto nila hindi na ako pa ang manghuhula ano. Ibinalik ko ang phone ko sa aking bulsa.

Nag-aabang ako ng taxi sa labas nang bigla na lang may humintong Ford na sasakyan na kulay white sa aking harapan. Tinted ang salamin nito kaya hindi ko makita kung sino ang may-ari. Hindi naman kay Craig ito. Omg! Baka kay....

Hindi ko na nadugtungan ang sinasabi ko nang bumukas na ang bintana at bumungad sa harapan ko si Parker na naka-shades sabay ngisi sa akin.

"Sumakay ka na," masaya niyang sabi.

Ay bakit? Bakit ganyan siya ngayon? Nakakapanibago ha. Anong nakain niya kagabi? Errr, adobong tae ba or barbecue'ng tae? Ipnilig ko ang aking ulo. Kalokang Craig kasi eh! Subuan ko kaya iyon ng totoong tae. Chos lang! Ang dirty minded ko naman ngayon!

Inirapan ko siya at nagsimula akong maglakad palayo. Umandar din ang sasakyan niya at sinusundan ako. Muntik na akong mapatalon nang sumilbato siya. Huminto ako sa paglalakad at inis siyang hinarap.

Natameme ang fallopian tube ko nang tinanggal na niya ang kanyang shades. Duh FT! Dahil lang d'yan, tameme ka na? Ang cheap cheap mo! Saan ba makakabili ng bagong FT at makikipag-exchange ako agad-agad! Kabanas eh!

When Dyuswa Meets PuritaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon